JF1

8.3K 97 17
                                    

WARNING: SPG.

Cruel

"Take. That. Back. Ylorah."  He's looking straight in my eyes, I meet his gaze. Anong akala mo sakin? Matatakot sa makalusaw buto mong titig? No, I won't back down.

"Why would I? I'm just stating the fact here, Gazer. Go on and drive, don't give me that damned look!" I hissed. Lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Bagay talaga sa kanya ang pangalan niya. Gazer... Gazer Montreal.

"Damn it! Take those fucking words back or I'll not drive this... this damn car!" He shouted. Tumaas ang kilay ko. Is he threatening me?! Nagsusukatan parin kami ng tingin ngayon. Anong tingin niya sa akin? Mahina? Para hindi labanan ang mga mainit niyang tingin saakin? Hell no!

"How dare you shout at me! Kung ayaw mong mag-drive bahala ka. I'm going home alone! I don't need you!" I shouted back. Padabog kong binuksan ang pinto ng kotse niya, hindi pa man ako nakakalabas ay agad niya nang hinawakan ang braso ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"I'm sorry. Let's go home. I'm sorry, okay? Please don't be mad." Umamo ang mukha niya at naging masuyo ang kanyang boses habang hinahaplos ng pabalik-balik ang aking braso. Halos mapatalon ako sa haplos niya.

"Ano ba?! Don't touch me!" Maarte kong sabi at saka ko inalis ang kamay niya. Muli kong narinig ang pagbuntong hininga niya. Dumukwang siya at sinara ang pinto ng kotse.

He sighed before starting the engine. Umirap ako at humalukipkip. Pasalit-salit ang tingin niya saakin at sa daan, at saka bubuntong hininga. Pasimple ko siyang tinignan. His knuckles turned white, ang higpit ng hawak niya sa manibela. His jaw's clenched. Iniwas ko nalang ang paningin ko, ano bang kinagagalit niya sa sinabi ko? I'm just telling him the truth. At iyon ang mga salitang nababagay para i-describe ang sitwasyon namin.

Wala pang isang oras ay nakarating na kami sa condo niya. Montreal. Yeah right, filthy rich, huh? His parents own the Montreal Development Corporation. 

Nang mai-park na niya ang kotse ay binalingan ko siya.

"Mauuna na 'ko. Mahirap na at baka may makakita sating magkasama, I don't want that to happen." Walang emosyon kong saad. Bago ako tuluyang makalabas ay narinig ko ang sinabi niya.

"You're so cruel." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. I am not cruel, I'm just protecting myself if you can call that cruel, cruelty it is then.

Agad akong naglakad patungo sa private elevator. Mag-isa lang ako, pinindot ko ang pinaka huling floor kung saan ang unit ni Gazer. Pagkarating ko ay napatampal ako sa noo ko. I forgot my key. I guess I have to wait for him.

"Why are you still here?" Tanong ni Gazer pagdating niya. Umirap ako at humalukipkip.

"Obviously, wala akong susi and I forgot your passcode." Maarte kong sagot. Bumuntong hininga siya at umiling, madilim ang expression ng kanyang mukha.

Hindi siya nagsalita at inis niyang pinipindot ang passcode. O518. Yeah right? May 18, huh?

Binuksan niya ang pinto ng magara niyang unit. Pinauna niya ako sa loob, matalim parin ang tingin niya sa akin.

Umupo ako sa kanyang kulay gray na couch, sumandal at pumikit, I just want to sleep. I am so tired. Kung bakit ba kasi ako sumama kila Amihan, actually si Amihan lang. Ayaw talaga namin ni Ben ng mga party or bar na 'yan, napilit lang kami ni Amihan. Nakakapagod na nga sa school, nakakapagod pa ang sitwasyon namin.

Nagulat ako nang may nilapag siya sa tabi kong PJ top at isang underwear, nag init ang pisngi ko sa nakita kong pink na lace underwear. Manyakis talaga siya.

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon