Chapter 17

8 1 0
                                    

Inis akong bumalik sa opisina ko matapos akong iwanan doon ni Ara, the nerve of that woman! Next time talaga sasabunutan ko-not good Krisha, 'wag kang bayolente.

Pabagsak kong isinara ang pinto pero natigil ako sa paglakad ng makita ang pumpon ng pulang rosas sa table ko, kanino naman galing to?

Mabilis ko iyong nilapitan iyon saka nakangiwing tiningnan, how I hate roses, galing kay Blue ang bulaklak!

Krisha,
I'm really sorry about what happened, please talk to me.

Napakurap pa ako bago binalik sa bulaklak ang card, umupo na ako sa swivel chair at hindi ko mapigilang maalala ang mga sinabi sakin kanina ni Ara, she's too harsh!

Nangilid ang mga luha ko habang pumapasok sa sistema ko ang mga sinabi nya, alam ko naman na hindi ko mapapalitan si Safira sa buhay ni Blue, and I wasn't even planning to! I will only take what I will have! I know how to be contented.

Kinalma ko ang sarili ko bago nagpakawala ng sunod-sunod na malalalim na hininga, walang mangyayari kung papaapekto ako sa mga sinabi ng babaeng 'yon, she's just a bitter woman na hindi mapansin ng lalaking gusto niya kaya niya ginagawa sa akin 'to.

Pero kahit na ganon I can't help but to praise her for her loyalty to Safira, even she's not here, Ara still consider her feelings, kahit na gusto niya si Blue hindi siya nagkandarapa sa lalaki para siya naman ang pansinin nito kahit na may pagkakataon na siya . . . but where the hell is Safira?

Umalis ba siya at hindi pa bumalik?

Nagtatago ba siya?

Hinilot ko ang sentido ko ng maramdaman ang bahagyang pagsakit non, tsk, I'm stressing myself for very cheap reasons.

Lumipas ang oras ng hindi ko namamalayan, I had a meeting with the models again, my parents also called me to check if I am okay, I don't know but I can feel that they are up to something, again.

It was 5:40 when I decided to go home na, inayos ko muna ang mga nasa table ko bago ako lumabas at nilock ang pinto.

Irina who's in the other cubicle glance at me and smiled, I smiled too.

"Hi, Angelica." I greeted when I saw her, she sweetly smiled at me too.

"Hello too, Ms. Krisha, you're going home na?" She look at my bag and my eyes again, I nodded.

"Uh, yes."

"Oh, take care then."

I nod again before I walked out, pagkabukas ng elevator ay diretso ang lakad ko, commute na naman ako since I don't have my own car, I'm too lazy to ask for another car from my parents.

"Krisha . . ."

Napalunok ako habang nakatitig sa kaniya, hindi ko inaasahang makikita ko siya ngayon at dito pa talaga!

Mabilis akong naglakad para sana lampasan siya ng hatakin niya ako at pwersahang pinapasok sa loob ng kotse niya!

"What the hell, Blue?!" I shouted, I even tried to open the door but it was locked!

Pagkaupo nya sa driver's seat ay sinamaan ko siya ng tingin.

"Lalabas ako."

"We're going to talk."

"No!"

"Yes"

Napapikit ako sa sobrang inis at pinagkrus ang mga braso ko habang nagpupuyos na tumitig sa daan, narinig ko pa siyang bumuntong hininga bago pinaandar ang sasakyan.

"What are we doing here?" Tanong ko agad pagkapark nya ng pinto, nasa basement kami ng building kung nasaan ang condo niya.

"Let's talk."

Take Me To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon