Chapter 19

14 1 0
                                    

Days passed and I did not seen any trace of him like what he said that night, and somehow .  .  . I am missing him.

“Hi,”

Agad akong napalingon sa pinto at tipid akong ngumiti ng makita si Blue. Tama si Blue ang isipin mo Krisha, siya ang boyfriend mo.

I don’t know what happened to me but after that night .  .  . everything's changed. I don’t know pero alam kong may nag-iba sa akin.

“Have a sit.” alok ko kay Blue. He stared at me for a few seconds before he nod.

“Is everything alright?” His eyes are full of concern, napalunok ako bago tumango.

“J-just .  .  . just stress.”

“I don’t think so.” seryosong sabi niya, “Did something happened that I need to know?”

Umawang ang labi ko saka mabilis na umiling.

“W-wala, ano ka ba.”

He looks like he’s not convinced but remained silent, and I silently thank God because of that.

“Hindi ka natuloy nung nakaraan sa condo ko, punta tayo maya?” Masiglang sabi niya, napatigil naman ako sa pagtingin ng designs bago nag-angat ng tingin sa kaniya.

“Hindi p-pwede.” mahinang tugon ko, mabilis namang kumunot ang noo niya.

“Why?”

“M-may ano .  .  . ahm, may pupuntahan ako.”

“Then after mo puntahan, sasamahan na kita.”

Napabuntong-hininga ako bago binitawan ang folder, “Kay Cael ang punta ko.”

There’s no point about lying. Maguguilty lang ako kung magsisinungaling ako sa kaniya. He’s .  .  . He’s my boyfriend after all and he deserves my honesty.

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya.

“That goddamn jerk.” mahinang bulong niya pero hindi nakatakas sa pandinig ko

“Blue!” I hissed, he just stared at me, “I don’t like the way you call him. He’s not a goddamn jerk.” Riing sabi ko

“You’re living with him. Tapos pupuntahan mo pa? Pwede ka naman sa akin tumuloy! Bakit ba nandoon ka pa? Ano may relasyon din ba kayo?”

Napaawang ang labi ko matapos niyang sabihin iyon. Seriously? Kaya niya akong pag-isipan ng ganon? Ganoon ba kababa ang tingin niya sa akin?!

“What the hell?” Naeeskandalong tanong ko, “Do you hear yourself, Blue? I didn’t know you have that trashy mind!”

“Bakit? Masisi mo ba ako Safira? Ako boyfriend mo—”

“Safira ka na naman nang Safira! We aren't living together anymore! I am staying at his pad alone!” Galit na sigaw ko dahilan para matigilan siya, “Blue, ang pangalan ng girlfriend mo ay Krisha at hindi Safira! Safira pa rin hanggang ngayon? Akala ko ba nagkausap na tayo tungkol diyan? Ano na naman ‘to? Bakit panay Safira ka naman?” Nagngingitngit sa galit na tanong ko, hindi naman agad siya nakaimik.

“Hindi ako umaalis sa condo ni Cael dahil sa kaniya ako ipinagkatiwala ng mga magulang ko! And don’t even try to think that we’re doing something behind your back because we are not that kind of people. How dare you? Do you think I can cheat on you? Do you think of me as that woman? Do you look down on me so much to think of such things? At kung sakaling aalis ako sa condo niya, sa bahay ng mga magulang ko ako tutuloy at hindi sa condo mo.”

Hindi siya agad nakapagsalita matapos kong sabihin ang lahat ng iyon.

“Is everything okay here?”

Take Me To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon