Chapter 29: Stupid

90 5 1
                                    

Chapter 29:

Stupid

Ace's.

Mabilis dumaan ang oras hanggang sa natapos ang huling klase at narinig ko ang pagtunog ng bell. Wala ako sa sarili buong diskusyon namin dahil maya't-maya akong napapalingon o napapatingin sa pinto, umaasang papasok si Kylie o Mitchie pero ilang subjects na lang ang dumaan, wala pa rin sila.

Hindi ko maiwasan ang mag-alala. I know something is unusual between the two. Sana hindi ako ang naging dahilan noon.

Nakalabas na lang ang mga kaklase ko, nanatili pa rin ako sa room. Nakauwi na siguro talaga sila. Malakas akong napa buntong hininga bago nagligpit ng gamit, nag-ayos at nagsara ng room. Naisipan kong pumunta muna ng garden para magpahinga. Ganito minsan ang ginagawa ko kapag ayoko pang umuwi.

I was still thinking about Kylie while on my way to the garden. I could've lied to her when she asked me about her mom, but I didn't. She deserves the truth, so I gave it even if I'd hurt her.

Hindi ko nga lang nasabi na simula nang maging SSG president ako, hindi na ako tumatanggap ng pera kay Ma'am Tine. She'd still be mad to me, anyway.

Kusa na lamang nagbibigay ng pera ang mama niya at isa na rin siya sa naging investor sa company ni Mommy kaya mas lalo kaming napalapit sa kaniya.

I want to explain these things to Kylie. That I was really genuine to be friends with them. That my intention was pure. But, she wasn't yet ready to hear from me. She is shutting me down - everyone of us, kaya mas lalo ko siya gustong intindihin.

Open yourself to me, Kylie. I'll always understand where you're coming from.

I'll be her silent friend for now... but if I'll be given a chance, I'll show her how much our friendship means to me.

Palapit na ako sa garden nang matanaw ko ang isang pigura ng babae na nakaupo sa stone bench. Sigurado akong si Kylie ito. Nandito lang pala siya the whole time? Right. This is her favorite place.

Ihahakbang ko na sana ang mga paa nang mapatigil ako nang sumagi sa isip ko na hindi kami magkaayos at baka itaboy niya lang ako.

But, nevermind...

I'll still get to her, no matter what. I won't be pushed.

Naglakad muli ako palapit sa kaniya pero nang makita siyang nagtakip ng mukha gamit ang dalawang kamay habang nakayuko, kusang bumilis ang mga paa ko para makalapit sa kaniya.

I removed my hesitation from my system and sat beside her to wrap my arms around her body. Dahan-dahan kong hinimas ang kaniyang braso.

"Cry it all out. Cry it out to me. It's okay, Kylie."

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang ng boses ko pero nagpapasalamat ako na hindi niya ako tinaboy. She must be weak to do it.

Unti-unti niyang tinanggal ang pagkakatakip sa mukha at nag-angat ng tingin sa 'kin. Her face was soaked with tears, her nose is puffed, and her eyes are already swollen from crying. Napuno na ng pag-aalala ang mukha ko sa pagkakita ng itsura niya.

She just cried harder, not minding how she looks like. Inilapit ko ang ulo niya sa dibdib ko habang hinihimas pa rin ang braso niya. She gripped the side of my polo and poured out her tears.

Nakakasikip sa dibdib ang marinig ang bawat hikbi at hagulgol niya. It's like... she's just waiting for someone to hug her.

"I-I'm so stupid," she sobbed hardly, finally speaking up. I don't want her to keep it all inside her. "I am not worthy as anyone's friend."

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon