33

127 13 0
                                    

"HINDI n'yo na kailangang magmadali sa pag-uwi. Maayos na po ako," sabi ni Ember sa mga magulang at kapatid na kasalukuyan niyang kausap through video chat. She's had some of her electronics. Siniguro ni Yael na alam ng kanyang pamilya ang kasalukuyan niyang kalagayan. Alam na ng mga ito na wala na siya sa peligro.

Nakikita ni Ember ang sobrang pag-aalala sa mukha ng mga magulang at kapatid. Gustong umuwi ng mga ito, pero napigilan niya. Gusto niyang makasama ang pamilya, siyempre naman. Pero gusto rin niyang malayo ang mga ito sa kanya habang hindi pa nahuhuli ang mga taong responsable sa pamamaril sa kanya. Hindi niya sigurado sa mga mangyayari. Gusto niyang manatiling ligtas ang kanyang pamilya.

"You were shot, Ember," sabi ni Ate Jana, bahagya pa siyang pinanlakihan ng mga mata. "Of course we have to be there."

"But I'm okay," pilit niya sa boses na pinagtunog na mahinahon. Hindi niya gustong isipin ng mga ito na sobra niyang binabale-wala ang nangyari sa kanya, pero ayaw na rin naman niyang patuloy na mag-aalala ang mga ito sa kanya. "Nakausap mo na mismo ang mga doktor, Ate. Naipaliwanag na nila nang husto—ilang ulit na nga—ang prognosis ko or something. Sorry kung mali ako ng gamit sa term. Pero na-assure ka na nila. Naipaliwanag mo na rin kina Mommy at Daddy. I'll be fine."

"Ember, anak, gusto kong makita mismo ng mga mata ko na maayos ka," sabi ng kanyang ina na parang maiiyak na.

"You can see me now." She knew she was being a lousy daughter but she didn't really want them in the country. She wanted—needed them to stay where they were. "I love you," sabi niya, sinisikap na huwag maluha. She missed them so much.

Of course, she needed them on a time like this. Gusto niyang mayakap ang mga magulang. Gusto niyang makasama ang kanyang ate. Pero hindi niya ilalagay sa peligro ang buhay ng mga ito. Ni hindi pa malaman ang motibo ng pamamaril sa kanya.

"We love you, too," sabi ng kanyang pamilya. "So very much, anak."

"Then please, trust me on this. I'll be fine on my own for now." Her heart broke seeing their faces like that. Parang helpless at sobra pa rin ang pag-aalala. Ember knew this was bringing back some memories from the past. This was not their first time, unfortunately.

The first time was considerably worst. Or was it? Ipinilig ni Ember ang ulo. Hindi niya gustong alalahanin pa ang pangyayari na iyon sa nakaraan. She had survived that and she would survive this again.

"I'm a woman hard to kill," sabi niya sa boses na sadya niyang pinagaan. Hindi niya ginagawang biro ang sitwasyon, gusto lang niyang makita ng kanyang pamilya na maayos siya, na kaya niya.

"Ember, pauwi rin naman talaga ako. Bakit hindi ko puwedeng agahan?" sabi ni Ate Jana. "I'm also a doctor."

"You're in the middle of a divorce, Ate," paalala ni Ember sa nakatatandang kapatid. "Hindi ka puwedeng umuwi nang hindi mo natatapos ang lahat ng dapat tapusin. Gusto mo ba talagang may nakabinbin pa? 'Yong parang may tinatakasan ka?"

Nanlaki ang mga mata ng kapatid. "How dare you!"

"And you're a pathologist."

"I'm still a doctor. A very good one."

Ember was sorry her sister's marriage had ended in divorce. Alam niya na failure ang tingin ng kapatid sa nangyari sa marriage nito, pero alam ni Ate Jana na iyon ang tamang dapat gawin at mangyari. Hindi dapat manatiling kasal at magkasama ang dalawang tao na hindi na nagmamahalan.

Uuwi si Ate Jana sa Pilipinas, iiwanan ang practice sa Amerika at magsisimula ng bagong buhay. Sa palagay ng nakatatandang kapatid na iyon ang kailangan nitong gawin at masaya siya na nasa malapit na uli ito. Pero hindi pa ngayon.

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon