36

154 15 1
                                    

"BAKIT kailangan mo pang pag-isipan? You should totally live with Ivo."

Napatingin si Ember kay Miko. Hindi niya inasahan ang ganoong reaksiyon mula sa kaibigan. Inasahan talaga niya na sasabihin nitong hindi iyon magandang ideya at dapat ay mag-stay siya sa bahay nito. Mukha namang seryoso ang lalaki sa sinabi.

Ibinaling ni Ember ang paningin kay Yael. Nagkibit-balikat ang isa pang matalik na kaibigan. "I agree."

"Seryoso kayong dalawa talaga? Final answer na?"

Parehong tumango sina Yael at Miko. Nasa hospital suite niya ang dalawa. Ivo went out to give them privacy. Yael looked well-rested. Mas payapa na ang mukha ng dalawa. Hindi na mababakas ang takot at pangamba. Nararamdaman pa rin ng mga ito, sigurado siya, pero nagagawa nang kontrolin at itago. They were her closest friends. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa buhay kung walang Yael at Miko.

They had saved her. They comforted her. They never left her side. They encouraged her to continue living. They helped her find her purpose.

They were more than friends. They were sisters.

Pero nang mga sandaling iyon, parang may pakiramdam si Ember na parang ibinubugaw siya ng mga kaibigan kay Ivo. Siguro ay hindi dapat niya iyon maramdaman pero hindi niya mapigilan.

"I'd be with a man in one roof," dagdag pa ni Ember.

"It's a penthouse, Em," bale-walang sabi ni Yael. "For a de Miguel, it's not gonna be your ordinary penthouse." Inilabas nito ang phone mula sa bag at pinagtuunan iyon ng pansin. Mayamaya ay kumunot ang noo.

"And he's not just a man, he's Ivo," dagdag ni Miko sa kaparehong boses.

"What's that supposed to mean?" tanong ni Ember, kunot ang noo.

"He's Ivo," magkapanabay na ulit ng dalawa na para bang dapat niyang maintindihan ang sinasabi talaga ng mga ito.

"A de Miguel?" Sinabi na sa kanya ng mga kaibigan na kaya hinayaang maging "fiancée" siya ni Ivo ay para madagdagan ang kanyang proteksiyon noong vulnerable siya. Understandable naman. Hindi na niya kailangan ng proteksiyon ng isang de Miguel, pero wala ring masama kung mag-iingat siya. Iyon ba ang sinasabi ng mga kaibigan?

"He's Ivo," sabay uli na sabi ng dalawa.

Pinagmasdan ni Ember ang dalawang kaibigan. "Kapag kaya ko na, paki-remind nga sa akin na sabunutan kayo."

Natawa sina Yael at Miko. "He's Ivo," sabi ni Yael. Ember bared her teeth. "He's the man... you know..."

"He's the best," sabi ni Miko. "'Yon ang sabi mo minsan noong malasing ka at naalala mo si Ivo. He is the best. The best man. You've had your best time in life when you were with him."

"One of the best times in my life," pagtatama ni Ember. "It's not the best." Iniiwas niya ang tingin dahil baka hindi niya makumbinsi ang mga ito na nagsasabi siya ng totoo.

"Fine," sabi ni Yael. "Okay. Pagbibigyan kita dahil nakaratay ka sa hospital bed."

Bumuntong-hininga si Ember. "Tapos na ang anumang mayroon sa amin ni Ivo. It's in the past and it will remain in the past. The possibility of something rekindling is... I don't really want to think about that. Sumasakit ang ulo ko."

"Then huwag mo na ring gaanong pag-isipan pa ang pag-stay sa penthouse niya pansamantala. The building would be a fort. Hindi basta-basta makakapasok ang sinuman. You stay in that fort hanggang sa mahuli ang may pakana ng lahat ng ito."

"Staying with him is the best idea," dagdag ni Miko. "You'd be protected and Ivo will also be protected. Alam ko kahit na paano ay nag-aalala ka sa kanya."

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon