9

666 33 4
                                    

KINABUKASAN ay ramdam ni Ember ang kaba. Kahit na paano niya ihanda ang sarili ay naroon ang takot. Sinubukan niyang magplano. Binuo niya ang ilang scenario sa isip at pinlano ang gagawin o sasabihin sa bawat scenario na iyon.

Pagpasok niya sa school ay on alert na siya. Kumbinsido siyang walang oras na sasayangin si Ivo. He was going to make her pay the soonest possible. And she would be ready.

Pero nakapasok si Ember sa unang classroom niya nang walang aberya. Wala rin siyang napansin na kakaiba sa kanyang paligid. No one looked at her funny. Maraming taong bumati at binati niya pero karaniwan na iyon. Marami talaga siyang kabatian.

Sinubukan din niyang makinig sa mga usap-usapan, inalam kung may mga bagong tsismis pero mukhang payapa naman ang lahat.

Calm before the storm, sabi ni Ember sa sarili. Hindi siya dapat na makampante.

So she was on alert the whole morning. She was always looking over her shoulders. She expected an attack while walking down the hallways. Hindi siya napanatag kahit na nasa loob na siya ng classroom. Siniguro niya na ang mga dala lang niyang pagkain at inumin ang kakainin at iinumin sa maghapon. Hindi siya bumili ng kahit na ano.

Natapos ang araw na walang nangyayari sa kanya. Ni hindi man lang niya nakita si Ivo.

Bahagya siyang natulala pag-uwi niya ng bahay. Pilit niyang iniisip kung ano ang pinaplano ni Ivo at kung paano niya iyon maiiwasan.

Nang sumunod na araw ay ganoon din ang nangyari.

Sa ikatlong araw ay na-realize na ni Ember ang game play ni Ivo. He was bidding his time. He was going to do nothing until she let her guard down. He would attack when she least expected it. Meanwhile, he was going to torture her. Papagurin siya sa pag-iisip at pag-iingat ng lalaki. Mapapraning siya sa kaiisip kung kailan siya gagantihan.

Isang araw ay hindi na siya nakatiis. She couldn't go on like that. Hindi siya puwedeng mapraning na lang araw-araw. This was torture. Kung iyon talaga ang gusto ng lalaki ay napagtagumpayan na nito.

She was done waiting. She was going to face him head on. She had time to spare so she tried looking for him. Nagpunta si Ember sa building nito pero wala roon si Ivo. Kung saan-saan na siya naghanap pero hindi talaga niya makita ang lalaki. Sumagi sa isip niya na baka naman hindi pumapasok sa eskuwelahan si Ivo kaya hindi niya nakikita. Baka naman may nangyaring hindi maganda. Baka naospital ang lalaki nang dahil sa kagagawan niya

Susuko na sana si Ember nang mapadaan siya sa student parking lot. Nakita niyang nakasandal sa isang magarang sasakyan si Ivo at kausap si Martino. He looked more than fine. He looked healthy and in a really good mood.

He was smiling and he looked really good. He was wearing a white basic shirt, black pair of jeans, sneakers and dark glasses. He managed to look casual and expensive. Did she mention he really looked good? Not many men could pull off looking that good in simple garb. It was all in the attitude and how a man carried himself.

Lahat ng pag-aalala at guilt na nararamdaman ni Ember ay inilipad ng hangin. Tama ang unang hinala niya. He was playing with her and he was having fun.

Nilapitan niya ang dalawa. Kaagad naman siyang napansin ni Ivo. Mas lumawak ang ngiti sa mga labi ng lalaki. Hindi niya nakikita ang mga mata nito dahil sa suot na dark glasses pero madaling hulaan na nagsasayaw rin ang mga iyon sa kaaliwan.

"Hey," bati ni Ivo sa kanya. "What can I do for you, Amber?"

Kumunot ang kanyang noo. Amber? He thought her name was Amber? "Ember," sabi niya.

"What?"

"That's my name. Ember."

"That's what I said."

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon