Napatingin ako sa lalaking tumawag sa akin ng ‘Safira’. Nakatitig din ito sa akin.
Ano, titigan challenge?“Do I know you?” Mataray na tanong ko, hindi naman siya agad muling nakapagsalita kaya napairap ako saka tinalikuran na sila, pagkalabas ko sa hotel na tinutuluyan ko ay bumagsak ang dalawang balikat ko.
Now, saan ang punta ko? Ano namang alam ko rito? Ngayon ay nagsisisi akong hindi ako sumama kina mommy sa bahay. Isinama nila ako rito sa Pasay para lang mag-stay sa isang hotel? Ha! Edi sana hindi na lang talaga nila ako pinilit na pumunta rito. Ano bang magiging ganap ko rito?
Kinuha ko na lang ang phone ko at nagtype ng message kay Cael.To: ♡Cael♡
You’re in Makati, right?
Sent✔ 11:23AMI’m sure na magugulat ‘yon once na malamang nandito ako ngayon at malapit lang sa Makati.
Nakatitig lang ako sa harap ko ng may humawak sa braso ko kaya naman inis ko iyong nilingon. Nakita ko naman yung lalaki kanina.
“Ikaw na naman?” Inis na tanong ko sa kaniya, hindi pa rin maalis ang titig nito sa mukha ko.
“W-where, I mean, p-paano?” Naguguluhan niyang tanong, kaya naman napapikit ako sa inis, city grower! Anong where? Anong paano? Ano bang malay ko? Anong alam ko sa tinutukoy niya?
“Pwede ba? Baka nagkamali ka lang ho. Hindi kita kilala.” Iyon lang at tinalikuran ko siya.
Nagvibrate naman ang phone ko kaya tiningnan ko ‘yon.
From: ♡Cael♡
Dito sa pad ko, kauuwi ko lang, bakit?
11:25AM✔Nakatayo pa rin sa may likod ko ang lalaki ng lingunin ko siya, napailing na lang ako saka tinawagan si Cael na agad namang sinagot.
“Hello, busy ka?” Bungad ko.
[“Not really, why?”]
“Puntahan mo ako rito.” Nakangusong sabi ko, nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglipat ng lalaki sa may harap ko kaya naman sinulyapan ko siya. Nakatitig pa rin sa akin.
Titig nang titig, ha, crush siguro ako nito.
[“Where? Ngayon na ba? Baka matagalan, malayo ang byahe.”]
“Tapos nag where ka pa?” Inis na tanong ko, natawa naman siya, “Nasa Pasay ako . . .” mahinang sabi ko, may narinig naman akong nahulog na kung ano sa kabilang linya.
[“What? Nasa Pasay ka? Where? Wait, palabas na ako ng pad, just wait for me—”]
“Pakibilisan po, ingat.” pero ng marealize kong hindi ko nasabi kung nasaan ako kay itinext ko na lang ‘yon sa kaniya, pumasok na lang muna ako ulit sa loob ng hotel at sa lobby naghintay.
“Safira, please . . .” rinig ko, napaangat ako ng tingin sa kaniya, sino ba naman kasi ‘to? Safira nang safira!
Huminga ako nang malalim, “Please what? I’m not Safira nga.” Pilit na pagpapaintindi ko, “Nagkamali ka lang siguro.” Walang ganang ani ko.
Magsasalita pa sana siya pero biglang lumapit sa kaniya yung lalaking nakabunggo sa akin at may ibinulong, pero nakatitig pa rin siya sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
Kanina ka pa, ah.
Tumingin siya roon sa lalaki bago bumuntong-hininga at tumango.
“Safi—”
I rolled my eyes at him, showing how irritated I am.
“-Oh, please, stop calling me Safira, nakakairita.” I told him, pakiramdam ko ha-highbloodin ako sa kaniya, mas makulit pa siya kaysa kay Cael!
BINABASA MO ANG
Take Me To Reality
RomanceThe moment she opened her eyes, the provincial life that was introduced to her came across as something she also wanted. In the life that Krisha has, she has nothing more to ask for. She has loving parents, jovial cousin and a special man in her lif...