Ramdam ko ang mahigpit niyang hawak sa kamay ko na akala mo ay takot na mawala ako.
I checked out from the hotel, kinausap kasi ni Cael kahapon sila mom na pwede namang doon muna ako sa pad niya tumuloy for the meantime, at agad naman silang pumayag para na rin daw mabantayan ako ni Cael. Akala ko ba sila ang magbabantay kaya nila ako pilit na isinama rito?
“Ito lang dala mo?” Tukoy niya matapos kunin sa akin ang dalawang bag ko na may lamang mga damit, I nodded.
“I will only be here for a month or half, kaya iyan lang.” sagot ko.
Habang nasa byahe pa-Makati kami ay isinandal ko ang ulo ko sa bintana at pumikit, inaantok ako.
Nagising na lang ako na nakahiga na ako sa estrangherong silid. Agad akong napabalikwas at sisigaw na sana ng mamukhaan ko ang kwarto, dito rin ako natulog kahapon, pagkatingin ko sa may kanan ko ay nakita kong nakalagay doon ang mga gamit ko, tumayo ako at binuksan ang bag pero natigilan ako ng wala ng laman ‘yon, napalingon ako sa closet at naglakad papunta roon, pagkabukas ko ay nakita kong nakasalansan na ang mga gamit ko, he went on my stuffs?
Nagkibit balikat na lang ako at kinuha ang denim short ko at ang buttoned down crop top.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto at tanging katahimikan lang ang sumalubong sa akin, napanguso ako saka naglakad pakusina, then I saw him there, cooking.
“Ano niluluto mo?” Tanong ko pagkalapit, nagpalumbaba ako sa may countertop.
Ngumiti siya, “Chicken curry.”
“Yey!” Masiglang komento ko, umalis muna ako doon at nagtingin-tingin pa ng ilang mga gamit.
May nakita akong drawer kaya naman mabilis akong lumapit doon at binuksan ‘yon, tanging DLSR camera lang ang nandoon, kinuha ko ‘yon.
Kinuhanan ko ang ilang anggulo ng pad nya maging ang flower vase.
Naglakad ako pabalik sa kusina kung saan siya nagluluto habang tinitingnan ang mga kuha ko.
“Bago ‘to?” Saglit lang akong tumingin saka muling ibinalik ang atensyon sa camera.
“Huh? Yung ali—Krisha!”
Nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya at mabilis na kinuha sa akin ang camera, animo’y takot siyang may makita ako doon, may litrato ba ng hubad na babae doon at ayaw niyang ipakita?
Naningkit ang mga mata ko sa isiping iyon.
“Bakit? May sikreto ka ba dyan?” Mataray na tanong ko saka nagpameywang, umiling siya.
“It’s just . . . it’s just, ahm.”
“It’s just ano? Bakit ayaw mo? Hindi ko naman sisirain, eh.” Masama ang loob na sabi ko, hindi ko naman babasagin!
Hindi naman siya nakasagot at naging mailap ang mga mata, tinago nya rin ang camera sa likod nya, ha! Talagang ayaw pa nga!
“Hindi naman, ano kasi, may mga ano kasi . . . may mga pictures dito na ano . . .” hindi niya maituloy kaya naman sarkastiko akong tumawa.
“Bakit? May nudes ba dyan?” Prangkang tanong ko, namutla naman siya, sinasabi ko na nga ba!
“W-wala!” mariing tanggi niya, nagcross arms ako.
“Wala? O, edi ipakita mo sa akin.” Hamon ko sa kaniya, umiling naman siya kaya umirap ako, “See? Ayaw mo kasi may mga nudes diyan, you can show it to me tho, I’m open minded. There are nudes painting din naman. So I won’t really mind.” I said using my convincing voice.
BINABASA MO ANG
Take Me To Reality
RomanceThe moment she opened her eyes, the provincial life that was introduced to her came across as something she also wanted. In the life that Krisha has, she has nothing more to ask for. She has loving parents, jovial cousin and a special man in her lif...