53

139 22 4
                                    

"WHAT happened to her?" pabulong na tanong ni Ember kay Yael habang papunta sila sa formal dining room.

"I don't know," sagot nito, pabulong. "She used to be a really smart person. Was she even aware she was being a little rude?"

"A little? She told Miko and Helga to get married and have children! They had just decided to moved in together. And she's talking about surrogacy and babies. Granted na hindi niya alam iyon, pero hindi rin dapat na binubuksan ang discussion about marriage and babies sa unang meeting."

"Parang gusto kong matawa na mainis."

"This is so bizarre."

"Tell me about it. What was I thinking about agreeing to this?"

Natigil sila sa pagbubulungan nang lingunin sila ni Miko. Tumaas isang kilay nito. Mukhang hindi rin ito sigurado kung paano pakikitunguhan ang sitwasyon. Ayaw nitong mainis pero hindi maikakaila na hindi rin ito gaanong natuwa sa mga sinabi ni Shay. Sa lahat ng ayaw ni Miko ay sinasabihan ito ng dapat na gawin o pinangungunahan sa ilang mga bagay. It took some time for her and Helga to decide to move in together.

Umupo na sila sa formal dining table na perpekto ang pagkakaayos. It was simple, cozy and semi-casual. Ivo wanted them relaxed.

Bahagya siyang nagulat nang ipuwesto siya ni Ivo sa kabisera. "I don't have—"

"They came for you," sabi nito. "You're the star," dagdag ni Ivo sa magaang na boses at nginitian siya nang banayad.

Nagpakakomportable na lang si Ember sa kabisera. Naupo sa kanan niya si Ivo. Kaagad na tumabi rito si Miko at siyempre ay kinuha ni Helga ang upuan sa tabi ng partner.

Shay took the chair on her left. Naging maagap ang babae at hindi na niya nagawan ng paraan. She was in perfect position to see her and Ivo.

Sinubukan ni Yael na paupuin si Martino sa tabi ni Shay, but he was not having that. He loved her but not that much. Napapabuntong-hiningang umupo sa tabi ni Shay si Yael.

Naging abala na ang mga staff sa pagsilbi ng inumin at pagkain.

"I'm really happy we have this chance to be together like this," sabi ni Shay bago dinala sa bibig ang wineglass. "It's good to see each other again after so long, ano? So what are we up to? Ivo, you go first."

Mukhang ikinagulat iyon ni Ivo. Ibinaba nito ang inumin. "Well, I'm... uhm, I'm rebuilding and rebranding a media company."

"Yes, I heard about that. You are quite successful with your over the top entertainment streaming platform and production company. I read everything about you."

Tumikhim si Ivo. "Everything?"

"Uh-huh."

"Then ba't mo pa siya tinanong?" tanong ni Miko, mukhang hindi na napigilan ang sarili.

"Well, I just wanna hear more," walang anumang sagot ni Shay. Parang sandaling tumalim ang tingin nito, pero kagaya kanina, pagkurap ni Ember ay wala na iyon. Binalingan siya ng babae. Muli, parang sobra-sobrang tamis ng ngiti na ibinigay nito sa kanya. "And you, Em?"

"I'm a cop."

Natawa si Shay. "Hindi ko inakala na magiging isa kang pulis. Hindi maganda ang image ng mga pulis sa bansa na ito, but I'm sure you're doing the best you can. I'm sure isa sa mga ipinakulong mo ang nagpabaril sa 'yo."

"You're sure?" sabad ni Yael.

"I mean who else can it be?" Natawa si Shay. Medyo malakas. Medyo matinis. Parang medyo kabado.

"The authorities are looking at every angle of the case," pagpapatuloy ni Yael.

Tumango si Shay, muling tumawa. "Oh, well. That's really good to know. I really hope mahanap na ang bumaril sa 'yo, Ember. With the kind of police force we have, it's gonna be a little hard. They are so incompetent. Have you seen the news?" Nakita nito ang pagsasalubong ng kilay ni Ivo at bakas talaga sa mukha ng lalaki na hindi na ito natutuwa.

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon