I didn’t know kung ilang oras akong nakatulog pagkatapos ng pag-uusap namin ni Avrie, akala ko pa nga ay panaginip lang pero pagkatapos kong makita ang bag niya ay alam kong hindi iyon panaginip, talaga ngang nandito ang bruha.
Mabilis na akong tumayo at tumingin muna sa salamin, namumutla nga ako. Napagdesisyunan ko na lang munang mag-halfbath na lang para kahit papaano ay matanggal ang panlalagkit ng katawan ko.
Pagkalabas ko ng banyo ay nadatnan kong nakaupo na sa kama ko si Avrie, nagtaas siya ng tingin sa akin.
“And you really did my advice?” Naka-taas kilay na tanong sa akin.
I mocked her, umirap naman siya.
“Masama pakiramdam mo diba? Kaya bakit ka naligo?” Tanong pa niya.Wtf? Kanina siya nagsabi sa akin? Tapos ngayon tatanungin niya bakit ko ginawa? Ano bang nakain nito?
“Hindi ako naligo, may mata ka naman diba? Basa ba buhok ko?” Sarkastikong tanong ko kaya naman napaismid siya.
“Nagpabili na ako ng lunch natin,” she announced, natigilan naman ako.
“What? Pwede namang maglut—”
She cut me off.“Ako masusunod, ‘wag ka ng umalma.” Napailing na lang ako saka kinuha ang cotton short at shirt ko na may design na power puff girls.
“Really, Sha? PPG?” Natatawang tanong nya. Tinitigan ko ang shirt ko saka ko inilipat ang tingin sa kaniya.
Unti-unting kumunot ang noo ko, “Why? They’re cute.” Tanggol ko.
Natahimik naman siya matapos non kaya nagbihis na ako at ni hindi ko na sinuklay ang buhok ko, sa haba, nakakatamad ng suklayin.
“Ano bang ginawa mo at sumama ang pakiramdam mo?” Mataray niyang tanong habang yakap-yakap ang unan.
Nagkibit balikat ako.“Kahapon lang ‘to, kaya nga nag early out ako. Akala ko mawawala rin, hindi pala.” Sagot ko, that was true, buong akala ko pagkagising ko ngayon ay wala na ang pananakit ng ulo ko, but I was wrong, siguro magpapabili na lang ako ng gamot mamaya.
Umupo ako saka kinuha sa may side table ang phone ko.
I was expecting a text from Cael, but I just got disappointed when I saw no text from him. Napailing ako bago nagpakawala ng buntong-hininga.
“Sino inaabangan mong magtext?” tudyo ni Avrie, bahagya ko siyang nilingon bago pinatay ang phone ko, chismosa.
“Wala,” simpleng sagot ko.
“Weh? Ikaw nga umamin ka sa akin.” Pwersahan niya akong pinaharap sa kaniya, binitiwan niya ako saka humalukipkip, napanguso naman ako dahil doon.
“What, Av?” Bored kong tanong.
“May gusto ka ba kay Cael?” Prangkang tanong niya, napaayos ako ng upo saka nag-isip, may gusto ba ako sa kaniya?
“Wala,” biglaang sagot ko.
“Weh? Kahit 1 percent, as in wala?” Hindi kumbinsidong sabi niya, dahan-dahan naman akong tumango pero iba ang kabog ng dibdib ko. Parang tinatambol ang dibdib ko dahil sa tanong niya.
Tinitigan pa muna niya ako bago muling nagsalita, “Iba kasi kayong dalawa eh,” mahinang ani nya, “I mean, tatlo tayong magkakaibigan pero iba yung closeness niyo, not that I’m being jealous, ah.” Panguna niya nang akmang magsasalita ako, “Pero kasi, alam mo ‘yon? Palagi kang nakangiti oras na magkasama kayo, minsan nga kinakalimutan niyong kasama niyo ako.”
Napakurap ako, we are acting . . . that way?
“We’re just like that, nasanay lang.” mahinang rason ko, “ huwag ng bigyan ng meaning.”
BINABASA MO ANG
Take Me To Reality
RomanceThe moment she opened her eyes, the provincial life that was introduced to her came across as something she also wanted. In the life that Krisha has, she has nothing more to ask for. She has loving parents, jovial cousin and a special man in her lif...