8

351 34 2
                                    

TUMINGIN si Ember sa suot na relo. Any minute now. Parang natatakot, naduduwag at nakokonsensiya siya pero pilit niyang isinantabi iyon. Gagawin niya ang bagay na ito para sa mga kaibigan. Hindi lang dahil badtrip siya kay Ivo at gusto niyang makaganti. That would be petty and a little cruel.

Shay had cried for two days. Hindi gaanong makausap. Ayaw pumasok ng school. Hindi rin daw gaanong kumakain. Teagan went to school and still practiced with the squad. But she couldn't concentrate on the routine. She was a flyer in the squad. One wrong calculation and she would injure her body real bad. She had also stopped eating carbs, according to one of her squad. She was not eating enough. Teagan had an eating disorder in high school. Naagapan iyon ng ina nito. She had a nutritionist and meal plans.

Nakarating din sa kanya na her girls were being bullied and laughed at.

Kaya naman igaganti niya ang mga kaibigan niya. Kailangang malaman ni Ivo na maling-mali ang ginawa nito. He should treat women better. He should learn his lesson.

Ember would make sure Ivo would know how horrible of a human being he was.

Sa wakas ay nakita niyang palapit si Ivo. Humugot siya ng malalim na hininga bago siya lumapit. She pasted her sweet charming smile. Siniguro niya na malalim talaga ang nag-iisang dimple niya.

Hinarang ni Ember ang daraanan nito. Wala na talagang atrasan. She was really doing this. "Hi!" pagbati niya sa pinakamasigla at pinakamalambing niyang tinig.

Nangunot ang noo ni Ivo nang makita siya. He looked like he was in a much better mood than the last time they saw each other.

"What are you doing here? You have no class in here."

Saka na niya iisipin kung paano nito alam na wala siyang klase sa building na iyon.

"I'm here to see you."

"Talaga?"

Tumango si Ember, may ngiti pa rin sa mga labi. She wished she looked convincing enough. She needed to look good to pull this off.

"I have cookies for you," aniya habang inilalabas ang dala-dala. Nasa zip lock ang tatlong malalaking cookies.

Mukhang nababaghan na si Ivo. "Cookies?"

Tumango-tango si Ember. "Uh-huh."

Then Ivo looked a little disapppointed. Hindi niya sigurado kung bakit o kung saan dismayado ang binata. Was he disappointed because it seemed like she was like the other girls who were crazy over him? Iyon naman talaga ang gusto niyang isipin nito pero parang naghihimagsik pa rin ang kalooban niya sa disappointment na nababasa niya sa mukha nito.

"I'm not really—"

"I know you have a sweet tooth," aniya habang binubuksan ang zip bag. Her source about the sweet tooth was very reliable. Dinampot niya ang isang piraso at bigla na lang isinubo kay Ivo. Nabigla ang binata sa kanyang kapangahasan. Hindi nito magawang magpumiglas kaagad. Nang subukan nitong magsalita ay sinamantala niya ang pagbukas ng bibig nito.

She shoved the cookies in his mouth. Sinubukan nitong lumayo sa kanya pero nakasunod lang siya. Hindi talaga niya tinantanan hanggang sa makain nito ang halos kalahati. Parang mabibilaukan si Ivo kaya naman maagap niyang inilabas ang nakahanda ng bottled water sa tote bag niya. Binuksan niya iyon at ibinigay kay Ivo.

"Sorry, na-excite lang ako. Inom ka muna."

Inagaw nito sa kanya ang tubig at ininom. Wala itong choice, kailangan nito ng tubig. Natuwa siya nang mapangalahati nito ang tubig.

"Lady!" anito nang makahuma na. "What do you think—"

Iniumang na naman niya ang cookie sa bibig nito. Sa pagkakataon na iyon ay naging maagap na ito. "Ubusin mo na at sayang," pamimilit niya. "Bawal magsayang ng pagkain. Maraming tao ang nagugutom," pangongonsensiya pa niya.

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon