24

139 16 0
                                    

"YOU SHOULD never do that kind of thing ever again."

Mula sa burger na kinagatan ay napatingin si Ember kay Ivo. "Excuse me?"

"'Yan ang gusto kong sabihin sa 'yo."

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Pero sinabi mo naman. Hindi ko maintindihan."

"'Yong ginawa mo kanina. Sumugod ka na lang bigla. Parang sinalubong mo ang danger. Puwede kang mapahamak. Kung wala ako roon, napahamak ka. Kaya a big part of me, gusto kang pagbawalan na gawin uli ang ganoon."

Ibinaba ni Ember ang kinakain at tiningnan si Ivo. Hindi nag-iwas ng tingin ang lalaki. He looked serious. "She was in danger, Ivo."

"I know."

"Someone had to help. I was there. Hindi ko naman puwedeng hindi pansinin. Hindi ko puwedeng pabayaan."

"Kahit na mapahamak ka."

"Aaminin ko, hindi ko gaanong inisip ang kalagayan ko kanina. I just needed to help her. No woman—or anyone should be in that kind of situation."

"You are right. Kaya nga pinipigilan ko nang husto ang sarili ko. I know you're only doing the right thing and no one should be really treated that way. Hindi ko lang mapigilang isipin na paano na lang kung wala ako. Ano ang mangyayari?"

"But you're there."

"And I want to be always there—here. By your side. Always."

But he couldn't. "I can take care of myself, you know."

"And I still want to take care of you."

Nagyuko ng ulo si Ember. "Thank you. That means a lot. Knowing someone cares."

"I care a lot."

Tumingin siya kay Ivo at nakitang nakatingin na sa kanya ang lalaki. "T-thank y-you. I do, too. I care about you, Ivo." I care a lot.

"I know you'd take offense kung pagbabawalan talaga kita, kung didiktahan ko ang puwede at hindi mo puwedeng gawin sa buhay mo. Unang-una, wala akong karapatang utusan ka."

Tumango si Ember. "You're not my father o kuya."

"I am definitely not your brother."

"Hindi ko sasabihin na gagawin ko ang kahit na anong gusto ko, 'cause I feel like I'd sound like a petulant brat. I know I was in danger. But..."

"You had to do what you had to do. You can't just stand by. Hindi mo puwedeng hayaan na lang. You needed to help that person in danger. That's the kind of a person you are. And I love that about you."

"Pero nag-alala ka pa rin for me kanina. I'm so sorry for that." Kung ilalagay ni Ember ang sarili sa posisyon ni Ivo, ganoon din siguro ang mararamdaman niya, baka higit pa. Baka hindi niya kayang magpigil. Baka mag-demand talaga siya kahit na sabihing wala naman siyang karapatan.

Tumango si Ivo. "It's okay. Let's just hope na hindi na mangyari ang ganito sa hinaharap."

"Kung may kaunting panahon, mag-iisip muna ako ng ibang paraan o maghahanap ako ng ibang makakatulong bago ako sumugod. Hindi ako basta na lang susugod."

"Promise?"

"Promise! Isa pa, hindi naman siguro madalas na mangyari ang mga ganitong bagay. Hindi naman ako palaging nakaka-encounter ng ganito."

Tumango si Ivo. "Okay, that makes me feel a little better."

Nakangiting tumango si Ember. Muli niyang pinagtuunan ng pansin ang kanyang mga pagkain. Nagugutom siyang talaga pero hindi niya kailangang magmadali sa pag-ubos ng mga pagkain. Gusto niyang makasama pa si Ivo. Kaya nga medyo dinamihan niya ang order. Uubusin niya ang lahat ng iyon.

Simply The BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon