35

136 19 1
                                    

"YOU SHOULD stay more days."

"Puwede na akong umuwi," sagot ni Ember sa sinabi ni Ivo.

"Ang sabi ng doktor—"

"Ang sabi ng doktor, I can—"

"Should stay," pagtatama ni Ivo.

"I should stay a couple more days but I can also go home na."

"Basta may sufficient support ka sa bahay. There should be someone who would be there with you almost all the time. You can't strain yourself and such."

"Narinig ko po ang lahat ng sinabi ng mga doktor. Narito rin ako. I want to go home."

"Okay. Kung 'yon ang gusto mo, then you can go home."

"Okay." Nakahanda sana siyang makipag-argumento hanggang sa makuha niya ang kanyang gusto. Hindi niya inakala na magiging madali lang pala.

Ivo hadn't left her side. He slept there, ate there, showered there and worked there. Hindi pa rin niya magawang iproseso ang presensiya nito sa buhay niya. Hindi siya makomportable. Minsan ay hindi na lang niya alam kung ano ang iisipin.

He didn't exactly hover. Hindi nito gaanong pinakikialaman ang mga desisyon niya tungkol sa sariling kalagayan. Sinisiguro lang nito na secure ang suite na kinalalagyan niya at naroon ang lahat ng kanyang kailangan.

He was just there.

Hindi naman sa ayaw niyang makasama si Ivo. Hindi naman sa atat na atat siyang makalayo rito. Kung magiging tapat siya kahit na sa sarili lang, kabaligtaran ang kanyang gusto. Kaya nga kailangan na niyang gawan ng paraan ngayon pa lang. Hindi siya puwedeng magkaganito sa mga panahong ito. Hindi siya puwedeng mahibang.

At ayaw ni Ember na masanay ang sarili sa presensiya ni Ivo. Ayaw niyang makaramdam ng kaligayahan dahil naroon ang lalaki, na malapit sa kanya at madalas niyang nakikita. Hindi niya gustong makabuo ng attachment.

This giddiness and joy were not worth it in the end. Hindi na siya ang young girl na kontento na isang school year. Nope.

"You're going home with me," sabi ni Ivo.

"That's right, I'm— What?!" bulalas ni Ember nang maproseso ng isip ang sinabi ng lalaki. Nanlalaki ang mga mata na tumingin siya kay Ivo. He was smiling, rather smugly in her opinion. His eyes lit in delight and amusement. "No, no, no, no. No."

"You live alone and you need someone to help you move around. You were shot, Ember," paalala nito sa kanya na para bang kaya niyang kalimutan ang bagay na iyon. She was starting to feel the pain. The frustration was building up.

Para ding gustong magdiwang ng kanyang puso.

"I don't need—"

"You need someone to take care of you," pilit ni Ivo.

Tuluyan nang kumulo ang dugo ni Ember. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Her wound throbbed. Her hands curled into a fist.

Boy, she was angry. She was seething.

"I don't need—"

"Kailangan mong aminin sa sarili mong kailangan mo ng tulong ngayon. You need someone right now to take care of you, to do things for you. Hindi ko naman sinasabi na iasa mo ang buong buhay mo sa 'kin. I just need to take care of you."

"I don't care what you need, Ivo!"

Nabura na rin ang lahat ng hinahon sa hitsura nito. Mukhang naiinis na rin sa kanya ang lalaki

"Fine! Hindi mahalaga kung ano ang kailangan ko. I get that. But I will win this, Ember. I will get what I want this time."

"How dare you!"

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon