11

155 21 0
                                    


SA LOOB ng tatlong araw ay nakatanggap ng mga mensahe si Ember mula kay Ivo. Mga maiikling messages lang naman. Kaswal at hindi naman siya pinipilit na mag-reply. Minsan ay nangungumusta lang. Minsan ay simpleng "good morning" o "good night" lang ang laman ng mga mensahe. Minsan may "sweet dreams" at "have a good day ahead."

Minsan naman ay may bola. You look extra lovely today. Your smile is really exquisite. You are too kind to people.

Minsan ay hindi komportable si Ember na parang pinapanood siya ni Ivo. Pero parang may parte rin sa kanya ang bahagyang natutuwa dahil nakikita siya ng lalaki. Was that wrong?

Minsan din ay nahihirapan na siyang pigilan ang sarili sa pagre-reply. Parang gusto niyang itanong kung bakit patuloy siyang pinapadalhan ng texts ni Ivo kahit na hindi naman siya sumasagot. Ano ang kailangan nito sa kanya?

Pero palagi niyang sinasabi sa sarili na magsasawa rin si Ivo. Titigilan din nito ang pagte-text sa kanya. Mas smart kung hindi niya ito papansinin. Nagawa na ni Ember ang sa pakiramdam niya ay kailangan niyang gawin. Nag-sorry na si Ivo kina Shay at Teagan.

Tinawagan ni Ember si Teagan dahil gusto niyang malaman kung tinawagan din ito ni Ivo o si Shay lang ang kinontak ng lalaki. Natuwa naman siya nang malaman na nag-sorry rin si Ivo sa kanyang kaibigan. Teagan sounded happy and she assured her that she was going to be fine. Tanggap na raw ng kaibigan na wala na itong pag-asa kay Ivo.

Isang araw ay naglalakad siya kasama ng ilang kaibigan sa hallway nang bigla na lang siyang lapitan ni Ivo.

"Hey, beautiful," nakangiti nitong bati sa kanya.

Napatingin sa kanya ang halos lahat ng taong nakapaligid sa kanila. Halos karamihan ay mukhang confused. Ang ilan naman na kilala na talaga si Ember ay hindi na gaanong nagtataka. Ember was friends with everyone.

"Stop it," pananaway ni Ember kay Ivo. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Kahit na hindi niya nakikita ang sarili, alam niya na bahagya siyang namumula. Namumula siya hindi dahil nasa harap niya si Ivo ngayon at nakatingin sa kanya na para bang siya lang ang babae sa buong eskuwelahan. Namumula siya dahil may ibang tao sa paligid nila. Nahihiya siya. O medyo natatakot na baka kung ano ang gawin nito sa kanya.

Kahit na ano pa ang dahilan, flustered pa rin siya. Hindi siya handa sa paglapit nito o sa pag-atake sa kanya.

"You're not texting me back," sabi ni Ivo na para bang hindi narinig ang kanyang sinabi.

"Wala akong load," pagsisinungaling niya.

Napangiti si Ivo. Alam nitong nagsisinungaling siya. Nagkibit siya ng mga balikat.

"You wanna go out?"

"Date?"

Tumango si Ivo.

"No," walang anumang sagot ni Ember.

"Are you sure?"

"What did I tell you? When a woman says 'no,' it's a no."

"For now."

"My God, Ivo."

"Ano ang magagawa ko? Gusto talaga kitang maka-date. Parang mas nagiging adorable ka kapag hindi ka nagre-reply. Parang nagiging challenge kapag tinatanggihan mo 'ko."

"That's very wrong," sagot niya. "Also kind of creepy. Do you know that?"

"Magye-yes ka rin," sabi nito sa nakakasigurong boses, nakangiti.

"No," sabi ni Ember. Hindi talaga siya gaanong sigurado pero pagsusumikapan niyang panindigan.

Challenge lit in those beautiful eyes. Nakita rin niya ang determinasyon sa ekspresyon ng mukha nito. Biglang napaisip si Ember. Tama ba ang kanyang ginawa?

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon