Chapter 4

9 1 0
                                    

Seryoso kong binabasa ang isa sa mga report for the month of July ng bumukas ang pinto ng office ko.

“Madam, lunch break na po.” Paalala ni Janice, nag-angat ako ng tingin sa kaniya saka tumingin sa oras, 11:30.

“Sige na, mauna ka ng kumain.” Nakangiting sabi ko saka binalik ang tingin sa folder na hawak ko.

“How about you, madam? Pahatiran ko na lang po ba kayo rito?” Tanong pa niya, umiling ako saka sinara ang folder at umayos ng upo sa swivel chair ko.

“May baon ako, don’t worry.” I answered ng maalala ang pinadalang pagkain ni mommy kanina.

“Ay sige po madam, eatwell.” Nakangiting paalam niya saka lumabas na ng office ko.

Tumayo ako saka naglakad papunta sa may couch na nandoon at kinuha ang bag ko na doon ko lang nilapag kanina.
Binuksan ko na ang pinaglagyan kanina ni mom at napangiti ako ng makitang Tater Tots ang niluto niya, kumain ako ng isa bago ‘yon binitbit pabalik sa upuan ko.

My phone rang and when I saw who the caller is, I rolled my eyes, I picked it and answered the call.

“Yes, Av?”

[“I told you! Dapat sumama ka rito sa Manila!”] Tili niya.

“I also told you, I have work, I don’t want to be in Manila too.”

[“Aish, akala mo naman dito ka titira, we’ll just have fun, unwind, meet the city growers!”]

“I hate city growers.” That’s all and I ended the call, she tried again to call me but I refused to answer it.

To: ♡Cael♡
Saan tumuloy si Av?
Sent✔ 11:45AM

Napanguso ako ng magdaan ang ilang minuto na wala pa siyang reply kaya naman nagtingin-tingin na lang ako sa IG.

I searched his IG account at napangiwi ako ng wala man lang siyang bagong post, but I smiled at the thought of him posting my pictures on his account, halos lahat kasi ng post niya it’s either kaming dalawa ang magkasama sa picture or yung picture ko na sya mismo ang kumuha. I looked at the comments and they all thought that we had a romantic relationship. I chuckled because of that thought.

Tumunog ang notif ng inbox ko kaya naman mabilis kong tiningnan ‘yon.

From: ♡Cael♡
Nandito rin sa Makati, dun sa bahay nyo tumuloy
11:50AM✔

From: ♡Cael♡
Sorry for the late reply, I got busy, anyway, kumain ka na ba?
11:50AM✔

Napangiti ako sa pangalawa niyang reply, kumagat ako sa pagkain ko saka nagtype ng reply sa kaniya.

To: ♡Cael♡
Kumakain na at this moment, ikaw ba?
Sent✔ 11:51AM
I took a picture of my Tater Tots and sent it to him with a heart.

From: ♡Cael♡
Seriously, krish? Pagkain ba yan? No rice? It’s just a potato! Kumain ka ng mas nakakabusog.
11:51AM✔

I was about to type my reply but my brows furrowed when I saw his number, seriously? Kailangan pa akong tawagan?

[“Ask Janice to buy you a food.”] bungad niya pagkasagot ko sa tawag. My lips puttered.

“Hello to you too, I’m okay with my tater tots, Cael, ako naman ang kumakain nito at hindi ikaw.” Natatawang biro ko, I heard him groaned.

[“Krisha naman.”]

“Hmm? I’m okay with this nga. You don’t have to go berseck because of my food. Kakain naman ako ng mas marami pa kapag gutom talaga ako, but right now, I’m really fine with my food.” I explained, I just heard his surrendering sighed.

Take Me To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon