JF20

1K 31 2
                                    


JF 20

May alala o wala

Lumayo ako mula sa pagkakabaon ng mukha ko sa braso ni Gazer. Tinignan ko siya at kita ko ang pamumula ng kanyang tenga.

"Aalis nalang ako." Bulong ko at kinagat ang ibabang labi.

Nang tumingin si Gazer sa akin ay naka-awang ang kanyang bibig. Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata, pag dilat niya ay kitang-kita ang inis sa mga ito. 

"Umalis na nga kayo!" Galit niyang turan sa mga dumating. Napa-ngisi ako dahil sa naging reaksyon niya. Tumawa ang dalawa at naramdaman ko ang paglapit nila sa kama ni Gazer.

Sinundan ako ng tingin ni Gazer nang tumayo ako, pinasadahan niya ulit ako ng tingin at napansin kong napako ang tingin niya sa palda kong may slit. He clenched his jaw, kumunot ang noo ko sa ginawa niya. What?!

"Hi!" Masiglang bati ng isa sa bisita ni Gazer, hilaw akong napa-ngisi at nilingon si Gazer. Lumapit ang morenong bumati sa akin at nilahad ang kamay niya.

"I'm Mavius..." Pinasadahan niya ang kanyang buhok "The delicious." Aniya at saka humalakhak, napa-ngisi ako dahil nakikita ko ang dimples niya sa tuwing magsasalita siya.

Moreno siya at may pilyong ngiti. Matangos ang ilong, maganda ang mga mata, at naka-man bun. Looks like a playboy! Tch!

"Ylorah." At tinaggap ko ang kamay niya.

Narining ko ang paghalakhak ng isa sa gilid, and I am sure he's Kier. Nanghihilahin ko ang kamay ko kay Mavius ay hinigpitan niya ang hawak dito. Nanlaki ang mata dahil binigyan niya ako ng pilyo niyang ngiti.

"I must have been really good this year..." Humlakhak siya, "Santa gave me an early gift." Aniya at saka hinalikan ang likod ng palad ko. Agad kong binawi ang kamay ko at sinapok ang ulo niya. Dumaing siya pero tumatawa parin. He's crazy!

"Tangina! What the fuck, Mavius?!" Galit na sabi ni Gazer habang tinatanggal ang kumot sa kanyang binti. Napadaing siya nang gumalaw dahil sa sakit ng ribs niya. Agad ko siyang pinuntahan at inalalayan.

"Mapanakit, bro." Tumawa siya habang hawak ang ulo niyang sinapok ko. Alam ko naman na that's a foreign gesture, pero ayoko ng gano'n. Ayokong may humahalik sa kamay ko bukod kay Gazer. Ugh! Nakakainis!

"Gazer, stop moving!" Suway ko dahil pilit niyang gustong umalis ng kama. Masama ang tinngin na binigay niya sa akin at inalis ang kamay kong naka-alalay sa braso niya. Kumunot ang noo sa ginawa niya. What?!

"Gazer! Sa kama ka lang!" Inis kong sabi sa kanya dahil sa kabila naman siya bumaling. Naka-awang ang kanyang bibig nang lingunin niya ako.

"Uy, sarap! Sa kama ka lang daw, Gazer~" Paungol ang ginawa niyang pag-tawag sa huli. Nag-init ang pisngi ko dahil ngayon ko lang na-realize kung anong dating ng sinabi ko. Sinamaan ko ng tingin ang walang hiyang si Mavius.

God! He's freaking annoying!

"Shut up, Mavius!" Ginulo ni Gazer ang buhok niya at bumaling kay Kier na ngayon ay tahimik lang na naka-ngisi. Pinalagutok niya ang kanyang leeg na tila ba pagod siya at saka humikab.

Sa pagkakatanda ko ay nakita ko na nang ilang ulit ang dalawang ito, noong 18th birthday ni Amihan at noong birthday celebration ni Gazer 2 years ago. But we hardly see each other, or is it because I don't mingle around? And also, they are always surrounded by a lot of people kmapag nakikita ko sila. 

"Ano bang ginagawa niyo dito, ha?!" Inis niyang tanong. 

Tumayo ako at pinasadahan ng tingin ang mukha niya, he's all red! Mula leeg niya paakyat sa kanyang mukha ay namumula siya. Is he mad? Jealous? Whaaaat?! Gusto kong matawa, may amnesia kaya talaga ang isang ito? Kasi kung sick joke lang ito ay sana tigilan niya na. It's not even funny!

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon