Chapter 21

10 1 0
                                    

Gabi na ng maihatid ako ni Blue sa tapat ng building kung saan naroon ang condo ni Cael.

“Safira, are you sure you don’t want to stay in my pad?” Blue asked. Nagsusumamo ang mga mata.

I sighed when I heard that name again.

“It’s Krisha, and yes. I’m sure. Alam ko namang wala si Cael sa condo niya so wala kang dapat ikabahala. We’re not doing something behind your back.”

“It’s not like that .  .  .”

“It is, Blue, that’s how you look at us but to burst it, I’m not a cheater.”

He sighed before he nod.

“Okay then. Goodnight.”

“Goodnight.”

He leaned to kiss me, I didn’t mean to offend him but my reflexes was faster than me, imbis na sa labi ay sa pisngi niya ako nahalikan dahil sa biglaan kong pag-iwas.

Maging siya ay nagulat sa nangyari.

“Safira .  .  .”

Napabuntong hininga ako dahil sa narinig. I was planning to clear things between us after ng event sana bukas. But he’s pushing me to my limits. I can’t take this anymore.

I do have my own Identity, why can't you see me as me?

Hindi ko alam kung bakit ayos lang kapag sila tita ang tumatawag sa aking Safira, pero kapag si Blue na, iba na.

“It’s Krisha, Blue. I am Krisha.” Tumingin ako sa kaniya at naalala ko ang desisyon ko. Tipid akong ngumiti. “Blue .  .  . I think this relationship that we have .  .  . won’t work.”

Nanlaki naman ang mga mata niya at mabilis na hinawakan ang mga kamay ko.

“W-what the fuck are you talking about, Safira? Are you trying to break up with me?”

Pilit kong binawi ang mga kamay kong hawak niya.

“Yes, see? You cannot even call me by my own name. How long will you disrespect and insult me?”

“Hindi, walang maghihiwalay Safira.”

“Blue, I am Krisha!” I shouted, natigilan naman siya. Namuo ang mga luha sa mata ko. I felt really .  .  . really insulted.

“Ayoko na, masyado akong nagpadala. Masyadong naging mabilis ang lahat. Tama na Blue, ayoko na sa relasyon na ‘to, hindi ako masaya.” Pagod kong sabi. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot dahil lumabas na ako ng sasakyan niya. Nakatitig ako sa sarili kong repleksyon sa elevator.

Pakiramdam ko ay nakahinga ako nang maluwang dahil doon. Aaminin kong may kasalanan naman talaga ako.

Masyado akong naging mabilis. Masyado kong itinuon ang atensyon ko sa atraksyon na meron ako para Blue .  .  . hanggang sa hindi ko na rin alam kung totoo bang pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kaniya.

You and your impulsiveness, Krisha.

Pagkapasok ko sa condo unit ni Cael ay nakapatay lahat ng ilaw. I wonder where he stays right now? Kumakain ba siya on time?

Chineck ko ang phone ko kung may text ba siya pero ang text lang ni Blue ang bumungad sa akin.

Lungkot ang bumalot sa akin ng makitang matagal na pala ng huling magpalitan kami ng text messages ni Cael.

I miss you Cael, please come back home.

-

I am wearing my Silver backless dress and I just put a light make-up and ponytailed my hair like what Ariana always does with her hair.

Take Me To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon