2

537 37 1
                                    


INATASAN NI Ember si Yael na asikasuhin ang mga bisita nito at huwag na siya nitong alalahanin pa. Hinanap niya si Ivo pagkatapos. Natagpuan naman niya ang binata sa bar. Mag-isa ito at alam niyang hindi iyon magtatagal kaya sinamantala niya ang pagkakataon at hindi na nagpatumpik-tumpik pa.

"Hey," aniya.

Nilingon siya nito at nginitian. "Hey."

"I'm sorry kanina," sabi niya. "I... uhm... had an urgent need for the bathroom."

Banayad na natawa si Ivo. Nanginang ang mga mata nito sa kaaliwan. "'That so?"

"Yes. Hindi ako galit sa 'yo or something. Hindi ako caught up in the past o kaya naman overwhelmed sa presence mo. Natiyempuhan lang talaga na kailangan kong magbanyo."

"Okay. I was worried for a bit."

"No worries. I'm truly happy to see you again, Ivo. Really." Sinalubong niya ang mga mata nito upang ipakita na sinsero siya sa sinabi.

"Okay," tugon nito. "I'm also really happy to see you again."

Inilapag ng bartender ang inumin ni Ivo at tumingin sa kanya, hinihintay ang drink order niya.

"Lime soda, please."

"Sweet?" tanong ng bartender.

"Yes. Thank you."

Dinampot ni Ivo ang inumin at dinala sa bibig. "'Still not drinking, I see."

"I had two flutes of champagne. I just want to be clear-headed to be happy for my—our friends." Naalala nito na mababa ang tolerance niya sa alcohol. She had improved over the years, but she still didn't let herself indulge too much.

Napansin niya na tuon sa kanya ang mga mata ni Ivo. Parang inaalam nito ang mga pagbabago sa kanyang mukha. Labis na na-conscious si Ember. That look was so familiar and she didn't really want to remember. The soft eyes. The gentle smile. Iniiwas niya ang paningin.

Ipinagpasalamat niya na hindi nagtagal ay handa na ang kanyang inumin. Pinagpingki niya ang kanilang mga baso bago niya dinala sa bibig ang inumin.

"I missed you," sabi ni Ivo habang hindi siya nilulubayan ng tingin.

"Awww," ang tugon niya. Parang nagbibiro lang at hindi talaga sineryoso ang sinabi nito. Pero nagkakagulo na ang sistema niya sa loob. She didn't want to hear him say those words but her heart was undeniably happy.

Natawa si Ivo. "God, I really missed you."

"I did, too. Come on, let's roam around and be happy for our friends."

Hindi na niya hinintay ang pagsang-ayon nito, naglakad na siya patungo sa isang grupo ng mutual friends nila ni Yael. Naramdaman niyang nakasunod sa kanya si Ivo. She was not ready to be alone with him. She was not ready to talk or catch up.

Kaagad na natuon ang pansin ng grupo kay Ivo. They all looked at her expectantly. She introduced him to her friends then she let them all question him. Pagkatapos ay nakihalubilo sila sa ibang grupo. Ipinakilala niyang muli si Ivo sa mga hindi pa nito kilala at kaagad nitong napupukaw ang atensiyon ng sinuman. The focus would immediately shift to him. Mas madalas na nakakalimutan na siya.

Ember didn't mind a bit. Ang totoo ay alam niyang mangyayari ang ganoon kaya sinadya niyang batiin ang lahat ng mga kakilala roon. Kahit na hindi niya gaanong kilala o ka-close ay nilapitan niya.

She had always been good at that. Ipinagpasalamat niya na hindi ganap na nawala ang kakayahan niyang makisalamuha at makipagkaibigan sa halos lahat ng uri ng tao.

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon