40

118 16 2
                                    

"MY BEST friend was used."

Ibinuka ni Ember ang bibig at akmang pabubulaanan ang sinabi ni Ivo pero itinikom niyang muli ang bibig. Bumisita siya sa condo unit nito nang araw na iyon. She promised to cook for him. Habang naghahanda sa kusina ay napag-usapan nila ang tungkol kina Yael at Martino.

"Alam ko na ang gusto mong sabihin at tumatakbo riyan sa isip mo," sabi ni Ivo.

"Ano?"

"'Was he? He's a manwhore.'"

Natawa si Ember dahil sinubukan nitong gayahin ang paraan ng pagsasalita niya. "I'm not that judgy," sagot niya. Mayamaya ay natigilan siya. "Am I? Talaga bang judgy ako?"

Nilapitan siya ni Ivo, sinapo ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay at mariin na hinalikan ang kanyang mga labi. "No. You're a very wonderful person."

"Yes, I try. Pero minsan ay hindi maiwasan, 'di ba? Kahit na ikaw dati sabi mo judgy ako. I have judged you even before I got to know you."

"Well, I didn't display the best version of myself kaya hindi rin naman maiiwasan."

Parang gusto pa rin niyang mag-alala. Naging mabuti ba talaga siyang kaibigan?

His finger land between the space on her brows. Hindi siya aware na nagsasalubong na ang kanyang mga kilay. "Don't sweat over it, babe."

"You're right. It's not about me. How's Martino?"

"Wala sa sarili. Ipinagpipilitan na okay lang siya pero obvious naman na hindi. He's not very good at expressing feelings. We've been best friends since we were young pero hindi namin talaga thing ang heart-to-heart. I guess I should just let him for a short while. I'm hoping he'd be okay eventually."

Pinagmasdan ni Ember ang mukha ng boyfriend. "Parang may hindi ka sinasabi sa akin."

"Magagalit ka sa 'kin, eh."

Umiling si Ember. "Of course not. I need to hear your opinions. Kailangan ko rin namang marinig ang mga tumatakbo sa isip mo. Kahit na hindi ko magustuhan, kailangan ko pa ring malaman."

Tumango si Ivo. "Your friend did a number on Marti. I feel like she's playing with his feelings."

"By friend, you mean Yael?" tanong ni Ember na sinisikap kontrolin ang nararamdaman. Tama si Ivo, hindi niya gaanong nagustuhan ang narinig. Pero kailangan niyang alalahanin na hiniling niyang malaman ang tumatakbo sa isip nito kahit na hindi niya magustuhan. Kailangan din niyang isipin na matalik na magkaibigan sina Ivo at Martino. He knew the best part of Martino. Siyempre ay mas kakampihan nito ang kaibigan kagaya ng mas kakampihan niya si Yael dahil ito ang kanyang kaibigan.

At dapat bang may kampihan?

"Can I still speak freely?" tanong ni Ivo, nasa boses ang pag-iingat.

Tumango si Ember.

"Martino is a manwhore, that's undeniable. But that does not mean he doesn't have feelings. Hindi siya dapat gamitin sa ganoong paraan dahil lang known playboy siya. Parang mahirap paniwalaan but Marti is a good and wonderful man. He has feelings. He's also really into Yael."

Nakagat ni Ember ang ibabang labi. May punto ang lahat ng sinabi ni Ivo. Siguro ay hindi rin naman sinasadya ni Yael na gamitin si Martino. Hindi nito intensiyong manakit. Wala lang talaga sa sarili ang kaibigan.

Bumuntong-hininga si Ember. "It's complicated, isn't it?"

Niyakap siya ni Ivo. "We can still be good and supportive friends to them. 'Yon lang ang kaya nating gawin ngayon. They had to figure everything out on their own."

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon