Chapter 2

20 1 0
                                    

Binigyan ko ng last look ang sarili kong repleksyon sa salamin. Appreciating my own beauty.

Round shape na mukha, Chinky eyes, plump lips, and of course, my dimples.
Huminga ako nang malalim bago nag-isip kung anong pwedeng style ang gagawin ko sa hanggang bewang at kulot kong buhok? Actually hindi naman siya yung kulot na kulot, my hair has slight waves which I love the most.

Pwede na sa shampoo commercial, oh diba kabog?

I stared at my skin. Simula nang mamulat ang mga mata ko I’ve been insecure when it comes to my skin color. Pakiramdam ko kasi kung hindi ko kakulay sina Avrie, hindi ako belong. Si Avrie morena while I’m not.

Nakarinig ako ng ilang katok kaya naman umayos ako ng tayo.

“Come in,” Bumukas naman ang pinto at pumasok si Janice.

“Ma’am, pinapatawag na po kayo ni Ma’am Avrie, sabi niya rin po na mauuna na siya sa parking lot.” Sabi ng sekretarya ko, inayos ko naman ang suot kong long sleeve, lumapit ako sa lamesa ko at sinara ang laptop.

“Galit ba?” Tanong ko.

“Hindi naman po, pero medyo iritado na po siya.”

“Okay, double check the files that I sent to you via email, and ‘wag kang magpapapasok sa office ko hanggat hindi pa ako nakakabalik, malinaw?” bilin ko, mabilis naman itong tumango kaya nauna na akong naglakad palabas ng office ko.

May ilan pa akong nakasalubong na bumati sakin na tanging ngiti lang ang aking isinukli.

“Ang tagal mo naman!” Reklamo kaagad ni Avrie pagkapunta ko sa parking lot.

“Excuse me, may tinapos pa ako.” Mataray na sagot ko.

“Oh! Kita mo, susungitan mo ako pero nagpapasama ka sakin na bisitahin ang isa sa planta tapos gaganyan ka.” Nanlalaki ang mga matang sabi niya.

“Edi hindi na, let’s go.” Prenteng sabi ko saka lumapit na sa sasakyan na dala.
Mabilis namang lumapit sakin si Avrie at pinasadahan ng tingin ang sasakyan ko.

“Taray, BMW? Where’s your car?”

“Nasa pagawaan, kay daddy ‘to, pinahiram muna sa akin.” Pumasok na ako at naupo sa Driver’s seat ng pumasok din sya at naupo sa passenger’s seat.

Taka ko syang tiningnan, “Where’s your car? Bakit sa akin ka sasabay?”

“Is it bad? Nagcommute ako papunta rito eh.” Sabi niya habang nagkakabit ng seatbelt, napailing na lang ako saka pinaandar na ang sasakyan.

“Nandoon ba si Cael?” Maya-maya’y tanong niya, napalingon naman ako sa kaniya saka bumalik sa daan ang tingin.

“Pakibukas ng radio,” pakisuyo ko na agad naman niyang ginawa, “Ikaw ang isinama ko kasi nga sabi nya may gagawin daw siya.”

Umarte naman itong nasaktan sa narinig.

“Ouch ha! So wala ang first choice kaya akong nasa option ang tinawag mo?”
Napangiwi naman ako.

“Naaatiris kala,” naiiling na sabi ko. Dumaan ang ilang minuto bago ko siya muling narinig na magsalita.

“Inar?” Tanong niya na hindi ko naman agad naintindihan.

Take Me To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon