Chapter 7
Dinner
Mitchie's.
Nang matapos ang event, pinalabas agad kaming mga estudyante dahil magsisimula na silang maglinis sa loob ng quadrangle. Hindi ko na tuloy nalapitan si Kylie at natanaw ko rin naman siyang kausap si Ma’am Tine, Ma’am Guillermo at si Ace. Bukas ko na lang siguro kukumustahin si Kylie, may lakad pa kasi ako. Remember that dinner I need to attend with my fake boyfriend?
Papatusin ko iyon.
Kinausap ko muna ang mga Grade 7 cuties na gumawa ng banner para kay Kylie, sobrang effort nila!
"Guys, maraming salamat sa pag-support sa bestfriend ko, ah?"
"Wala po 'yon, Ate Mitchie!"
"O sige, magsi-uwi na kayo at mag-ingat sa daan. Maraming salamat ulit!" pagpapaalam ko sa kanila.
Tumango silang lahat at sabay-sabay nag-lakad paalis.
Napag-desisyunan kong i-text na lang si Kylie dahil baka hanapin niya ako. Sinabi kong pupuntahan ko ang family dinner na inaya sa ‘kin ng fake boyfriend ko.
Ugh, it sounds weird to say it!
Nagkalat ang mga estudyante sa paligid at lahat sila papunta sa iisang direksyon kung saan ang palabas sa Cambridge Academy. Samantalang naglakad ako papunta sa garden upang kitain doon si Justin dahil doon siya nagsabi na susunduin ako.
Susunduin niya kaya ako gamit ang kotse? Malapit ang parking lot doon.
Umupo ako sa stone bench nang makarating na sa garden at tahimik na naghintay sa kaniya. Akala ko naman nandito na siya pagkarating ko pero nauna pa pala ako.
Baka kapag naabutan niya ako dito, sabihin pa niyang excited ako para sa dinner mamaya kahit kinakabahan ako.
Kahit pagpepretend lang itong ginagawa namin, hindi ko maiwasang kabahan. Kasi, of all people, bakit ako ang napili niya maging pretend girlfriend?
Nakakastress kaya. Imbes na tahimik lang ang buhay ko.
Unti-unti akong nainip habang nakaupo at naghihintay sa loob ng kinse minutos. Kanina pa ako pabalik-balik ng tingin sa relo pero wala pa rin siya.
Hindi niya ba alam na hindi dapat pinaghihintay ang babae?
Failed na agad siya sa pagiging fake boyfriend!
Sa gitna ng pagkabagot, pagkainip, at pagkainis, nakita ko na siyang naglalakad palapit sa ‘kin. Agad akong napatigil at natulala sa mukha niya. Parang bigla ring nawala ang inip na nararamdaman ko.
Ano ka ba, Mitchie? Dapat mainis ka!
He flashed me his comforting smile. “Thank you for waiting.”
Wow. Instead of apologizing, he thanked me for waiting and I don’t know but it made me feel better.
Umupo siya sa tabi ko, nakapatong ang dalawang siko sa tuhod at magkahawak ang kamay habang naka-lean forward.
"I'm sorry for what happened. I'm sorry for dragging you into this mess. I just... badly need your help," panimula niya.
I cleared my throat as I composed a question. Hindi ko ito natanong sa kaniya noong isang araw kaya ngayon ko na lang gagawin tutal at kaming dalawa lang naman.
"Bakit nga ba ako ang napili mo maging pretend girlfriend? Not that I'm praising you pero ang gwapo mo para hindi magkaroon ng girlfriend!"
Nagtatanong na nga ako, may komento pa. I really can’t stop my mouth, sometimes.
BINABASA MO ANG
That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)
Teen FictionCAMBRIDGE ACADEMY SERIES #1 - Kylie Gomez With a broken family and with her mom missing, Kylie Gomez believes that love doesn't exist in her life. She was deprived to feel the thing called "love" ever since she was born. She never felt loved in thei...