warning: matured content
-Hindi ako mapakali sa loob ng kotse, sa tuwing titingnan ko siya ay magkasalubong ang mga kilay niya at mahigpit ang kapit sa manibela.
"Cael . . ." tawag ko, ngunit hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
Hanggang sa makarating kami sa pad ay hindi niya ako iniimik kaya lalo akong naf-frustrate.
Pagkapasok namin sa loob ay dumiretso siya papunta sa kwarto niya, napailing na lang ako saka hinubad ang sandals ko at mabilis na nagtungo sa may sink para magtoothbrush.
Nang matapos ay dumiretso na ako sa kwarto ni Cael at hindi na nag-abala pang kumatok. Pagkabukas ko ng pinto ay nadatnan ko siyang patihayang nakahiga habang nakatakip ang braso sa may mata niya. Ni hindi man lang nag-abalang buksan ang ilaw.
I heaved a sigh.
Tahimik akong lumapit sa kama at umupo sa may gilid niya.
"Cael . . ." tawag kong muli ngunit hindi pa rin niya ako iniimik. "Kausapin mo naman ako, oh." Mahinang pakiusap ko.
Inalis niya ang pagkakatakip ng braso niya sa kaniyang mukha at diretso ang titig sa kisame.
"Kaya mo ba ako tinanong na what if you can't give me the relationship I want for us . . . because of blue? Is it still blue? Siya pa rin ba ang panalo, Krisha?" Mahina niyang sabi, napaawang ang labi ko.
"W-what?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Tinambol ng kaba ang dibdib ko ng bumangon siya mula sa pagkakahiga at tumitig sa mga mata ko, napalunok ako dahil doon pero agad na napalitan ng sakit ang nararamdaman ko ng makita ang pagtutubig ng mga mata niya.
Cael
"K-krisha . . . siya pa rin ba?" His voice cracked, "Bakit pakiramdam ko ano mang-oras makukuha ka niya sa akin? Bakit pakiramdam ko . . . kahit anong gawin ko hindi ko makukuha ng buo ang atensyon mo? Bakit pakiramdam ko, siya pa rin ang iniisip mo kahit ako ang kasama mo?"
Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Nasasaktan ako kasi alam kong nasasaktan ko siya. I know that feeling . . . I've been there.
"H-hindi, Cael naman." Nagsusumamong sabi ko, "Hindi, okay? Ikaw ang kasama ko, ikaw ang nandito, ikaw ang pinili ko, sayo ako."
Hindi naman siya nakapagsalita doon at mas lalong nanikip ang dibdib ko ng makita ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya. Umayos ako ng sampa sa kama at naka-paluhod na humarap kay Cael, marahan kong pinunasan ang basa niyang pisngi.
"Don't cry." I pleaded while caressing his cheeks. Tinitigan ko siya sa mga mata. I can see the pain in his eyes.
"He kissed you." he whispered.
"He did, I was shocked." I whispered too, "But I was trying to push him away, I wasn't the one who initiated the kiss, Cael, he kissed me, I did not kissed him back." Hindi naman siya umimik pagkatapos non at nanatili lang na tahimik habang nakatitig sa akin.
I continued to caress his cheek when I saw his gaze shift to my clothes. Lihim akong napangiti dahil doon, dahil sa reaksyong nakita ko mula sa kaniya.
"That's mine." he said before looking into my eyes again, looking like a child looking for an answer.
I smiled even more because of that.
"Ah-huh"
"Why . . . Why are you wearing it?"
I raised an eyebrow at him, "Is it forbidden? Am I not allowed to?"
"N-no! I mean, umalis ka . . . then the clothes you're wearing are men's, my clothes."
BINABASA MO ANG
Take Me To Reality
RomanceThe moment she opened her eyes, the provincial life that was introduced to her came across as something she also wanted. In the life that Krisha has, she has nothing more to ask for. She has loving parents, jovial cousin and a special man in her lif...