22

131 12 0
                                    

HINDI inasahan ni Ember na maraming estudyante ang magbibigay ng tulong sa inakala niyang maliit na project nila ni Ivo para sa mga nasalanta ng bagyo. Marami pa ring mga lugar na nalulubog sa baha. Napakaraming pamilya ang sobrang naapektuhan.

Nagawan ng paraan ni Ivo para magamit ang gymnasium para malikom ang mga donasyon. Maraming estudyante rin ang nag-volunteer para mag-pack ng relief goods. Siya ang nakatoka sa mga donasyon at tulong at si Ivo naman ang abala sa pagtawag sa ilang mahahalagang tao para maipamigay nila nang maayos ang mga nalikom nilang goods. Tumulong si Frida sa kanya sa pag-organize ng mga tao at kung paanong sistema ang gagawin nila.

Abala si Ember sa dami ng kailangan niyang gawin pero hindi niya maiwasang pagmasdan paminsan-minsan si Frida na kagaya niya ay abala rin.

May mga pagkakataong nahuli siya ni Frida. Noong una ay ngingitian lang siya pero mukhang na-curious din ang babae.

"Don't tell me crush mo 'ko?" tanong ni Frida sa nagbibirong boses.

Napangiti si Ember. "Can you blame me? You're so beautiful and so nice."

Natawa si Frida. "No wonder I like you."

"And I like you too." Hindi siya nagsisinungaling. She didn't think Frida would be so nice and down to earth, but she was and so much more. "That guy likes you more."

Sinundan ni Ember ang tinitingnan nito at kaagad na bumilis ang tibok ng puso niya nang makita si Ivo na palapit na sa kanila. Kasama nito si Martino pero hindi talaga niya nakikita ang iba. All her eyes saw was him.

Nagtama ang kanilang mga paningin. Gumuhit ang isang magandang ngiti sa mga labi ni Ivo at lalong nagkagulo ang kanyang sistema.

Malapit na sa kanya si Ivo nang maramdaman ni Ember na may bigla na lang umakbay sa kanya. Ibinaling niya ang paningin sa tao na iyon at halos wala sa loob na napangiti. "Jonas, hi! Thank you so much for helping."

Pinisil nito ang dimple niya sa pisngi. "No thanks necessary. I'm happy to be part of this. The very least I can do is give some to the needy."

"Yes, pero hindi mo naman na kailangang karayin pa ang buong varsity team."

Jonas was a junior who was one of the best players in the university's basketball team. Ang dinig niya ay pinag-aagawan na ito ng mga professional teams ngayon pa lang. She had met him the first time in high school. She was good friends with his younger sister Jecca.

"They have nothing else to do. Might as well do some good." May iniabot ito sa kanya na nakangiti niyang tinanggap.

"Thank you pa rin. How's Jecca?" Kasalukuyang nasa ibang bansa ang kaibigan. She managed to get into a good university abroad. "Thank you rin dito."

"She's fine. 'Enjoying her independent life. And maliit na bagay. You still like choco mallows and Sprite?"

"I still love them. That's very nice to hear about Jec. Hindi kami magkatiyempuhan sa chat." Naramdaman ni Ember ang tuluyang paglapit sa kanya ni Ivo. Tumingin siya uli sa lalaki at ngumiti nang matamis.

"Hi," bati niya. Parang nahihirapan siyang kalmahin ang buong sistema.

Ginantihan naman ni Ivo ang kanyang ngiti. "Hi." Napatingin ang lalaki sa hawak niyang choco mallow at inumin. Mayamaya ay napatingin kay Jonas.

"Do I need to introduce you two to each other?" tanong ni Ember habang palipat-lipat ng tingin kina Ivo at Jonas.

"We know each other," imporma ni Jonas.

"Of course you already know each other," sabi ni Ember na bahagyang kumunot ang noo. Nakatingin siya kina Ivo at Jonas na nakatuon ang tingin sa isa't isa. May something pero hindi niya masabi kung ano ang something na iyon.

Napatingin si Ember kay Martino na bigla na lang inubo. He was looking away, looking like he really wanted to laugh but trying hard not to. Mas kumunot ang kanyang noo. What was happening?

"Are you okay, Marti? Do you need..." Napatingin siya sa hawak na inumin. Would the soft drink help him with his cough?

"Yes, he needs a drink," biglang sabad ni Ivo na kinuha mula sa kanya ang inumin at choco mallow.

Nakita ni Ember na imbes na ang inumin ang ibigay ni Ivo sa kaibigan ay binuksan nito ang choco mallow.

"Mas mangangati yata ang lalamunan niya riyan," hindi napigilang sabihin ni Ember.

Sa pagkakataong iyon ay parang hindi na napigilan ni Martino ang sarili at napahagalpak na ng tawa. Parang naiinis naman na isinubo ni Ivo ang choco mallow.

"Give me..." sabi ni Martino na natatawa pa rin habang kinukuha sa kaibigan ang lata ng Sprite. Imbes naman na ibigay na lang, inalog pa ni Ivo iyon.

Tumingin na lang si Ember kay Frida na parang natatawa rin. "I'm not sure what is happening."

"Ako rin," sabi ni Jonas. "But anyways, you're coming to my birthday party next week, right?" sabi nito sa kanya.

"Next week na ba?"

Tumango si Jonas. "Yes. Magtatampo ako kung hindi ka pupunta."

Natawa si Ember. Sa palagay niya ay hindi naman siguro nito mapapansin kung naroon siya o wala. Siguradong napakaraming taong invited at pupunta. Jonas was as popular as Ivo. Baka nga more pa in some instances.

"Huwag kang tumawa lang. You'll be there?"

Tumango na lang si Ember. "I'll be there, I promise."

"We'll also be there, man," sabad ni Ivo.

Tumingin si Jonas kay Ivo. "Yeah. Okay. I'll see you." Ibinalik nito ang tingin sa kanya. "I'll get you another choco and Sprite."

"You don't have to—"

"I want to." He patted her head affectionately. Pagkatapos ay iniwan na sila roon ni Jonas.

"I didn't know you were close to him," sabi ni Frida.

"Actually, mas close ako sa kapatid niya. His sister Jecca is one of my closest friends. He's always been good to me. Parang little sister din ako. Siguro nami-miss niya minsan si Jec na nasa ibang bansa kaya ganoon siya ka-sweet."

Muling natawa si Martino. "I think you're way off there."

Kumunot ang noo ni Ember. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Si Ivo ang sumagot. "Nothing. He's talking shit. So let me update you about my progress."

"Okay." Natatawa pa rin sina Martino at Frida at bahagya na siyang naiinis. Gusto rin niyang malaman kung ano ang nakakatawa. Pero nawala rin sa pansin niya ang mga ito nang magsalita si Ivo. Ibinahagi ng lalaki sa kanya ang naging pag-uusap nito sa ilang local government ng mga lugar na sobrang nangangailangan ng tulong. He had secured all the needed papers and permits. Naasikaso na rin nito ang transport ng mga relief goods sa mga napili nilang evacuation centers at communities.

Hindi na maalis ni Ember ang tingin sa mukha ni Ivo at mukhang ganoon din sa kanya ang lalaki. It was a wonder she understood some of what he had said. She was mesmerized. She could stare at that face all day, everyday.

Tapos na si Ivo sa report nito pero magkahugpong pa rin ang kanilang mga mata. They just couldn't look away from each other.

The moment would continue if only Martino didn't clear his throat. Halos wala sa loob na napatingin sila sa lalaki.

"In case you're not very aware, you two are smiling like a pair of goofballs right now."

Hinampas ni Frida ang likod ng ulo ni Martino. "Aw! What?" Natatawa nitong sabi. "We have lots to do. It's not really the right time having a moment."

Nag-init ang mukha ni Ember. Kahit na hindi niya nakikita ang sarili, alam niyang sobrang namumula ang kanyang mukha. "Right. Things to do. Lots," sabi na lang niya habang inaabala ang sarili sa mga dapat na gawin.

Ivo just gave his best friend an scathing look. Ngumisi lang si Martino. Nasa mga mata ang hamon sa matalik na kaibigan.

Sa bandang huli ay napailing-iling na lang si Ivo.

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon