The feeling that I got abandoned by the people whom I trusted the most and who wouldn’t leave me didn’t even cross my mind before . . . But now it’s happening. It happened and I’m not prepared.
They all turned their backs on me.
They left me.
Napatingala ako saka sumigaw nang malakas. Kung sa pagsigaw ko na lang mailalabas lahat ng hinanakit ko, sisigaw ako nang sisigaw.
It’s been almost 30 minutes since I left Cael’s home. Hindi niya ako nilabas, hindi niya man lang ako kinausap. Hindi siya nagpakita.
I can’t understand how they were able to do this to me. Am I really that easy to abandon? Why is it so easy for them to abandon me? while I can’t even abandon them.
Inis kong pinunasan ang pisngi ko pero patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.
“P-para ka namang tanga, Krisha. T-tama na, ‘wag ka na u-umiyak.” Alo ko sa sarili ko. I hugged myself, trying to find any comfort.
Napadukdok ako sa manibela at napahikbi na lang.
Saan na ako ngayon? Sino matatakbuhan ko sa ganitong sitwasyon?
Umupo ako nang maayos saka kinuha ang phone ko, I dialed Janice’s number. It took three rings for her to answer it.
[“Good evening, madam, may ipagagawa po ba kayo?”] Magiliw na bungad niya sa akin. I bit my lower lip to stifle my cries.
I cleared my throat, “A-are you home already?”
[“Yes madam, bakit ho?”]
“Tell me your full address, p-pupunta ako.”
[“Po?”] Gulat na tanong niya.
“Just . . . just tell me, w-wala kasi akong ibang m-mapupuntahan.” Pahina nang pahina kong sabi. Marahil ay nahalata niya ang panginginig ng boses ko kaya dali-dali niyang sinabi ang address niya.
I ended the call after that and maneuvered my car. She’s the only person I can think of right now. Halos hindi naman naglalayo ang edad namin at napalapit na rin naman na ako sa kanya.
It took me nearly 25 minutes to get to her house. I stared at their two-story house that was well-built. Napangiti ako, her hard work.
“Madam!”
Napatingin ako sa pinagmulan non at nakita kong halos takbuhin ni Janice ang kinaroroonan ko.
“Ambetel so panaon natan, madam! Bakit ka naman basang-basa?” Nag-aalalang ani niya, tipid ko siyang nginitian, “ay halika, madam. Sa loob ho tayo.” Aligaga niyang sabi habang iginigiya ako papasok sa loob ng bahay nila.
“Wait lang, madam, upo muna ho kayo.” iminuwestra niya ang sofa nila, mabilis akong umupo roon dahil na rin sa pagod, “Raph! Manluto ka lay nasira—”
“No!” Agad na pigil ko, “You d-don’t have to, h-hindi ako nagugutom.” Umiiling na tanggi ko, hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha niya kaya naman hinawakan ko ang kamay niya. “P-pwede makihiram na lang muna ng damit?”
“Mainit ka.” mahina niyang sabi ngunit nakaabot sa pandinig ko.
“I’m fine.” I assured her. Napailing na lang siya bago nagpakawala ng malalim na hininga.
“Kukuha lang ako sa taas ng damit para makapag-palit ka na.”
Tinanguan ko lang siya saka pinanood na mabilis na tumakbo paakyat. Ako naman ang napabuntong hininga bago bumaba ang tingin sa cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Take Me To Reality
RomanceThe moment she opened her eyes, the provincial life that was introduced to her came across as something she also wanted. In the life that Krisha has, she has nothing more to ask for. She has loving parents, jovial cousin and a special man in her lif...