Chapter 35

16 1 0
                                    

Time runs swiftly.

God .  .  . I know it’s been a while since I called for you, but can’t you grant me this one? Can’t you .  .  . give me another chance? I’m still not ready .  .  . I don’t want to leave them yet. I still want to spend more time with them. I still want to build my future with Cael. Hindi pa rin po ba talaga pwede? Kahit ito na lang po. Itong hiling ko na lang.

If this is a dream, please .  .  . please Take me to reality.

Ayoko pa. Ayoko pang umalis.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko at muling tinitigan ang natutulog na si Cael sa tabi ko. Kadarating lang namin dito sa Pangasinan at halos lahat ay nagpapahinga na.

It was my request.

Gusto kong bumalik kami rito. Gusto kong pumunta sa beach house.

Tahimik kong sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko. Para siyang bata na natutulog, napakahimbing.

“Mahal kita.” bulong ko.

Kinabukasan ay bumyahe na kami papuntang beach house.

Masayang-masaya ang lahat.

“Look here, Krisha!”

Agad akong nag-pose ng itapat sa akin ni Avrie ang Camera.

“Sama!” Ate Ara shouted, mabilis siyang lumapit sa akin at nag pose rin.

Tawa nang tawa ang mga magulang namin habang pinapanood kaming nagtatakbuhan.

“Careful, ha!” Mommy Karla shouted.

“Krish, salo!” Nagulat ako dahil hindi ko naman inaasahan ang bola kaya tinamaan ako nito sa braso.

“Aray ha!” Reklamo ko.

Mabilis na lumapit sa akin si Cael at tiningnan ang braso ko.

“I’m sorry .  .  .”  mahina niyang sabi. Napanguso na lang ako.

“Kiss.”

Tumingin siya sa akin kaya naman ngumisi ako.

“Kiss .  .  .” ulit ko. Napatawa naman siya saka bahagyang umiling. He leaned closer and claimed my lips.

“Auntie!! Ang anak niyo PDA!”

Natatawa akong bumitaw sa halik at tiningnan si Avrie na nang-aasar na nakatingin sa amin.

Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Cael sa akin mula sa likod kaya naman hinawakan ko ang kamay niyang nasa may tyan ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nawala sila Avrie at kami lang ni Cael ang naiwan dito.

“What are you thinking, hmm?” He whispered, naglalambing.

“Nothing .  .  .”

“You seem preoccupied, mahal.” He said softly.

“Wala nga po. Nagagandahan lang talaga ako sa dagat dito.” Sabi ko saka mas isinandal ang likod sa may dibdib niya.

“Dito tayo bubuo ng pamilya.” Bulong niya bago ko naramdaman ang pagpatong ng baba niya sa may balikat ko.

Tila may kumurot sa puso ko matapos niya iyong sabihin.

“Cael .  .  .”

“We will have two kids, just like what you wanted, a girl and a boy.”

“M-mahal .  .  .”

“We’ll grow old together. We’ll reach 80—or even 90.”

Humigpit ang kapit ko sa kamay niya.

“We will fight, Krish .  .  . We will.”

Take Me To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon