Tahimik kong pinagmamasdan ang paghampas ng alon mula rito sa kinatatayuan ko, ito ang pinaka-paborito kong gawin tuwing naka-off ako sa work.
“Ganda natin ngayon ah?” Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon.
“Cael!” Sigaw ko saka tumakbo palapit sa kaniya at dinamba siya ng yakap, “I miss you!!” Iniikot ako nito saka ibinaba rin.
“I missed you too,” pigil ang ngiting sabi nito, “Gumaganda tayo ah?” Hinagod pa ako nito ng tingin kaya bahagya akong nahiya.
Nakasuot ako ngayon ng black tube at hanggang talampakan na see through palda kaya kita sa loob nito ang cycling ko, and because it’s fitted, it showed my body curve.
“Sakto lang, ano ka ba.” Natatawang tanggi ko.
“Asuus! Humble na naman siya.” Singit ni Avrie na hindi ko alam kung saan nanggaling, nakasuot naman siya ng beach dress niya.
“Hindi ah! Totoo naman kasi, sakto lang.” pilit ko.
“The usual,” tanging nasabi ni Cael kaya naman nahampas ko siya sa braso.
“Hoy! Bakit ba ngayon ka lang? Akala ko ba dapat last week ka pa rito? Anong petsa na oh.” Masungit na sabi ko.
Napakamot naman ito sa sentido habang si Avrie ay inaasar siya.
“Krisha naman.” Nakangusong sabi nito pero humalukipkip ako.
“Don’t krisha me, you talkshit.” Arte ko pa, umangkla naman sakin si Avrie.
“Nako Sha, nambabae ‘yan doon sa Manila! Pinagpalit na tayo sa iba! Payag ka non? Ako hindi, nako!” sulsol nito dahilan para mas sumimangot si Cael.
“I did not! ‘Wag mong paniwalaan ‘yang pinsan mong may saltik.” Depensa ni Cael, pigil na pigil ko ang tawa ko dahil nakakatawa ang reaction niya, parang bakla, “Krish naman, ‘wag kang magsungit. Sige ka yung buhok mo kukulot.” Inambahan ko ito ng suntok pero mabilis itong umatras.
“Kulot naman talaga ang buhok ko!” Inis na sigaw ko.
“Ang bayolente mo, susumbong kita kay tita.” Parang batang sabi niya. Naniningkit ang mga matang tiningnan ko siya, samantalang tawa nang tawa si Avrie. Tinuro ako ni Cael.
“Huwag mong ganyanin ang mata mo, singkit na nga ginaganyan mo pa.” sabi nito, hindi ko alam kung nang-aasar ba o ano.
“Cael!” Napipikon na sigaw ko, “talkshit ka na nga nang-aasar ka pa!”
Lumapit naman ito at pinisil ang magkabilang pisngi ko saka ako inakbayan, napasimangot si Avrie ng makita kung anong pwesto namin ngayon ni Cael.
“Ito naman, kahit kailan talaga ang pikunin mo.” Tumatawang sabi niya kaya naman kinurot ko siya.
“Heh!”
Sumingit naman sa pwesto namin si Avrie.
“So ayon? Thirdwheel ako rito?” Nang-uuyam na sabi niya.
“Thirdwheel ka dyan.” Nakangusong sabi ko.
“Nako! Tara na nga! Punta na tayong cottage at masakit sa balat ang sinag ng araw!” Sigaw ni Avrie na akala mo ay milya-milya ang layo namin sa kanya habang hinihila kaming dalawa ni Cael.
BINABASA MO ANG
Take Me To Reality
RomanceThe moment she opened her eyes, the provincial life that was introduced to her came across as something she also wanted. In the life that Krisha has, she has nothing more to ask for. She has loving parents, jovial cousin and a special man in her lif...