15

153 16 2
                                    

HINDI sila sa cafeteria humantong gaya ng inasahan ni Ember. Lumabas sila ng campus at pumunta sa isang restaurant sa malapit.

"You look really beautiful today, by the way," pabulong na sabi ni Ivo habang inaalalayan siyang makaupo.

Ember blushed. Ang bilis ng tibok ng puso niya. Bumagsak na lang siya sa upuan dahil parang nanghina rin ang kanyang mga binti. Umupo sa tabi niya si Ivo pagkatapos. Ipinaghila ni Martino ng upuan si Yael na salubong na salubong ang mga kilay habang nakatingin sa lalaki. She was trying to figure him out. There was nothing really much to figure out. Martino wanted to flirt with Yael.

Dahil abala sina Ember at Yael kina Ivo at Martino, bahagyang nawala sa isip nila si Shay na mataman na palang nakatingin sa kanila. Umupo si Shay sa bakanteng upuan.

The boys let them order anything and everything they wanted. Hindi sigurado si Ember kung talagang gutom si Yael o gusto lang makaganti nang kaunti dahil sa dami ng in-order nito.

"Si Ivo ang magbabayad, hindi ba?" nakangiting tanong ni Yael.

"Do your worst," sagot ni Ivo, nakangiti rin. Mukhang ikinaaliw rin nito ang gustong gawin ni Yael. "I understand that you need to take your shot at me."

He was willing to take the hit, get all the blame. Napatingin si Ember kay Shay na parang inabot si Yael at kinurot sa tagiliran. Hindi ito pinansin ni Yael at patuloy sa pagtuturo sa menu. Patuloy ring nakatingin kay Yael si Martino.

Tumingin si Shay kay Ivo, medyo apologetic. Ibinuka nito ang bibig at akma yatang ihihingi ng pasensiya ang matalik na kaibigan pero biglang natigilan at mabilis na dumilim ang mukha nito. Ipinagtaka ni Ember ang pagbabago ng mukha ni Shay kaya tumingin siya kay Ivo. Ikinagulat niya nang makita na nakatingin sa kanya ang lalaki, may munting ngiti na naglalaro sa mga labi nito.

Hindi sigurado si Ember sa gagawin. May parte sa kanyang puso na parang natuwa dahil sa kanya nakatingin ang lalaki. Pero mayroon ding parte ang parang nagsasabi na mali na makaramdam ng ganoon. Lalo na at naroon si Shay.

Ember knew Shay's feelings for Ivo from the very beginning. Kahit pa idahilan na wala namang espesyal na nararamdaman si Ivo para sa kanyang kaibigan. Ang tanging mahalagang detalye ay alam niya ang nararamdaman ni Shay para kay Ivo.

She could never betray a friend that way.

"Bakit hindi mo tanungin si Shay kung ano ang gusto niyang kainin?" sabi ni Ember kay Ivo bago siya tumingin kay Shay at ngumiti.

Ivo obliged. "Do you want anything, Shay?"

Ang ganda ng naging ngiti ni Shay nang banggitin ni Ivo ang pangalan nito. Pero kaagad iyong nabura nang magsalita si Yael.

"In-order ko na 'yong favorite mo, Shay," sabad ni Yael, halos wala sa loob. Nakatingin ang kaibigan sa menu at mukhang hinahanap ang pinakamahal doon.

"O-okay," nasabi na lang ni Shay, mahina ang boses at pilit ang ngiti.

"Seven-Up?" tanong ni Ivo kay Ember.

"Y-yeah. Okay. Kung meron sila rito."

"Gagawan ng paraan kung wala," sagot ni Ivo bago binalingan ang waitstaff.

"You don't have to bother. Kahit na ano naman ay okay."

"You've given me cookies. The least I can do is make sure you have your favorite drink. I want you to be happy."

Bahagya siyang namangha sa huling sinabi nito. "I don't have to be."

"Everyone needs to be happy. That's important."

Parang gusto niyang tumawa. "It's just a soft drink."

"Kaya nga," nakangiti nitong sagot.

Tumikhim si Shay at kaagad na bumalik sa kaibigan ang atensiyon ni Ember. Lalong lumala ang nararamdaman niyang guilt.

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon