Chapter 32

13 1 0
                                    

Kumalabog ang dibdib ko matapos iyon sabihin ni Raph.

Sa loob ng isang linggo, ngayon lang may naghanap sa akin. Could it be .  .  . mom? dad? Cael?

Napatingin ako kay Janice na nag-aalala ring nakatingin sa akin.

“Madam .  .  .” she muttered, napabuntong hininga ako saka tumayo.

“P-pwede mo bang silipin kung sino?” Pakisuyo ko sa kaniya, agad naman siyang tumayo at tumango, naglakad siya papunta sa may bintana at bahagyang sumilip doon. Agad siyang napaatras at nagmamadaling lumapit sa akin.

“Si sir Cael, madam, nasa may taranghakan!”

“N-nakita ka bang sumilip sa may bintana?” Kinakabahang tanong ko, umiling siya kaya naman napahinga ako ng maluwag.

“Kakausapin mo na ba siya?”

Napaisip ako, noong nakaraan gustong-gusto ko silang makausap, siya, ngunit ngayon iba na. Ayaw ko na muna silang makausap, gusto ko munang magpahinga, hindi ko pa rin matanggap at magawang alisin ang sakit sa dibdib ko dahil sa mga nangyari, ang pag-iwan nila sa akin.

“T-tell him na wala ako rito, n-na hindi mo rin alam kung nasaan ako.” Kinakabahang sabi ko, mabilis naman siyang tumango.

“Sige, sa kwarto ka na muna.”

Agad ko siyang sinunod at tumakbo paakyat sa kwarto. Ni-lock ko ang pinto at pumunta sa may sulok. Umupo ako roon ang ipinatong ko ang kamay sa mga tuhod.

Napatingin ako sa daliri ko at tinitigan ang singsing doon. I traced it using my other finger and I couldn’t help but to cry.

He doesn’t want me because I am not Krisha, I am not the woman he loves.

Napatingin din ako sa box kung saan nandoon ang ilang mga gamit na pinakuha ko rin kay Janice noong nakaraan.

Impit akong napaiyak nang makita ko ang wedding gown na ako mismo ang nagdesign.

Our plan was perfect. We were just waiting for our wedding day to come .  .  . But everything was shattered. Everything became a mess.

Mahal ko si Cael.

But does he still love me? After knowing the truth that I am not Krisha, Does he still love me?

No.

I can still remember what he said that day .  .  . I am not his Krisha. That only means I am not the woman that he loves. I am not the woman he wants to spend his life with. I am not the woman he can see in the future with. Because I am Safira, not Krisha.

Napahawak ako sa ulo ng kumirot iyon nang malala, impit akong napahiyaw at napahiga sa sahig habang nakasabunot sa sarili ko.

“S-stop .  .  .” bulong ko. I can’t bear the pain.

Nagmulat ako ng mga mata at napabalikwas ako. Nasa ibabaw na ako ng kama. Ang huli kong natatandaan ay nasa sahig ako!

Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon. Pumasok si Janice na may dalang tray.

“Gising ka na pala.” nakangiti niyang bungad, ibinaba niya ang tray sa may maliit na mesa at lumapit sa akin.

“Nadatnan kita kanina dyan sa sahig. Grabe ang pag-aalala ni nanay sayo. Naka-lock pa ang pinto, paano pala kapag hindi namin binuksan?” Nag-aalala niyang litanya. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya.

“Sorry .  .  .”

“Ayos lang 'yon madam, ano bang masakit sayo?”

“Kumusta? Anong .  .  . Anong sabi sayo ni Cael?” Tanong ko imbis na sagutin ang nauna niyang tanong.

Take Me To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon