JF18

728 24 2
                                    


JF 18

Own Medicine

Nang tumakbo ako palabas ng kwarto ni Gazer ay hindi ko na alam kung saan ba ako dapat pumunta. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako dahil sa mga luhang lumalandas sa mukha ko. Pakiramdam ko ay wala akong lugar sa mundo ito. 

Everything for me is so temporary. Everyone keeps on leaving me!

Hanggang sa dinala na mismo ako ng sarili kong mga paa sa lugar na ito. Ang lugar na pilit kong iniiwasan dahil nandito ang mga taong sinisisi ko kahit na alam kong hindi naman sila ang dapat.

Lumuhod ako sa harap ng puntod nila, hinaplos ko ang puntod na nasa gitna. Patuloy parin sa pag tulo ang luha ko.

"Ikaw ang unang nang-iwan sa'kin." Umiling ako at pinunasan ang luhang muling kumawala. "Pero mas ayos na 'yon kaysa mahirapan ka..." mapait akong ngumiti nang lingunin ko ang magkabilang puntod ng mga magulang ko.

Bumungtong hininga ako at pilit na kinalma ang sarili ko. Pero kahit ano yata ang gawin kong hinga ay di parin ako kakalma. 

Humikbi ako at hiniling na sana lahat ng masamang nangyari ay parte lang ng isang hindi magandang panaginip. Kasi kahit gaano ko man pilitin at isiksik sa kokote ko na malakas at matatag akong babae, wala parin, nanghihina parin ako sa tuwing dumadalaw sa akin ang lahat ng mga nangyari.

Sana ay nananaginip lang ako at pag gising ko ay nandyan parin ang mga magulang ko at handa akong aluin dahil sa panaginip ko. Kaya lang kailangan kong tanggapin na walang gano'n, na hindi na 'yon mangyayari. Sobrang dami kong pinagsisisihan, hanggang ngayon, kahit na wala na ang tatlong taong pinaka importanteng sa buhay ko, the chances I didn't take are still hunting me.

A lot of what ifs and if only's come rushing down to my mind. Lahat ng sana ko ay muling nabuhay. Pero kahit isa man lang sa mga 'sana' ko ay matupad. Na sana pagbalik ko kay Gazer ay maalala niya na ako. Na sana ay binibiro niya lang ako. Na sana masamang panaginip lang ito. Ang nangyari kay Gazer ang naging mitsa ng mga bagay na pilit kong iniiwasan at nilalayuan.

Because for me, avoiding is much easier than facing, and that's what I'm good at. I have always been good at avoiding people, denying, and trying. I built my walls so high no one can even enter but I only did that because I am so scared. I'm scared that they'll also leave me crying in vain. Kasi natatakot ako, na baka pag pinapasok ko sila ay guluhin nila ang mga bagay na pinaghirapan kong ayusin, natatakot na ako na baka magdala lang sila ng bagyo sa buhay ko.

My life is cloudy rather than sunny, I have always felt like my life is in the invisible line of being happy and unhappy. But then there's a moment in my life where I felt that I am slowly stepping out of that invincible line, but I can't identify which way I was stepping. But I guess, it turns out it's the unhappy line.

"You should have stayed a little longer..." Pinahid ko ang luha ko. "I got no one when I need a hug." And right now, that's what I needed the most, pero 'yong taong handang yumakap sa'kin ay ni hindi ako maalala.

Napapikit ako nang umihip ang malakas at malamig na hangin sa gitna ng kasikatan ng araw. The cool wind comforted me as if they're here and they got my back. It's sweet and creepy. Mapakla akong tumawa.

Nanatili lang akong nakatitig sa puntod nilang tatlo at iniisip ang mga kailangan kong gawin. Nag-isip ako ng magagandang bagay. Naisip ko na ayos lang na hindi niya ako makilala basta ang mahalaga ay ligtas si Gazer.

Napamulat ako nang narinig ko ang pag tunog ng cellphone ko. Huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag ni Amihan.

"Y--Ylorah! Where are you?" Nag-alala niyang tanong. Tumayo na mula sa pagkaka-upo sa gitnang puntod at hinawi ang buhok ko dahil hinahangin.

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon