Nakapalumbaba ako habang pinapanood si Cael na iayos ang agahan naming dalawa.
“Hindi ka pupunta sa opisina?” Tanong ko. He just shrugged and sat. He offered me milk and I accepted it.
“Nagleave naman ako.”
Napatingin ako sa buttered rice and steak na siya mismo ang nagluto, naglagay na ako nun sa plato ko bago nagsimulang kumain.
“Cael, diba kagabi?” Panimula ko, tiningnan nya naman ako at sinenyasan na magpatuloy, “Nung pagkapunta ko doon, when I saw them, I mean, they looked okay and casual naman, pero nung makita nila ako na nasa harap nila? They looked so fucked up!”“Krisha,” nananaway ang tonong ani niya. Natutop ko naman ang bibig ko.
I pouted, “I-I mean, para silang nakakita ng multo.”
“And then?”
“Tapos the whole time nakatitig sila sa akin, parang hindi pa rin sila makapaniwala, weird right?” Humiwa ako ng steak at sinawsaw ‘yon sa gravy, “Am I that pretty?”
Ngumunguya kong tanong, he just tsked.
“Maybe you’re just assuming.”
“No,” umiling ako, “Patapos ka na kasing dumating eh, saka yung sa vanilla? Parang sure na sure si tita Sofie na gusto ko ‘yon, haler, allergic kaya ako roon.”
“Tita Sofie?” His brow raised, I nodded.
“Sofie Fabian.”
“Hmm, F&A company, huh?”
“You know them?” Curious kong tanong.
“Yeah, kilala rin sila because of their products and successful events, I was invited to their recent collection event, pero hindi ako nakapunta.” Sabi niya bago uminom ng kape niya, napatango-tango naman ako.
Hindi rin naman kami nagtagal sa pag-aagahan dahil pareho rin kaming may gagawin, nagpaalam siyang may kikitain lang daw na kaibigan saglit kaya naman naiwan akong mag-isa rito.
Naligo na lang muna ako at pinili ang black v-neck shirt ko at ang cotton short ko bago ako pumwesto sa may balkonahe, napatingin ako sa mga building na kanya-kanyang palakihan.
Sinuot ko na ang salamin ko at nilapag ang laptop bago nagsimulang basahin ang mga email sa akin ni Janice, may mga iba pa doon na sinent nya lang sa akin for reviewing at ang iba naman ay ang contract, napangiti ako ng makita ang bagong marketing design na pinopropose niya para iyon na lang ang gagamitin para sa mga presentations, it’s actually good, halatang pinagpuyatan at pinaghirapan.
Nang marinig ko ang phone ko ay mabilis ko iyong hinanap sa round table pero hindi ko iyon makita kaya naman bumalik ako sa loob, mabilis akong lumapit sa couch saka iyon dinampot.
From: Father
Can you come here? It’s your mother’s request.
9:23AM✔From: Father
We’re here in Celeste Company, take care.
9:23AM✔Seriously? Kakakita niyo pa lang sa akin kagabi, ah? Miss agad? Sabagay, ayon naman ang role ko kung bakit ako sinama rito, para palagi nilang nakikita.
Kahit na tinatamad ako ay mabilis akong nagpalit ng damit, I chose my striped jumpsuit and of course the walang katapusang ankle strap ko, buti na lang talaga at black and white ang kulay ng suot ko ngayon, I really need to buy a new stilletoe later.
I just ponytail my hair and put something on my face, hindi ko rin kinalimutang isuot ang hikaw ko na regalo pa sa akin ni auntie, inayos ko rin ang necklace ko saka nagspray ng perfume ko, ready to go!
BINABASA MO ANG
Take Me To Reality
RomanceThe moment she opened her eyes, the provincial life that was introduced to her came across as something she also wanted. In the life that Krisha has, she has nothing more to ask for. She has loving parents, jovial cousin and a special man in her lif...