Chapter 15

7 1 0
                                    

Isinara ko ang folder na ibinigay sa akin kanina ni Irina, nagsubmit na sya sakin ng designs nya at masasabi kong magaling sya, 5 designs agad? Just wow, and her designs are really really creative.

I heard she’s working under F&A Company, but since we’re going to have a collaboration may cubicle rin sya rito dahil hindi ako pumayag na doon ako sa F&A mananatili pansamantala.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon, it’s my mother, mabilis akong tumayo at hinalikan siya sa pisngi.

“Hello mom,” nakangiting bati ko sa kaniya bago ko sya inalalayan paupo sa isang upuan, “what brought you here? Checking on me?”

Ngumiti siya sa’kin.

“I just want to know if my daughter is fine with her new office.”

“Mom, I’m fine here, this is just temporary, after the launching, I’ll be out of here.” Hinawakan ko ang kamay niya saka iyon pinisil.

“I’m just worried,” nawala ang ngiti sa labi niya kaya ako naman ang tipid na ngumiti.

“I understand, but mother, your daughter is strong.”

Natawa naman siya saka hinaplos ang buhok ko.

“Ano naman itong naririnig ko sa pinsan mo na may dinidate ka?” Nanunuksong tanong ni mommy, napanguso naman ako saka tumayo para isara ang pinto at bumalik sa kinauupuan ko.

“Well,” nangingiting simula ko, “Blue’s asking me..recently.”

“Seryoso na ba talaga, hmm?”

“Mommy naman!” Mas lalo akong napanguso kaya naman natawa siya.

“Krisha, you’re old enough to decide for your own, lalo na pagdating sa pakikipag-relasyon, pero anak, ‘wag mo agad ibibigay lahat-lahat ha?” Kinuha nito ang dalawang kamay ko at pinisil, “your father is really against about you, dating that man, prove to him that he’s a good guy, I can sense na mabait at mabuting tao si Blue. Basta kung saan masaya ang anak ko, susuportahan ko.”

“He is,” dugtong ko kay mommy, ngumiti naman siya sakin saka pinisil ang pisngi ko.

Hindi rin naman nagtagal sa opisina ko si mommy dahil may gagawin pa rin daw siya kaya naman bumalik ako sa trabaho ko, hinihintay ko ang isasubmit sakin ngayon ni Angelica na designs para matingnan ko kung alin ang aaprubahan ko doon.

I also message a friend of mine who’s currently working at Paris for the fabrics, she said she’ll try to ask her boss and I’m praying na sana, na sana ay pumayag ang boss niya.

Tumunog ang phone ko kaya naman inabot ko iyon at binasa ang message.

From: Asul
Lunch together? I miss you
10:24AM✔

To: Asul
Can’t, My cousin already asked me for lunch
Sent✔10:24AM

Ibaba ko na sana ng bigla siyang tumawag, I immediately answered it.

“Hey” nakangiting bungad ko.

[“Your voice keep me sane,”] he huskily said, I chuckled.

“You missed me that much huh?” Tudyo ko.

[“Yes, I miss you baby..”]

I bit my lower lip to stop myself from smiling,

“I miss you too,” I whispered.

[“Miss you more, I want to see you”] may lambing ang boses niya, sumandal naman ako bago pinaglaruan ang sign pen na hawak ko.

“Maybe later? May trabaho pa ako dito.”

Take Me To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon