32

141 18 2
                                    

PINANINDIGAN ni Ivo ang sinabing mananatili sa tabi ni Ember. He had barely left her hospital room— No, suite. Ember was in a hospital suite. Kahit naman hindi lumabas ang lalaki ay magiging komportable ito roon. The hospital administration made sure everything was perfect for a de Miguel. Mas mukha pa yatang hotel suite ang suite na kinaroroonan kaysa hospital suite. Kung hindi sa amoy ng antiseptic, makakalimutan talaga niya na nasa ospital siya. The linens felt so nice. Siguradong mas mataas ang threadcount ng linens na kinahihigaan kaysa sa mga ginagamit sa bahay.

Hindi siya madalas maospital at matagal na ang panahong lumipas noong nanatili siya nang matagal sa loob ng ospital, pero pakiramdam ni Ember ay mas mabait sa kanya ang mga doktor. Mas malambing at mas maalaga. She was a VIP.

At bahagya siyang nahihiya na hindi niya malaman.

Apparently, she was also Ivo de Miguel's fiancée. Nalaman niya ang bagay na iyon nang bumisita sa kanya ang kanyang captain. She was there as soon as she heard she was allowed to receive visitors.

"Hindi ko alam na engaged ka na. Ni hindi ko nga alam na may boyfriend ka," sabi nito pagkatapos kumustahin ang kanyang kalagayan.

"Po?" sagot ni Ember, hindi sigurado kung tama ang dinig at intindi niya sa sinabi nito.

"Well, your private life is private. Naiintindihhan ko naman. You're a beautiful woman at hindi na dapat nakakagulat na may karelasyon ka. Isang de Miguel. Hindi ko naman sinasabi na hindi makakabingwit ang isang katulad mo ng isang de Miguel, you're an exceptionally wonderful woman. Medyo hindi ko lang inasahan. But I'm also kind of relieved to know you have that connection, especially now."

PCPT. Lorna Bagsik was someone Ember had admired and looked up to in the force. She was one of the good ones. She had been a good cop and a brilliant captain. Her leadership was admirable. She could play politics but she could also take care of her men. She took no bullshit from anyone.

Ember wanted to believe they were friendly. They weren't exactly friends but they were friendly. Alam niya na mayroon itong asawa, isang corporate lawyer. May dalawang anak si PCPT. Bagsik. Isang babae at isang lalaki. Hindi niya sigurado ang mga edad pero alam niyang mga teenager na ang mga ito. Alam niya ang mga bagay na iyon, pero sa palagay ni Ember ay alam iyon ng lahat sa istasyon, o kahit na sa division lang nila. They didn't really share much about their private lives.

Kaya naman hindi siya sigurado kung paano sasagot sa sinabi ni Captain Lorna ngayon. Bukod pa sa hindi niya naiintindihan. She had a fiancé. Ivo de Miguel. Was she transported into another universe?

"This must've been a shock for you."

Tumingin siya sa kanyang captain. Banayad siyang nginitian ni PCPT. Bagsik. "Yes, hindi madali, alam ko. Mahusay ang may hawak ng kaso mo. Mahahanap natin ang may gawa nito at pananagutin sa batas."

Mas pinili ni Ember na mag-focus muna sa bagay na iyon kaysa sa paniniwala nito—o ng lahat ng hindi nakakaalam, na fiancé niya si Ivo de Miguel.

"Nakausap ko po ang primary kanina lang. May mga suspects. Patuloy ang paghahanap sa motor na ginamit ng mga shooter. My own people scrubbed the CCTV footages. Mukhang naplano nang husto ang escape route dahil alam nila kung saan maglalaho, kung saan dadaan para hindi mahagip ng surveillance cameras. There are different angles. Medyo hindi madali dahil ilang high-profile people ang tinitingnan."

Tumango si PCPT. Bagsik. "We're also reviewing your cases. Tinitingnan ang mga taong naipakulong mo at malaya na ngayon. Tinitingnan din natin ang mga nasa loob na may kakayahan na mag-hire ng hit. Na hindi madali dahil lahat naman yata sila ay capable."

It was a hired gun, Ember was also certain about that. "Pero hindi gaanong pro."

"What?"

"Pakiramdam ko lang po ay hindi gaanong pro, Ma'am. Someone hired a gun but it doesn't feel like a pro. Pro as in pro. Pasensiya na po kung medyo hindi ako nagme-make sense. Siguro ay epekto pa rin ng mga gamot o anesthesia, pero pakiramdam ko lang walang kinalaman ang dating colonel sa nangyaring ito sa akin. Sa tingin ko, if he wants me killed—"

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon