54

119 21 3
                                    

EMBER loved the terrace. It was so peaceful there. She especially loved it there during the night. Hindi na mainit. Parang ang lapit lang ng langit. Parang maaabot niya ang mga bituin. Dinala niya sa bibig ang inumin at humugot ng malalim na hininga.

She was relaxed. Sa palagay niya ay handa na siya. Hindi magiging madali ang gagawin, pero parang may parte sa kanya ang mananatiling relaxed. Para kasing alam niya na hindi niya kailangang mag-alala sa magiging reaksiyon ni Ivo.

Isa pa, alam ni Ember na tama ang kanyang gagawin. Mas mararamdaman niya ang bigat kung patuloy niyang itatago. Hindi niya gustong makaapekto sa kanya si Rod o ang ginawa nito sa kanya sa nakaraan. Pinagbabayaran na nito ang lahat sa loob ng bilangguan. She had built herself after he had almost broken her completely. She was here now, back to Ivo.

Tinabihan siya ni Ivo sa upuan. She eyed the glass of whiskey he laid on the table beside him. "The staff just left."

Halos wala sa loob na inihilig ni Ember ang ulo sa balikat nito. "It's not so bad," sabi niya sa banayad na boses. "It had been fun to be with friends." Nakaalis na rin ang kanilang mga kaibigan. Nang umalis si Shay ay mas naging maganda ang ambiance. Mas na-enjoy nila ang mga pagkain. Masaya ang naging kuwentuhan.

Hinalikan nito ang kanyang ulo. "Helga saved the night."

Napangiti si Ember. "Yes, she certainly did. I like her so much for Miko. Miko experienced so much heartbreak before she found her. Helga struggled with her identity and sexual orientation. She came from an ultra religious family. But she's genuinely kind and she loves Miko. You can't help but love the person who loves your friend back."

"She cares for you and Yael because you're Miko's best friends and she likes you both. You have really good people, Em."

"Yes, I've been lucky to have good friends. I've always have a lot, pero habang tumatanda ay saka mo lang talaga makikita ang value ng totoong kaibigan. Hindi kailangan na marami, kailangan mo lang ng totoo. 'Yong hindi ka susukuan at susuong sa panganib para sa 'yo."

Hinawakan ni Ivo ang kanyang kamay at banayad na pinisil. Hindi ito nagsalita, parang hinihintay lang na magpatuloy siya.

Humugot muna ng malalim na hininga si Ember bago niya ibinuka uli ang bibig. Hindi na niya gaanong inisip kung paano o saan magsisimula. She would just talk. Hahayaan lang niyang lumabas sa bibig niya ang anumang masabi.

"There was a time they came to my rescue. I'm good friends with them but at some point in law school, I stopped talking to them. Pero hindi sila nagtampo. Nakita nila na kailangan ko ng tulong. Naging malapit sina Miko at Yael dahil sa kagustuhan nilang tulungan akong kumawala sa s-sitwasyon ko noon.

"I was in bondage. Wala akong lakas ng loob na umalis, lumayo. Natakot ako. But they gave me courage. Ginawan nila ng paraan na makausap ako. They planned my escape. I almost did. But he came home early. For some reason, nalaman niya ang plano kong pagtakas. He... I... was in a dangerous situation. Yael and Miko came just in time. Kung hindi dahil sa kanila... wala na ako ngayon."

"You were beaten almost to death," sabi ni Ivo.

Marahas na napatingin si Ember kay Ivo, nanlalaki ang mga malaki. "Y-you k-knew."

Na-realize niyang hindi naman iyon gaanong nakakagulat pa. Of course he would know. Some of the records were public. Matagal nang nangyari ang lahat pero may mga record na madali nitong mahahanap sa Internet, kagaya ng news articles. He just needed the right keywords.

Ivo's eyes were tortured. "I wish I've known way before." Sinalubong nito ang kanyang mga mata. "Tell me. Tell me everything. I want to hear them from you."

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon