16

125 14 1
                                    

SA LOOB ng isang linggo ay hindi na nga nag-text o tumawag kay Ember si Ivo. Hindi na rin niya gaanong nakikita ang lalaki pero naririnig pa rin niya siyempre na pinag-uusapan ito ng mga tao sa kanyang paligid.

Aaminin ni Ember na dismayado siya na wala na siyang natatanggap na tawag, text o anuman mula kay Ivo, na pinagbigyan nito ang kanyang gusto. Kaya naman naiinis siya sa sarili. Madalas niyang ipaalala na iyon ang gusto niya. Pinili niya si Shay. Wala siyang karapatang mainis o madismaya dahil ibinibigay lang naman sa kanya ni Ivo ang kanyang hiningi.

Inirespeto ni Ivo ang kanyang desisyon.

He was not going to pursue her because she told him they had nothing to do with each other anymore.

Sa kanya nanggaling iyon. Kailangan niyang panindigan.

Kahit na ganoon, hindi pa rin niya maiwasang isipin nang madalas si Ivo. Parang gusto niyang alamin kung ano ang pinagkakaabalahan nito. Gusto niyang malaman kung ano ang nararamdaman ng lalaki. Iniisip din kaya siya ni Ivo? Sobra din kaya itong nanghihinayang?

Hindi rin maiwasang isipin ni Ember kung ano ang mangyayari kung sakaling walang Shay at Teagan na nakapagitan sa kanilang dalawa. Paano na lang kaya kung siya ang unang nakilala ni Ivo? Paano kung hindi muna nagkagulo? Would he be good to her?

Would she fall in love with him?

Pagagalitan niyang muli ang sarili at pagsasabihan na walang saysay ang anumang mga naiisip. Nagsasayang lang siya ng enerhiya at hindi makakatulong sa kanya ang mga ganoong iniisip. Wala namang magbabago sa sitwasyon.

She couldn't deal with should've beens or could've beens. She just had to deal with now.

She had to get over it and move on.

Kaya naman nagpakaabala na lang muna si Ember sa mga school work. She cooked and baked. She did arts and crafts. She binge-watch police procedurals and medical dramas. She spent time with friends. She had distracted herself as much as possible.

She was starting to be okay. Hanggang sa isang maulang gabi ay nakatanggap siya ng text mula kay Yael.

"May paparating na bagyo pero hulaan mo kung nasaan kami ni Shay..."

Kaagad nag-type ng reply si Ember. San?

Mabilis na dumating ang reply. Sa birthday party ni Marti.

Nagsalubong ang mga kilay ni Ember. Nagsimulang mag-type ang mga daliri niya sa keyboard pero napagpasyahan niyang tumawag na lang. Mabilis siyang sinagot ni Yael.

"You're where?" tanong ni Ember pagkatapos nitong sagutin ang tawag niya. "Um-attend ka sa birthday ni Marti?" Parang gusto niyang ipaalala na may boyfriend ito pero napigilan niya ang sarili. Hindi niya iyon kailangang ipaalala dahil hindi nito makakalimutan. Ayaw rin niyang ma-offend ang kaibigan. It was just a party. Hindi naman pumunta sa sex den ang mga kaibigan.

Bumuntong-hininga si Yael. "I know, I know. Hindi ko rin talaga gustong pumunta. Nakatanggap ako ng invite from Marti himself—he's just being annoying. Hindi ko naman talaga planong gamitin pero nakita ni Shay at nagpumilit siya. Isa pa, naiinis na naman ako kay Henri. So parang rebellion on my part na sobra kong pinagsisisihan ngayon." Muli itong nagpakawala ng buntong-hininga.

Hindi na mahirap hulaan kung bakit nagpumilit si Shay na magpunta sa birthday party ni Marti. "So hindi pa rin sinusukuan ni Shay si Ivo?"

"Hindi pa. Diyos ko, hindi ko na minsan alam ang gagawin ko. Ako na ang nahihiya kay Ivo ngayon. He's being nice and I can see he's a little uncomfortable with Shay being here. Pero sige, para hindi masabihan na ungentleman, ngumingiti lang siya at hinahayaan na dumikit at sumunod-sunod sa kanya si Shay. This is a very bad idea."

Walang maisagot doon si Ember.

"And the birthday boy is also being nice."

"Martino?"

"Yeah. He's a nice guy naman talaga, alam mo. Playboy at playful pero nice naman. He can listen and you know... hindi naman niya talaga ipinipilit ang hindi puwede. Sa palagay ko, hindi naman talaga niya inasahan na pauunlakan ko ang imbitasyon niya kaya nagulat siya ngayon na dumating kami at may regalo ako sa kanya."

May kung ano sa boses ni Yael at parang gustong mag-alala ni Ember.

"This is a very bad idea," sabi uli ni Yael.

"Hey..."

"Sinasabi ko sa sarili ko na napilit lang ako ni Shay, nakulitan lang ako sa kanya, pero hindi ko talaga sigurado. Parang gusto ko rin kasing magpunta. I feel like nakikita ako ni Marti at nababale-wala ako ni Henri. Gusto kong makita ako, mapansin. Tingnan na parang ang ganda-ganda ko. I'm being awful and horrible. I'm cheating." Nabasag ang boses ni Yael sa huling sinabi.

"Hey, that's not true."

"It is true. Lumalapit ako sa lalaking pakiramdam ko ay nakikita ako. Parang gusto kong saktan si Henri dahil wala siyang panahon sa akin. Baka kapag nalaman niya, magselos siya at makita na naman niya ako. Martino is a playboy and he can be disgusting, but he does not deserve this from anyone. Palagi kong sinasabi na may boyfriend ako pero hindi ko naman talaga siya itinataboy. I wanted the attention. Mas malala pa ako kay Shay."

Yael was crying now. Ember could tell. "Nasaan ka? Anong address? I'll come get you," sabi niya habang hinahanap ang kanyang sneakers.

"Hindi mo kailangang—"

"I'll be there," sabi niya bago pa man nito maituloy ang sinasabi. She would be there, of course. Her friends needed her. "Tell me where you are."

"Okay." Sinabi ni Yael sa kanya ang address ng isang condominium building. Sinabi rin nito sa kanya ang condo unit number. Inakala niya na sa isang club siya magpupunta.

"I'll be there. I'll text kapag nasa malapit na ako."

"Thank you for being awesome, Em."

"Lakas mo sa 'kin, eh."

Inilagay ni Ember sa sling bag ang kanyang cell phone. Sinilip niya ang bintana. Umuulan pa rin. Ayon sa weather report na napanood niya, may bagyo. Hindi naman kalakasan ang hangin pero malakas ang ulan. Hindi na dapat siya lumalabas dahil babahain sigurado ang mga daan.

Kailangan lang siguro niyang magmadali para makauwi sila kaagad bago pa umapaw ang mga lansangan. Hindi naman kalayuan ang address na ibinigay ni Yael. Puwede sigurong sa condo unit muna niya matulog ang mga kaibigan.

Inilabas niya ang jacket sa cabinet at nagmamadaling lumabas ng condo unit. Wala ang Ate Jana niya. Nakatanggap siya ng text mula sa kapatid na nagsasabing sa ospital na ito magpapalipas ng gabi dahil baha na sa mga dadaanan nito. Kailangan din naman nitong pumasok nang maaga kinabukasan kaya mas safe kung sa ospital na lang ang kapatid.

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon