Chapter 28

15 1 0
                                    

“Mahal ready ka na ba? Alis na tayo?”

Napalingon ako sa pinto at nakita ko naman na nakadungaw doon si Cael, nakangiti naman akong tumango saka tumayo na at kinuha ang purse ko.

Pupunta kami ngayon sa bahay nila, sila mommy ay papunta na rin daw doon, we decided to tell them about our engagement bago kami uuwi ng probinsya sa makalawa.

Pagkalapit ko sa kaniya ay agad niya akong hinalikan sa sentido at hinawakan ako sa bewang.

“Hindi naman siguro sila magugulat, ano?” Natatawang tanong ko kay Cael habang nasa loob kami ng lift.

“Hindi naman siguro, pero for sure matutuwa ang mga iyon, baka nga sila pa ang mag-ayos at magset ng date.”

Napangiti ako lalo dahil sa sinabi niya, may posibilidad nga na ganon ang mangyari, knowing our parents baka sila pa ang umasikaso ng lahat dahil sa excitement nila.

Habang nasa byahe ay panay lang ang kwentuhan naming dalawa ni Cael patungkol sa darating namin kasal.

“Kailan mo ba gusto?” Tanong niya bago saglit na nilingon ako, napalabi naman ako.

“Maybe by January next year? Or February, September pa lang naman, eh.” Sagot ko, napatango naman siya sa narinig.

“Hmm, okay po. How about the wedding? Church wedding ba?”

Napaisip naman ako, gusto ko ng garden wedding, pero gusto ko rin ng beach wedding, and of course gusto ko rin ng church wedding, ang hirap naman mamili!

“Nahihirapan ako.” Nakangusong sagot ko, natawa naman siya dahil doon.

“Why? Bakit nahihirapan ang mahal ko?”

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng marinig na naman ang itinawag niya sa akin, iba talaga ang epekto sa sistema ko ang pagtawag niya sa akin ng ‘mahal ko’ gusto ko na lang siya bigla halikan sa tuwing tatawagin niya ako sa ganon.

“I want a garden wedding, Cael. But at the same time I also want a beach and church wedding. Ang hirap mamili sa tatlo.”

“Why don’t we just do it all? We’ll have a garden, beach, and church wedding. What do you think about that mahal?”

Pinigilan ko ang sarili kong mangiti ng sobra pero nabigo ako.

“You’re spoiling me, huh?”

“Of course I’ll spoil you, what my Krisha wants, my Krisha gets.”

“But that would cost a lot.” Mahinang saad ko.

“May ipon na ako Krisha, malaki naman na ang ipon ko, kahit magpang-apat pa tayong kasal hinding-hindi tayo mamomroblema sa budget.”

“I have savings too!” Bida ko, “I’ll help you with our expenses syempre, and once na maging mag-asawa na tayo, your money will be my money, and of course ganon din pagdating sa money ko, pero mag-iipon tayo ng money para sa magiging anak natin, ano sa tingin mo?” Nakangiting baling ko sa kaniya, nakangiti naman siyang lumingon sa akin.

“Ayos sa akin ‘yon.”

“So, once na makauwi na tayo sa Pangasinan, we’ll look for land na?” He asked.

“Mahal, I have work pa.” sagot ko. “Si Janice na ang halos mamahala sa planta, baka nac-consume na yung time niya for her family.”

“Okay then, I’ll look for a land then you’ll work na muna. Para na rin macontact na natin ang kaibigan kong engineer para sa bahay.” Sagot niya na siyang tinanguan ko lang sa huli.

Nakarating naman na kami sa bahay nila auntie, papasok na sana kami sa loob ng mapalingon ako sa may kabilang daan, naalala kong taga rito nga rin pala sila tita Sofie. Huling kita ko sa kanila ay ‘yong inimbitahan nila ako for a dinner na hindi rin naging maganda ang tapos para sa akin. Hindi na rin naman nagmessage sa akin si Blue which is a good thing. Sana lang ay talagang makalimot na si Blue, mabuti na lang at uuwi na kami ni Cael sa Pangasinan.

“May problema ba?”

Tuliro akong napalingon kay Cael na naghihintay sa akin, napakurap pa ako ng dalawang beses bago bahagyang umiling. Naglakad na ako palapit sa kanya at agad naman niyang ipinalibot sa bewang ko ang kamay niya.

Pagkapasok namin sa loob ay narinig na agad namin ang tawanan nina mommy, mukhang nagkakasiyahan sila may sala.

“We’ll announce it over lunch, ha?” Bulong ko, tumango naman siya bago kami nagpatuloy sa lakad.

“Mom, dad!” Kuha ko sa atensyon nila. Agad naman silang napatingin sa direksyon namin na may mga ngiti sa labi. Lumapit ako sa kanila at isa-isa silang hinalikan sa pisngi.

“Hello, hija. Blooming ka.” Bati ni auntie, natawa naman ako dahil doon.

“Salamat po.” Sabi ko habang maingat na iniiwas sa paningin nila ang kaliwang kamay ko kung nasaan ang singsing.

“Anong okasyon at biglang gusto niyong sama-sama tayo ngayon?” Si uncle.

“Na-miss lang namin kayo dad.” Sagot ni Cael.

Tumingin naman si uncle sa kanya na tila hindi naniniwala kaya naman natawa lang si Cael habang kinukumbinsi sila na kaya nga kami nandito ay para lang sa normal lunch.
Itinago ko naman ang kaliwa kong kamay sa ilalim ng pillow na hawak ko ng magawi ang tingin sa akin ang paningin ni daddy. I smiled at him.

“Iba ang mga ngiti ng anak ko, ah.” Puna niya bago lumingon kay Cael, “Mukhang alagang-alaga ng manok ko.”

“Daddy naman,” saway ko, natawa lang sila sa sinabi ko.

“Magaling mag-alaga ang anak ko dre, aba naman, mana sa tatay ‘yan!” Bida rin ni uncle.

Napalingon ako kay mommy ng haplusin niya ang braso ko, nakangiti siya sa akin.

“Masaya ka ba anak?” She whispered, my smile widen.

“Sobra mom, sobra-sobra.” Sagot ko, mas lalo naman siyang napangiti sa sagot ko.
Ilang minuto pa ang iginugol namin sa sala dahil napasarap ang kwentuhan namin bago kami nagdesisyon na pumunta na sa dining para kumain.

Mabilis na tumabi sa akin si Cael ng papunta na kami roon.

“I love you.” He whispered.

Pinisil ko naman ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko, “I love you more.”

Pagkapasok namin sa dining area ay napahinto ako.

Ang daming pagkain!

“Bakit ang dami naman pong nakahandang pagkain?” Takang tanong ko, sa pagkakaalam ko ay sabi namin normal lunch lang, para kaming nasa fiesta!

“Ang dami naman mom nakahandang pagkain?” Tanong ni Cael habang ipinaghila ako ng upuan.

Ngumiti sa amin si auntie.

“Pakiramdam ko kasi hindi lang basta lunch ‘to kaya kayo nagsabi, eh, pakiramdam ko may dapat tayong icelebrate.” Nakangiti pa ring saad niya, pakiramdam ko naman ay pinamulahan ako ng pisngi ng ilipat niya sa akin ang tingin at magtagal iyon.

“Halika na, magsikain na tayo.” Aya ni uncle, hinubad ko muna sandali ag singsing at inilagay iyon sa bulsa ko.

As we began eating, another chitchat opened as well, and I was happy to hear them sharing kwento about their past and not business related.

Napalingon ako kay Cael ng lagyan niya na naman ng gulay ang pinggan ko.

“For you to be healthy.” Mabilis niyang sabi ng makitang magsasalita ako, napangiwi ako saka kinain na lang ang inilagay niya sa plato ko.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang maramdaman ko ang pagpisil ng bahagya ni Cael sa hita ko, taka ko siyang tiningnan at agad ko namang nakuha ang ibig niyang sabihin sa tingin na iyon, ngumiti ako bago marahang tumango.

“Wait, I’ll get the wine.” Sambit niya bago tumayo, sinundan ko pa siya ng tingin bago ibinaba ang kamay at pasimpleng isinuot muli ang singsing.

“Okay people, we have an important announcement to make.” Nakangiting sabi ni Cael bago tumabi sa akin, nakangiti akong bumaling sa mga magulang namin na nakangiti man ay kababakasan pa rin ng excitement at pagtataka.

Nilagyan ni Cael ang mga wine glass namin.

“Magkaka-apo na ba kami?” excited na tanong ni mommy, mabilis na nanlaki ang mga mata ko.

“Mommy!” Suway ko, “h-hindi pa!”

“Hindi pa, anak?” Si daddy naman ang nagtanong, agad akong tumango.

“Yes, daddy.”

“So mukhang meron nga kaming hihintayin?” Uncle teased, “Hindi pa, eh.”
Pakiramdam ko ay sobra akong namumula ngayon sa harap nila dahil sa sobra rin na pag-iinit ng pisngi ko.

“Nahihiya na si Krisha.” Pagsasabay ni Cael sa kanila, mabilis ko naman siyang tiningnan at sinamaan ng tingin.

I’ll be your wife soon, dapat ako ang kampihan mo!

Natawa naman siya dahil doon saka inilahad sa akin ang kamay niya, naiiling ko iyong tinanggap, mabilis namang lumipat iyon sa bewang ko.

“Gaya nga ng sabi ko, we have an important announcement to make kaya ipinatawag namin kayo.” His baritone voice filled the dining area. “Mahal?” He looked at me, kagat ang ibabang labi na ipinakita ko sa kanila ang kaliwa kong kamay.

Napasinghap naman silang lahat nang makita iyon, agad na dumako ang tingin ko sa magulang ko at nakita kong nangingilid na ang mga luha ni mommy.

“Anak .  .  .” she called.

“We decided to tie the knot, we’re getting married soon.” I announced. Naramdaman ko naman ang paghalik ni Cael sa may sentido ko bago iniangat ang wine glass.

“I believe we deserve a toast.” He said teasingly na agad namang sinunod ng mga magulang namin.

“Akala ko pa naman magkaka-apo na kami.” Sabi ni daddy.

“Daddy naman!”

“Soon, tito, soon po, right mahal?”

Nakangiti pa ring tanong sa akin ni Cael habang hinahaplos ang may bandang tyan ko.

Pagkaupong-pagkaupo namin ay dinagsa na kami ng mga tanong.

“Kailan ang kasal, anak?” Masayang tanong ni auntie, ngumiti naman ako.

“Next year po, January or February.”

“May wedding coordinator na ba kayo anak? Saan ang kasal? May kilala akong planner! Pwede ka na magpasukat!”

Take Me To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon