Chapter 37: Cambridge Academy

68 3 0
                                    

Chapter 37:

Cambridge Academy

Kylie's.

Sa totoo lang, ang hirap magising ng maaga dito sa Australia dahil ang sarap pa mahiga sa kama ko dahil sa lambot nito! Pati ang sarap sa pakiramdam ng aircon, idagdag mo pa ang malamig na klima sa umaga. 

Pero sa huli ay wala din akong nagawa kung hindi ang bumangon dahil naalala ko na may lakad pa kami ni mommy ngayong araw. Bumaba na ako at sumali sa kanila mag-breakfast.

Bacon, sunny side up egg and pancake for breakfast. Yum! 

Enjoy na enjoy ako sa breakfast ko nang may sabihin si mommy about sa pupuntahan namin ngayong araw.

"Kylie, please prepare. We will visit my own school here." 

Pakiramdam ko ay nabulunan ako sa narinig ko. Napaubo pa ako at tiningnan ng matiim si mommy.

"M-mom? Own school?" 

"Yes. Haven't I informed you about this?" 

Agad nanlaki ang mata ko. I thought it was just a prank, a lie or a joke. I never thought it's really real? 

Totoo pala talaga iyong kwinento ni mommy sa klase dati na may-ari siya ng isang school dito sa Australia.

"Yes. I have my own academic school here, Kylie. And I'll gonna tell you the history of it when we get there." she told me with her pure australian accent.

Napatango na lamang ako at pinagpatuloy ang pagkain. I put the bacon and egg inside the pancake and rolled it over. It's really delicious!

After breakfast, naligo agad ako and prepared my clothes. I wore a sleeveless turtle neck and a skort. Nag-suot na din ako ng black coat and I wore a boots. 

Nag-selfie selfie muna ako sa mirror dito sa walk-in-closet ko bago bumaba. I tied my hair in a ponytail and leave extra strands infront of my face.

Sumakay na kami sa kotse at sedan ang gamit namin ngayon. I wonder if gaano rin kaya karami ang kotse ni mommy? 

Napalingon ako sa likod ng kotse nang nag simula na itong umandar. May sinarang gate ang mga aussie guards sa basement. Napatakip ako sa bibig nang mahagip pa ito ng paningin ko. Kaya pala hindi ko nakikita ang mga kotse ni mommy na nakaparada sa harap o likod ng bahay dahil nasa ilalim pala iyon ng bahay niya. Hindi pa ako nakapunta ng basement, ha. Maybe I should do an extra tour in my mom's house. Pakiramdam ko ay marami pa akong hindi napupuntahan doon. 

Kasama namin si Kuya ngayon at nasa passenger seat siya katabi ni Kuya Lito. Katabi ko naman si mommy dito sa back seat at may mga katawagan siya na pakiramdam ko ay mga empleyado sa school. Hindi na lamang ako nakinig sa pinaguusapan nila at nagpatugtog na lang hanggang makarating kami sa school. 

I rolled down the window and stared at the students who are walking in the sideways. Ang cute ng uniforms nila, katulad ng sa'min. Teka. Katulad sa'min? 

I stared at their uniforms again. A red-striped skirt and a long sleeve blouse with a red ribbon. Some are even wearing black blazers at nakaukit doon ang logo ng--- Cambridge Academy?! 

For the nth time ay napalaki na naman ang mata ko nang mapabaling ang tingin ko sa harap ng kotse at nandoon ang malaking building ng school na mayroong logo ng Cambridge Academy.

So, my eyes are not really playing tricks on me. This is really Cambridge Academy - Australia Campus. I never heard of it, huh. All this time, akala ko nag-iisa lang ang Cambridge.

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon