38

111 14 0
                                    

"BAKIT kalahati ng buhok mo curled at kalahati ay hindi?"

Napatingin si Ember kay Shay at napangiti. Ikinagulat niya ang paglapit nito pero ikinaligaya rin talaga niya. Ilang araw siyang hindi pinansin at kinausap ng kaibigan. She had tried to talk to her, to explain once again, but Yael told her she should give her some time and space to process. Maiintindihan din nito ang sitwasyon at kakausapin din siya.

Gusto niyang magprotesta noong una. Gusto niyang siguruhin na magiging maayos silang dalawa. Hindi siya mapapakali hanggang hindi sila nagiging friends uli. Pero na-realize din niyang medyo magiging selfish siya kung ipipilit niya ang gusto. Iniisip lang niya ang kanyang mararamdaman. Tama si Yael. Kailangan ni Shay ng time and space para maiproseso ang lahat, para talaga matanggap ang kinahinatnan ng sitwasyon. Gaano man kasi niya iwasan, alam niyang nasaktan ang kaibigan.

And now she was talking to her again. She was smiling at her again. Hindi masukat ang relief na kanyang naramdaman.

Ang ganda ng ngiting ibinalik niya. "Hi."

"Hi. Bakit nga ganyan ang buhok mo?" kaswal na tanong ni Shay habang umuupo sa tabi niya.

"Nagmamadali akong umalis kaninang umaga," sagot niya. "You look good. How are you?" Shay did really look amazing. Mukhang pinaghandaan nito ang eskuwela nang araw na iyon. She was wearing a pretty dress. Her hair and makeup were done perfectly. Ang bilis nitong natuto.

"I'm fine. Hindi ko na ibabalik ang pangungumusta. Obviously ay maayos ka. Masaya. In love. Blooming."

Mas lumawak at mas tumamis ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi iyon ang unang pagkakataon na narinig niya ang mga ganoong papuri mula sa mga kaibigan. Hindi si Shay ang unang nakapansin na blooming siya dahil in love siya. Happiness and love just radiated in her.

"I'm happy for you," sabi ni Shay. "It may take a while to get there completely but you're my friend and I should support you. I should be happy for you."

"Thank you. That means the world to me."

Natawa si Shay. Bahagyang nagmaliw ang ngiti sa mga labi ni Ember dahil may kung anong off sa tawa na iyon. It was like a scoff covered by a laugh.

Bago nga lang niya mapag-isipan nang husto ang bagay na iyon, niyakap na siya ng kaibigan. Anumang sumisibol na hindi magandang pakiramdam at kaisipan ay nawala. She was so relieved, grateful and happy to be okay with Shay again. Masasabi niyang wala na talaga siyang alalahanin.

She spent her lunch break with Shay and Yael. Hindi siya masasaluhan ni Ivo dahil may report itong kailangang tapusin. He also had a meeting with his thesis adviser. Hindi nga yata nagkaroon ng pagkakataon na mag-lunch ang boyfriend.

Nagtagpo naman ang schedule nila pagsapit ng hapon. Magkakasabay silang umuwi. She bounced toward him. Yep, she was certain she really bounced. Hindi niya mapigilan dahil ang saya lang niya. Masaya siya na makita si Ivo kahit na ilang oras lang naman silang nagkahiwalay. Masaya siya na okay na sila ni Shay.

Masaya si Ember dahil masaya at uncomplicated ang kanyang buhay. It almost felt perfect. Walang pagsidlan ang tuwa. Ngayon ay alam na talaga niya ang ibig sabihin ng phrase na iyon.

When she was in front of Ivo, she jumped and encircled her arms around his neck. Pumaikot sa baywang niya ang braso ng boyfriend. Her feet remained few inches off the ground.

"You are happy," puna ni Ivo bago hinalikan ang kanyang leeg.

"I am!" masayang bulalas niya. Hinalikan din niya ang leeg nito. Ang bango pa rin ni Ivo. "Kinausap na ako ni Shay. We're still friends." Tumingin siya sa mukha nito.

Ngumiti si Ivo. "Really?"

Tumango-tango si Ember. "Really." Ikinuwento niya ang paglapit sa kanya ni Shay kaninang umaga. Muli niyang niyakap nang mahigpit si Ivo. "I'm just so glad we're okay."

"I'm also glad. Alam ko kung gaano kaimportante ito sa 'yo. 'Ready to go home?"

Umiling siya. "Kakain muna tayo. Night shift si Ate. Ayokong kumain mag-isa. Kain tayo sa labas, ililibre kita. Pero 'wag sa mahal."

Malakas na natawa si Ivo. "I don't let women pay for dates."

"Sinabi ko bang date? 'Sabi ko kakain lang, di ko naman sinabing date."

Pinanggigilan ni Ivo ng halik ang kanyang pisngi. "I don't let women pay for meals."

"Don't you think that sexist?" Magkahawak ang kamay na pumunta sila sa kinapaparadahan ng sasakyan nito.

"Kapag naman ang babae ang nagbabayad, mapapasama ang lalaki."

Tumango si Ember. "True. But I really don't mind paying." Tumigil sa paglalakad si Ivo at yumuko. Akala naman niya ay kung ano na. Nawala lang pala sa pagkakasintas ang kanyang sapatos. Ivo retied her shoelaces.

Nang iunat ni Ivo ang katawan ay kinuha nito ang tote bag mula sa kanya. Hindi na siya nagprotesta pa. May mga pagkakataong ginagawa iyon ng lalaki. Parang nabibigatan daw ang boyfriend sa bag niya tuwing nakasukbit sa kanyang balikat. She told him she was used to the weight and the bulk. She needed a lot of things and a lot of snacks to last the whole day. She thought he looked shocked and a little appalled upon seeing the amount of snacks on her bag the very first time. She insisted she needed all those snacks.

"You're gonna adore me when I'm sugared out and fed. You don't wanna see me with low sugar. I can be a bitch..."

Hinalikan ni Ivo ang kanyang mga labi pagkasakay nila sa sasakyan nito. She happily kissed him back.

"I'm really happy you and Shay are okay now," sabi ng boyfriend habang hinahaplos ang kanyang pisngi. "I know you've made the decision to be with me pero inaalala mo pa rin ang kaibigan mo. You're a good friend."

Pinagdikit niya ang kanilang mga noo. "Ayoko ng may kasamaan ng loob."

Hinalikan nito ang tungki ng kanyang ilong. "So where do you wanna eat?"

Tiningnan ni Ember ang relo. "Puwedeng sa restaurant sa loob na lang ng mall? May bibilhin ako for Marti's party this weekend. Saka makakadaan din ako sa grocery store bago umuwi para sa brownies na para din sa party niya."

"You don't have to do anything for that moron, you know."

Banayad niyang tinapik-tapik ang pisngi ni Ivo. "He's your best friend. Saka he likes my brownies."

"He's gonna prank some of the guys into thinking they're laced with weed."

Nanlaki ang mga mata ni Ember. "'Di nga?"

Tumango si Ivo. "Siguro ay kailangan kong magpasalamat na prank lang at hindi niya seryosong iniisip ang ideya na 'yon. I don't have a problem with booze but strictly no drugs on our parties. I don't care how they say I am lame, no drugs."

Her hands cupped his beautiful face. "You are never gonna be lame. And I'm making those brownies."

He planted a kiss on her lips. "Thank you for not thinking I'm lame. Baka lang kasi ma-disappoint ka. Baka hindi ito and inaasahan mo from your first boyfriend. I'm very boring pala and—"

She stopped his nonsense by kissing him. "Let's go, okay? Hindi bagay, Ivo. Hindi bagay."

Natatawang ikinabit nito sa kanya ang seat belt bago sinuotan ang sarili at pinaandar ang sasakyan.

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon