7

296 31 1
                                    

HINDI nagtagal ay nalaman nila ang dahilan ng hindi magandang pakiramdam ni Yael. Isang araw ay nagulat na lang si Ember nang malaman na nag-aaway raw sina Shay at Teagan. May text na nagsasabing nagsasabunutan daw ang dalawa sa gym. Nagmamadali siyang nagtungo sa may gym. Nasa ibang building siya nang matanggap niya ang text message. Katatapos lamang ng klase niya sa isang elective course.

Medyo malayo ang distansiya ng tinakbo niya. Humahangos siya pagdating niya sa university gym. Sa pagmamadali niyang makarating sa parte ng gym kung saan nag-aaway raw sina Shay at Teagan, nakabangga siya ng isang lalaki. Sesemplang sana siya kung hindi nito naagapan.

"I'm so sorry. I'm—" Hindi niya naituloy ang sinasabi dahil nakilala kaagad niya ang nakabangga.

God, why was he this beautiful up close? Ipinilig ni Ember ang ulo at pilit na inalala kung bakit siya naroon. Naningkit ang kanyang mga mata.

"What are you doing here?" tanong ni Ember kay Ivo.

Bahagyang nangunot ang noo nito. "I was told... Why do I have to explain to someone I don't know?"

So hindi nito maalala na naipakilala na siya rito minsan. Well, hindi naman siya nito talaga gaanong nabistahan nang gabing iyon. Sa dami ng mga magagandang babae na nakapaligid sa binata ay talagang magiging forgettable siya.

Naalala niya sina Shay at Teagan. Hindi sinabi sa kanya ni Yael ang dahilan ng away ng dalawa pero hindi mahirap hulaan.

"You're coming with me," sabi niya kay Ivo.

"Excuse me?" Mas nangunot ang noo nito. Dumaan sa mga mata nito ang inis para sa kanya.

Ember realized she didn't have much time to argue. Dinaklot niya ang harapan ng kamiseta nito at hinila patungo sa kaguluhan.

"Hey, what are you doing? Lady, I swear—"

Patuloy na hinila ni Ember si Ivo. He resisted and his shirt was almost ripped. Sa bandang huli ay nagpahila na lamang ang binata. Narating nila ang kaguluhan. Hindi kaagad sila nakita ng mga tao roon dahil tuon ang atensiyon ng lahat kina Shay at Teagan.

Magkahiwalay na ang dalawa pero parang mga manok pa rin na gustong magsabong. Nagpupumiglas ang mga ito sa mga nakahawak at pumipigil sa mga ito. Nakikita niya na ibinibigay ni Yael ang buong lakas para pigilan si Shay. Yakap-yakap nito ang matalik na kaibigan na nagpupumiglas. Makakawala si Shay anumang sandali.

Shay looked like a mad woman. Ember just couldn't believe it. She seemed sweet and shy. Hindi na niya makita ang sweetness at shyness ngayon. Ibinaling niya ang paningin kay Teagan. Hindi siya gaanong nagulat sa hitsura ng kaibigan dahil hindi ito ang unang pagkakataon na nakita niya ito sa isang catfight. Hindi naman sa dati pang palaaway ang kaibigan. Teagan just belonged to the cheerleading squad even in high school and the squad seemed to love drama.

"Malandi ka!" sigaw ni Shay kay Teagan. "Napakalandi mong babae ka."

"Mas malandi ka. 'Kala mo naman kung sino kang pa-virgin na probinsiya pero ang totoo nasa loob ang kulo mo."

Nagpakawala ng malutong na mura si Shay at mas nagpumiglas. Napangiwi si Yael.

"Layuan mo si Ivo, sinasabi ko sa 'yo! Hindi mo kilala ang mga probinsiyana. Sisirain ko 'yang mukha mo, sinasabi ko sa 'yo. 'Yang mukha mo lang naman ang puhunan mo. Tingnan ko lang kung pakinabangan ka pa."

"Ikaw ang lumayo kay Ivo. Sa palagay mo papatol siya sa 'yo? Sa katulad mo? Eh, loka-loka ka. Susugod ka na lang dito at basta na lang mang-aaway at mananabunot. God, you are a complete nut!"

"Ikaw ang nuts!" singhal ni Shay. "Nauna ako kay Ivo! Wala kang karapatang landiin siya. Ang kapal ng mukha mong mag-dinner kasama siya kagabi."

"He was being polite, you idiot! Sobrang inggit ka lang dahil hindi ka nai-dine out!"

Ember just couldn't believe what was happening. Pinag-aawayan ng dalawa si Ivo na mukhang tino-two time ang dalawang kaibigan niya. Halos wala sa loob na napatingin siya kay Ivo. They looked so rabid because of a guy like him?

Nagsalubong ang mga kilay ni Ivo nang mapansin na nakatingin siya rito. "Why are you looking at me like that?"

Ember was not sure how she was looking at him at the moment, pero hindi niya inalis ang tingin rito. She kept on looking at him.

Hanggang marinig niya ang tilian. Nakawala si Shay mula kay Yael at sinugod si Teagan. Kaagad nitong dinaklot ang buhok ni Teagan na hindi basta-basta na lang nagpatalo. Dinaklot din nito ang buhok ni Shay.

"Okay, enough!"

Napapitlag si Ember nang dumagundong ang boses ni Ivo. Natigilan sina Shay at Teagan at nilingon si Ivo. Parehong nanlaki ang mga mata ng dalawa nang makita ang binata. Inalis ng mga ito ang kamay sa isa't isa at nagkukumahog na inayos ang sarili.

Habang hinahagod ang nagulong buhok ay lumapit si Shay kay Ivo.

"Stop right there, girl," sabi ni Ivo kay Shay sa mariing tinig.

Biglang napapreno si Shay sa paglapit.

"You are crazy," sabi ni Ivo kay Shay. "We kissed that night in the party. You kissed me. That was it. I am not your boyfriend."

Teagan snorted.

Ibinaling ni Ivo ang tingin kay Teagan. "I am not yours either."

Natigilan si Teagan. Shay was near to tears. She was biting her lip so hard but tears were about to fall down.

"You are never going to be my girlfriend. I don't even know your names. Geez."

Akmang aalis na si Ivo pero humarang talaga si Ember sa daraanan nito. "What?" angil nito.

Sa loob ng ilang sandali ay pinagmasdan lang niya ang guwapo nitong mukha. Hindi niya mapaniwalaan na hinangaan niya ang magandang mukha na iyon. He was a trash.

"Stop looking at me like that."

"You are such a fucking cliche." Lumabas na ang mga salita sa bibig ni Ember bago pa man talaga niya mapagpasyahan na magsalita.

Gusto niyang magsisi dahil parang ang lame lang ng sinabi niya. She wanted to roast him. Gusto niyang insultuhin ang buong pagkatao nito. She wanted to let him know how horrible he was to her friends. Pero iyong lang talaga ang kinaya niya. He was a fucking cliche.

Ibinuka niya ang bibig at pipilitin pa rin sana niyang bumawi pero nilapitan siya ni Ivo at niyuko. Masyadong malapit sa mukha niya ang mukha nito. She could actually feel his breathe on her face. Halos wala sa loob na umatras siya.

"Do you wanna be my girlfriend?"

"What?" Where did he get that idea? Did she? No!

"Standing up to me like this. Making sure I see you. What's next, punch my face? You'd get my attention that way. Tulad ng sa mga palabas sa TV. Who's being a cliche now?"

"Oh, my God!" ang tanging naibulalas niya. Gusto sana niya itong saktan—hindi iyon sumagi sa isipan niya kanina pero dahil sa mga narinig ay parang gusto talaga niyang manakit bigla. Pero patutunayan lang niya ang sinasabi nito.

"If you're not gonna punch or slap me, move out of my way."

Naiinis na tumabi siya. Pinanood niya ang pag-alis nito. Parang kumukulo ang dugo niya sa inis. Nilingon niya ang mga kaibigan. Shay and Teagan were crying. Pinaasa ng lalaking iyon ang mga kaibigan niya. Binigyan ng false hope. Pagkatapos ay basta na lang itinapon.

"You're going to pay, Ivo James de Miguel," pangako niya. 

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon