3

461 27 1
                                    

Then

GUTOM na gutom na si Ember. Nararamdaman niya ang panginginig ng kamay. Na-late siya ng gising at may maaga siyang klase. Hindi siya nagkaroon ng panahon na makapag-almusal. Sa kamamadali rin niya ay nakalimutan niyang wala ng snack sa bag na dala-dala niya sa araw na iyon.

Kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng klase niya sa umaga ay nagtungo na siya sa cafeteria at um-order ng mga pagkain. Kasalukuyan siyang naghahanap ng mauupuan. Wala ng bakanteng mesa at okupado na lahat ng estudyante na abalang kumakain. Naghanap siya ng kakilala na maaaring makasalo.

Napangiti siya nang makitang may kumakaway sa kanya. Lumapit siya sa mesa kung saan naroon sina Shay at Yael. Mga kaklase niya ang mga ito sa dalawang subject. Magkakasama sila sa susunod na klase pagkatapos ng kanilang break. Magkaibigan na mula high school ang dalawa. Parehong galing sa probinsiya. They had been so nice and sweet.

"Thank you. I'm starving," sabi niya bago nauupo sa tabi ni Yael. Kaagad niyang inatake ang mga pagkain niya. "I'm sorry," aniya habang ngumunguya. It was rude but she was really hungry. "Galit-galit na muna. I'm really hungry. You can talk to me later."

Natawa ang dalawa pero hinayaan siya ng mga ito sa loob ng ilang sandali. Tinapos din ng mga ito ang pagkain. Kahit na tuon sa kinakain, hindi pa rin nakaligtas kay Ember ang tinginan nina Shay at Yael.

"You must be talking about something private," aniya habang inaabot ang inumin. "I'm sorry kung nakakaabala. After ko kumain—"

"No, no!" maagap na sabi ni Shay. "Hindi ganoon. Hindi naman gaanong private. Hindi secret. Puwede mong malaman. Itong si Yael lang, masyadong killjoy."

Pinandilatan ni Yael si Shay. "Killjoy? Ako? Realistic lang ako, grabe 'to."

Dahil napawi na ang gutom ni Ember, mas napagtuunan na niya ng pansin ang mga kaibigan. "Can you share?"

Hinarap siya ni Yael. "Gustong um-attend ni Shay sa party ni Ivo de Miguel. Bumili ng bagong damit and everything," sabi nito sa kanya na para bang nagsusumbong.

"We're on our second year in college. Gusto kong ma-experience ang college parties. Kasama 'yon sa tinatawag nilang 'full-college experience.' Ivo's party is like the biggest and the best and the hottest party of all the college parties. At dahil ito na ang huling taon niya sa kolehiyo, the parties would be complete blast. Lahat gustong um-attend."

Ember knew what and who they were talking about. Unless freshman ka, alam mo kung sino si Ivo de Miguel. He was the most popular guy in the school. The guy who was almost a cliche. He was wealthy, very good-looking at smart. He threw out the best college parties. He could reserve a club for his friends to party on in a snap of a finger.

Everyone wanted to be in those parties but one couldn't just show up. Kailangan ng invite. Dati ay walang invite-invite. Ang dinig ni Ember, nag-overcapacity minsan ang ni-reserve na club ni de Miguel at nagkaroon ng aksidente. Mini-stampede or something. May mga nasaktan. Kaya naging maingat na ang mga ito. Naging mas strict na. If you received an invite, it meant you're one of the cool kids.

Personally, Ember thought it was a bullshit but it was college. It was a rite of passage or something. And everyone wanted to be cool.

Or maybe, hindi nawawala ang kagustuhan ng tao to belong in a group, to be one of the "cool kids."

"Oo nga. Pero hindi naman lahat ay nabibigyan ng invite. Paano tayo makakakuha ng invite? Sino ang magbibigay sa atin? We're nobodies, in case nakakalimutan mo," ani Yael.

"We're nobodies now but that can change, you know. Hindi tayo forever nobodies kung gagawan natin ng paraan."

Yael rolled her eyes. "We're here to study, Shay."

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon