Kanina pa ako bwisit na bwisit kay Cael dahil sa mga kalokohang pinaggagagawa niya sa akin.
Kaninang umaga ay nagising na lang akong mayroong standee ng nakatatakot na mukha sa may kwarto at ang damuhong ay tawa nang tawa dahil sa sobrang lakas ng tili ko, umabot daw hanggang kusina! Punyeta!
"Cael naman kasi!" Inis kong ginulo ang buhok sa sobrang pagkakairita talaga."Why? Hindi mo ba nagugustuhan?"
Nakangusong tanong niya, napairap ako ng sobra sa tanong niya.
"Punyeta, paano ako matutuwa?! Is this your welcome party for me? 2 weeks na ako rito, masyado ng late para dyan." Bwisit na tanong ko, mas lalo siyang ngumuso at sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya, nakaupo sya ngayon sa couch kaya naman lumapit ako.
Hindi ako agad nakapagreact ng bigla nya akong yakapin sa bewang ko, hinapit niya ako palapit sa kaniya at sumubsob sa may tyan ko.
"Did I went to far? I'm sorry . . ." mahina niyang sabi, napaawang ang labi ko saka sunod-sunod na napakurap, "Sorry na, krish."
Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko kaya hindi ako makapagsalita.
"A-ano . . . ehem! Ayos lang." kinakabahang sabi ko, o shit, why so nervous, Krisha?Nag-angat siya nang tingin sakin kaya naman bahagya akong tumungo.
"You're not mad anymore?"
"I-I'm not mad, Cael." Ngumiti ako sa kanya para iparating na hindi nga ako galit, tipid naman siyang ngumiti bago ako pinakawalan at doon lang ako nakahinga nang maluwag!
"May lakad ka ba ngayon?" Tanong niya, umiling naman ako.
"Wala na, nakapasyal naman na ako kahapon at bumili na rin ako ng mga stuffs na kailangan ko, dito na lang siguro ako." I explained, he nodded.
"I'll just take a shower." Paalam niya, tumango naman ako, pagkaalis nya ay nagconnect na ako sa bluetooth speaker niya at pinatugtog ang I'll never go.
Pumunta ako sa kusina at hinanda ang mga ingredients na kakailanganin ko para maisagawa ang binabalak kong lutuin for our lunch, actually pangalawang beses ko palang siyang gagawin, nung una kong sinubukang lutuin 'yon ay sila parents ang naging judge ko at maayos naman ang kinalabasan, so I want to try it with Cael.
"Every single day you always act this way, for how many times I told you, I love you and this is all I know." Sabay ko sa kanta.
Hindi ko namalayan na halos patapos na pala ako sa pagluluto ng pumasok sa kusina si Cael."May pasok ka?" Takang tanong ko matapos kong makitang nakapang office suit sya, alanganin siyang ngumiti sa akin.
"Mommy texted me and she said I need to be in the office." He explained, napatingin ako sa niluto ko bago ako nagbalik ng tingin sa kaniya.
"I cooked . . . for you." Mahinang usal ko, nakita ko naman ang pagdaan ng guilt sa mata niya kaya ngumiti na lang ako ng may maisip, "but, pwede mo naman na lang syang baunin, if you want." Alok ko.
Tumango naman siya kaya naghanap ako ng pwedeng paglagyan.
"Ano ba yung niluto mo?" I heard him asked.
"Carnitas, sabihin mo sa akin ang feedback mo mamaya ah?" Nilingon ko sya, "Para naman alam ko."
Inayos ko ang pagkakatakip non at inabot ko sa kaniya.
"Enjoy!"
Nakangiti niya iyong tinanggap, nang makita kong wala sa ayos ang necktie niya ay lumapit ako sa kaniya at ako na mismo ang nag-ayos non, I felt him stilled but I just ignored his reaction, pinagpagan ko rin ang bandang balikat niya.
BINABASA MO ANG
Take Me To Reality
RomanceThe moment she opened her eyes, the provincial life that was introduced to her came across as something she also wanted. In the life that Krisha has, she has nothing more to ask for. She has loving parents, jovial cousin and a special man in her lif...