Naalimpungatan ako ng pakiramdam ko may mali. Pagkatingin ko sa may bandang kanan ko ay wala na roon si Cael. Gabi na pala.
Umalis ba siya?
Kinuha ko ang phone ko at ang bumungad sa akin ang mga text messages ni Blue, asking me out. Napailing na lang ako saka pinatay muli ang phone.
Maybe I’ll talk to him, hindi ko nga lang alam kung kailan. Kailangan ko na lang sa kaniya ipaintindi ang lahat.
Tumayo na ako at kinuha ang roba ko dahil nilalamig ako.
Lumabas ako ng kwarto at sumalubong sa akin ang madilim at tahimik na pasilyo. Tahimik akong naglakad papunta sa kwarto at dahan-dahan iyong binuksan. Ngunit natigilan ako ng makarinig ako ng mga iyak.
Umiiyak na naman siya.
Bumigat ang pakiramdam ko dahil sa naririnig kong mga iyak niya. Nasasaktan ako sa naririnig ko.
Tahimik ko na lang ulit na isinara ang pinto niya bago bumalik sa sariling kwarto. Balisa akong umupo sa may kama ko.
Bakit siya umiiyak? Bakit ayaw niya sa akin sabihin ang rason?
Hindi ko kayang naririnig siyang umiiyak. Nasasaktan ako, sobra.
-
Nagising na lang ako kinabukasan na maayos na ang pagkakahiga ko sa kama, balot din ako ng kumot.
Mabilis akong bumangon at naligo. Pagkatapos ay nagsuot lang ako ng black shirt at short.
Pagkalabas ko ay naamoy ko na agad ang amoy ng adobo.
Excited akong naglakad papuntang kusina, and there he is, cooking.
Tahimik akong naglakad, nang makalapit ay niyakap ko siya mula sa likod, naramdaman ko namang natigilan siya.
“Good morning!” bati ko, bahagyang dinungaw siya.
Humarap naman siya sa akin bago ako hinalikan sa noo, napapikit ako dahil doon.
“Good morning too, beautiful.” he said softly. Inayos niya ang buhok na tumabing sa may mukha ko. “How’s your sleep, hmm?”
I pouted, “Nagising ako, wala ka sa tabi ko.”
He chuckled.
“Inagahan kong bumangon para ipagluto ka.”
Pinatakan pa niya ako ng halik sa pisngi bago bumalik sa pagluluto.
Ako naman ay nagtimpla na lang ng kape niya at inilagay iyon sa lamesa, hindi nagtagal ay inihain na rin naman niya ang agahan namin.
“Ang dami namang gulay?” Takang tanong ko ng makitang bukod sa adobo ay may gulay pa siyang niluto. Ngumiti naman siya sa akin bago ako nilagyan non sa plato ko.
“Maganda ”to sa kalusugan, para lumakas ka. Kaya dapat maraming gulay ang makakain mo.” Nakangiti pa rin niyang sabi.
Pinagmamasdan ko lang siya habang ginagawa niya iyon.
May mali.
“Kain na, Krish.” untag niya, napatango na lang ako saka nagsimulang kumain.
Tahimik kami sa naging agahan namin, siya na rin ang nagsabing maghuhugas ng mga pinagkainan kaya naman nandito ako sa sofa at nanonood.
Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng tumunog ang phone ko, tiningnan ko naman iyon at nakitang may nagtext, nakita kong bago ang mommy ay may nauna pa roon pero hindi nakaregister.
From: Mother
Have you eaten your breakfast already? Don’t skip meals, anak.
8:23AM✔️Unknown number
Hello Krisha, mom’s inviting you, pwede ka ba mamayang lunch? Dito lang sa bahay.-Ara
7:49AM✔️
BINABASA MO ANG
Take Me To Reality
RomanceThe moment she opened her eyes, the provincial life that was introduced to her came across as something she also wanted. In the life that Krisha has, she has nothing more to ask for. She has loving parents, jovial cousin and a special man in her lif...