23

144 13 1
                                    

EMBER and Ivo's project had been a smashing success. Marami silang nalikom na tulong at marami ang naabutan ng tulong. Hindi lang mga tao ang natulungan nila, maging mga shelter para sa stray dogs and cats. Nakapagbigay rin sila ng maliit na halaga sa isang zoo na binaha rin at ilang mga hayop ang nababad sa tubig. They gave funds for the animals' medication.

Ember really felt good about what they had accomplished. Sobra din ang pasasalamat niya sa mga taong tumulong sa kanila ni Ivo. Kaya naman nagpasya siya na mag-bake ng cupcakes para maipamigay sa mga tao na naglaan ng effort at salapi para makatulong.

Ibinahagi ni Ember ang plano na iyon kay Ivo nang magkita silang dalawa sa party ni Jonas. "Puwedeng sumali?" hiling nito habang ibinibigay sa kanya ang kanyang virgin mojito.

Nagpasalamat si Ember bago niya dinala sa bibig ang straw. "Sumali?"

"Sali na lang ako sa plano mo since hindi naman ako marunong mag-bake saka wala akong maisip na idea kung paano maiko-convey ang pasasalamat ko."

"Do you feel bad because I'm doing something? You don't have to naman na. I'm sure hindi naman sila naghihintay ng kapalit or anything. They're just good people who wants to help. Don't feel like you have to do something just because I'm doing something. Parang naghahanap lang ako ng excuse na mag-bake or something."

"Then naghahanap ako ng excuse para makasama ka."

Natigilan si Ember. Hindi niya inasahan na ganoon ang sasabihin ni Ivo. Kaagad na nagwala ang puso niya. "I... uhm... ano..." Sinikap niyang hanapin ang mga salita pero wala siyang mabuong coherent sentences kahit na sa isip lang. Nag-init nang husto ang kanyang mukha. Hindi niya sigurado kung ano ang magiging reaksiyon.

Mayamaya ay napatingin siya kay Ivo. He was looking intently at her. He was dead serious. He meant what he had told her.

She cleared her throat. "I think I'm gonna..." Hindi niya iyon madugtungan. She was going to what? She was going to where? Hindi naman niya talaga gustong lumayo si Ivo. She too needed an excuse to be with him.

Bago pa nga lang niya makalma ang sarili para makapag-isip kahit na paano ay naramdaman ni Ember ang pagdantay ng isang braso sa kanyang balikat.

"Happy birthday to me!" masayang bulalas ni Jonas. Bago pa man makapag-react si Ember sa akbay ay matunog nitong hinalikan ang kanyang pisngi. It was not the first time Jonas had been that comfortable with her, but it was the first time she became really uncomfortable.

She had always seen him as her pseudo-big brother. Hindi katulad ng ibang kuya na naaalibadbaran sa nakababatang kapatid si Jonas. He absolutely adored his younger sister. May mga pagkakataon sa buhay niya na nainggit siya sa kaibigan.

Pero mukhang hindi naman nakababatang kapatid ang tingin ni Jonas sa kanya at hindi niya sigurado ang magiging reaksiyon.

"Get your hands off her," utos ni Ivo kay Jonas.

Nang tumingin si Ember sa lalaki ay nakita niya ang galit sa mga mata nito. Naramadaman niya ang tensiyon sa katawan ni Jonas. Mukhang hindi rin nito nagustuhan ang tonong ginamit ni Ivo.

"Excuse me?"

"I said get away from her," Ivo said, teeth gritted.

"Ivo—"

"And who do you think you are to tell me what to do?"

Ipinuwesto ni Ember ang sarili sa pagitan ng dalawang lalaki na mukhang naghahanda nang atakihin ang isa't isa. Patuloy na lumapit ang dalawa kahit na nasa pagitan na siya. Parang hindi nga siyang nakikita ng dalawang lalaki dahil nakatuon ang paningin sa isa't isa.

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon