Chapter 26

18 1 0
                                    

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ngayon ni daddy. I mean, yes alam ko naman na gustong-gusto niya si Cael para sa akin, pero ang tawagin mismo si Cael bilang manok?!

"Hindi na natutuwa ang anak natin hon, tama na." Saway ni mommy matapos akong tingnan at makitang nakabusangot ako. Nakangiti pa ring tumingin sa akin si daddy saka nailing.

"Anak naman, natutuwa lang ang daddy mo, alam kong nasa mabuti kang kamay, alam kong hinding-hindi ka pababayaan ni Cael." nakangiti pa ring saad niya, tumingin pa siya sa lalaki, "Tama ako, diba Cael?"

Mabilis naman itong tumango, as if his life depends on the answer he'll give to my father.

"Syempre naman po tito, hindi ko pababayaan si Krisha."

"Aba, dapat lang! Unica hija namin ang pinag-uusapan." Bigla namang nagseryoso si daddy, "Sa oras na saktan at paiyakin mo ang anak namin kahit gaano pa kita kagusto para sa kaniya, ako mismo ang kukuha sa kanya mula sayo."

Napanguso ako saka tumayo at lumapit kay Cael, hinawakan ko siya sa braso.

"Daddy, are you threatening my boyfriend?"

"Of course not anak, nagsasabi lang ang daddy." nakangiting baling ni daddy sa akin, napangiwi naman ako.

"Hay nako, tama na nga iyan at tayo'y magsikain na." Si mommy, nauna na siyang naglakad papunta sa dining area na mabilis namang sinundan ni daddy.

Ngayon ay kami ni Cael ang naiwan dito. Ngumiti naman ako saka naglalambing na yumakap sa bewang niya. Bahagya akong tumingala sa kaniya at naabutan ko naman siyang nakatingin na sa akin, dahilan para lalo akong mapangiti. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi.

"Gustong-gusto ka nila para sa akin." nakangiting sabi ko, hinapit naman niya ako palapit sa kaniya.

"Baka palitan na kita bilang anak nila." biro niya, napailing na lang ako

"How about we tell your parents about us? About our relationship?"

"They are probably here already."

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Ha? Anong they're here?" Takang tanong ko.

"I texted mom, sabi ko punta sila rito, matagal na rin mula ng kumain tayo kasama sila and they gladly accepted my invitation after I told them that we're already in a relationship. You know how much they love you too, they were rooting for us ever since."

My tears welled up because of what he said. "I love you." I said softly.

Inayos naman niya ang mga buhok kong nakadikit sa may pisngi at idiniposito iyon sa likod ng tainga ko.

"Inaro taka."

Magkahawak-kamay kaming lumakad na papunta sa dining area, and true to his words, his parents are already here. Chitchatting with my parents.

"Uncle! Auntie!"

Mabilis akong bumitaw kay Cael at patakbong lumapit kina auntie, yumakap ako agad sa kanila na natatawa lang.

"I missed you po!" Nakangiting bati ko.

"Ganon din kami sayo, hija." nakangiting sabi ni uncle, napapitlag na lang ako ng maramdaman ko ang kamay ni Cael na humawak sa bewang ko, agad namang napako doon ang tingin nila tita, mas lalo silang napangiti.

"Kita mo nga naman, ang mga anak pala talaga natin ang magkakatuluyan." tila kinikilig na sabi ni auntie kay mommy, nag-init naman ang pisngi ko ng tingnan ko sila mommy na nakatingin din sa kamay ni Cael na nasa bewang ko.

Magkatabi ang upuan namin ni Cael habang sila mommy ay nasa harap namin, nasa kabilang dulo ng lamesa si auntie at sa kabilang dulo rin si uncle.

Masaya kaming kumakain habang nag-uusap ang mga magulang namin, matagal na rin kasi talaga mula ng magkasama-sama kami.

Take Me To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon