JF 19

827 28 3
                                    


JF19

Si Mavius at Si Kier

Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang mag-pahinga, I just can't answer him. We shared an awkward silence in his room. Inabala ko ang sarili ko sa pag-libot ng aking paningin.

His hospital room is too big, I mean too big for a hospital suite. There's a big white couch on the side of his room and a mini coffee table. Sa left side naman ni Gazer ay may table din na may nakapatong ng prutas at ref sa tabi nito. May TV sa tapat ng kama ni Gazer.

I bit my lower lip, I want to open the TV para magkaroon man lang ng ingay sa loob ng kwarto ni Gazer, but I also want him to rest. Bumuntong hininga ako at kinuha ang cellphone ko. Iniscan ko ang inbox ko at nakitang may ilang text doon sila Tita Wendy, si Amihan at maging si Martha at Sandy ay mayroon din. Ang binuksan ko ay 'yong galing lang sa classmate ko.

Ken:

'Martin, makakapasok ka na ba bukas?'

Dinial ko ang number ni Ken dahil ayoko nang nagti-text. Nakakpagod. Hindi pa nakakatatlong ring ay agad niya ng sinagot.

"Ken, it's me." Mahina kong sabi.

"Alam ko, papasok ka na ba bukas?" Tumikhim siya. "Kasi 'yong sa recital ng group natin..." At bumuntong hininga siya sa kabilang linya. Napangisi ako dahil alam ko na ang gusto niyang sabihin.

"I'll do the presentation, just email me the rough cut that we did last time..." Napatingin ako kay Gazer. "I'll do it tonight."

"Woah! That's great! Send ko na sa'yo ngayon. Thanks!" Tumatawa niyang sagot, binabaan ko na siya ng telepono.

Bumukas ang pinto ng kwarto ni Gazer, nilingon ko kung sino ito, It's Amihan. Kumunot ang noo niya pagka-kita niya sa akin.

"What happened?" Bulong niya habang nilalapag ang dala niya sa coffee table. Kinibit ko lang ang balikat ko.

"Nag-usap na kayo?" Aniya at umupo na sa couch, lumapit ako sa kanya at tumabi.

"Yup." Matabang kong sagot. Ngumuso siya at nilabas ang bitbit niya.

"So..." Nilagapag niya ang baunan sa lamesa. "How was it?" Alangan niyang tanong. Tinignan ko ng seryoso si Amihan.

"He doesn't even remember me, what do you mean how was it?..." Bumuntong hininga ako, "It's awful, Amihan. Ayoko na... I---I just want to give up." Pagod kong sabi sa kanya. 

Napa-awang ang kanyang bibig. 

"But I know I just can't... I don't even know where to start..." Naihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha. "...or If I should really start?"

"Ylorah, come on!" Inis na sabi ni Amihan. Bumaling siya sa kapatid niyang nagpapahinga. "I'm sure Kuya will remember you... Just...Just stick with him and be patient."

Tumango ako at mapait na ngumiti. I know, I should do that. But can I really do that? Am I patient enough to stick with Gazer? Isipin ko palang na ayaw niya sa akin ay nababahag na ang buntot ko. What if he pushes me away? Gaya ng sabi niya kanina? He doesn't want me around.

"Kasi kung ikaw ang di makaalala sa kanya..." Bumaling siya sa akin, "I'm sure he'll make you remember him, at any cost. 'Coz he's just... just so into you." Humalkhak siya ngunit seryoso ang boses.    

"Amihan... he doesn't even want me around." Pumiyok ang boses ko. Sarcastic na natawa si Amihan dahil sa sinabi ko.

"What did you guys talk about? Did he asked about your relationship with him?"

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon