44

92 10 2
                                    

IT WAS Ember's day of release from the hospital. Tumingin siya kay Ivo na sinisiguro na wala silang nakalimutan. She received many flowers, get well soon cards and balloons from friends and co-workers. Ang mga bulaklak ay ibibigay sa geriatric ward. Ang ilang balloons naman ay sa pedia ward. Ang mga card ay iuuwi niya.

Aaminin ni Ember na kinakabahan siya. Kinukuwestiyon na naman niya ang sarili kung bakit pumayag siyang manirahan kasama si Ivo. Was that really smart? Maybe it was a wise decision for her safety, but what about her heart?

Kakayanin ba ng puso niya?

Ipinilig ni Ember ang ulo. Bakit iyon ang iniisip niya ngayon? Hindi iyon importante. Ang importante ay malaman kung sino ang may pakana ng pamamaril sa kanya. The earlier the suspect or the mastermind was apprehended, the earlier she'd get away from Ivo.

But did she really want to get away from him?

Bumuntong-hininga siya.

"'You okay?" tanong ni Ivo na nahuli ang pagbuntong-hininga niya.

"I'm fine," sagot ni Ember. "I'm getting out. Hindi ko na gustong gaanong magtagal sa ospital. The bill alone is enough to give me nightmares."

"Don't think about it," sabi nito, walang anuman.

"We'd talk about the bill one of these days." Hindi siguro mababayaran ng isang bagsakan, pero mahuhulog-hulugan niya. She didn't want to owe him.

"Like I said, it's not an issue. Pero if you really feel strongly about it, then we'd talk about it one of these days. We have all the time in the world."

Parang may bahagi sa puso ni Ember ang nagdiwang sa sinabi ni Ivo. Para kasing sinabi nito na sa pagkakataong iyon ay wala silang expiration date. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya iiwan ng lalaki.

Muli niyang ipinilig ang ulo. Bakit ba patuloy niyang hinahayaan ang sarili na isipin ang mga ganoong bagay? Bakit ba parang asang-asa ang puso niyang sa pagkakataong ito ay magiging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Ivo?

May panahon noon na umasa at naniwala siya. Sobrang nanalig na mahahanap nilang dalawa ang daan pabalik sa isa't isa. But everything was changed. She was not that girl anymore.

Dumating ang doktor ni Ember kasama ang dalawang nurse. Siniguro na maayos na ang lahat ng kailangan para sa kanyang discharge. The doctor had given them instructions for aftercare. Those details were also electronically mailed to her private nurse. Sa kabila ng pagtanggi ni Ember, kumuha pa rin si Ivo ng isang private nurse. She was ready to throw a fit but then he made a valid point.

"You need help moving around. At some point you'd stop wearing a hospital gown and you'd need someone to help you wash up and get dressed. You need someone tending that wound. I don't mind helping you. Okay na okay sa akin sa totoo lang. Ayoko rin naman na kumuha ng nurse talaga para nakaasa ka sa akin. But I'm considerate and I know you'd be uncomfortable and a little embarrassed. Kung ayaw mo talaga..." Nagkibit ng mga balikat si Ivo.

She told him to hire the nurse. Just for a few days. One week max. Mas makakakilos na siya pagkatapos ng ilang araw. Maganda ang paghilom niya, ayon sa mga doktor. Magiging maayos siya sa loob lang ng ilang araw. She wouldn't need a nurse in no time. She just need to accept help for the meantime.

Pero parang okay rin naman kung si Ivo ang—

Nope. She was not doing this to herself. She was getting a private nurse.

Paglabas ni Ember sa kuwarto sakay ng wheelchair, nalaman niya kung ano ang talagang sitwasyon sa labas ng kanyang suite. The inside was so cozy and peaceful, but it was different outside. Alam niyang may security sa labas pero hindi niya alam na ganoon klaseng security na mayroon siya. Parang dinaig pa niya ang security ng isang politiko na nasangkot sa eskandalo.

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon