Chapter 38: Friend

67 4 1
                                    

Chapter 38:

Friend

Kylie's.

For the past three days, we toured around Melbourne. Wala nga ata akong ibang ginagawa dito kundi gumala lang ng gumala at kumain. Ang daming restaurants dito sa Melbourne at halos lahat ata ay nabisita na namin. Madalas ay nagsstroll lang kami sa streets at puro lang ako pa-picture kay Kuya.

Totoo nga na simula ng pumunta kami dito nila Mommy, pansamantala kong nakalimutan ang problema ko sa Pilipinas. Pero kahit ganoonpaman, hindi nawala ang pangungulila ko kay Mitchie.

I wish she was with me now...

I wish we were strolling Melbourne together...

Wala pa rin akong komunikasyon sa kaniya. Bigla na lang siyang hindi nagiging active sa social medias niya which is actually weird. Ikukumusta ko sana siya kay Kuya Charlie but in the end, I decided not to.

Napabuntong-hininga na lamang ulit ako habang nakatitig sa facebook profile niya before I exited the app and went downstairs. Kakatapos ko lang din maligo at magbihis. Isang turtle neck dress at boots ang suot ko ngayon. I am really loving my outfits here. Ito ang mga binibili ni Mommy sa'kin dito at nagugustuhan ko lahat kaya kahit kakabili niya pa lang, sinusuot ko na agad.

I fixed my hair when I got downstairs and they're already waiting for me.

"Hindi na muna tayo kakain dito ngayon dahil pupunta tayo sa Lola mo." sabi ni Mommy sa'kin habang inaayos ang damit ko. She smiled at me, "Let's go." 

May Lola pa pala ako sa side ni Mommy. I never got the chance to meet my grandparents sa side ni Papa dahil three years old pa lang ako, napag-alaman kong wala na sila. 

Sumunod lamang ako sa kanila hanggang sa makasakay na kami sa kotse. It took us almost two-hours ride before we arrived in a big mansion. Elegante din ang mansiyong ito at sa labas ko pa lang tinitingnan, alam ko na agad mayaman ang may-ari. 

Binaba ko ang sunglasses ko nang bumaba na kami sa kotse at nasa tapat na ng pinto. Pinapasok nga agad kami ng guard sa gate ng bahay, kilala na siguro nila ang kotse namin. Nag-doorbell si mommy kaya naghintay na lang kami kung sino ang magbubukas ng pinto. 

Slowly, the door creaked open. An old woman with white long hair greeted my sight. Naka-bun ang mahaba niyang buhok. Halata na rin ang katandaan sa mukha niya pero halatang malakas pa din. She greeted us with a wide smile as she opened the door wider and went near to my Mom and hugged her.

Nasa gilid lang kami ni Kuya at parehas kaming napangiti. 

"I miss you so much, Tine-tine. Thank you for coming and visiting." 

Hinimas ni Mommy ang likod ni Lola habang magkayakap pa din sila. "I miss you too, Mom. We have a special visitor for today. I want you to meet my daughter." 

Napahiwalay si Lola sa yakap at napatingin kay Mommy. "But she's with her Dad, right?" 

My Mom gave her a meaningful smile kaya doon napansin ni Lola ang presensya namin at napalingon siya sa'min — lalo na sa'kin. It's as if her stares are glued at me.

"Are you Kylie, my grand daughter?" halata ang pagkasabik at gulat sa boses niya.

Napangiti at napatango ako kaya ako naman ang niyakap ni Lola. "I'm so happy to finally meet you." 

I hugged her back and she accompanied us inside the house.

Nandito kami ngayon sa living room at kasalukuyang nakaupo sa mahabang sofa. Kadikit ko pa din si Lola at mukhang ayaw niya na kong bitawan. Humiwalay lamang siya sa'kin nang magpaalam siya na ipaghahanda niya kami ng makakain. 

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon