Chapter 42: White Roses

62 5 0
                                    

I guess I'm not yet late to post an update this Christmas day. Merry Christmas, luvies! Enjoy your holidays!

---

Chapter 42:

White Roses

Justin's.

Nang mareceive ko ang text ni Kuya Charlie na pwede akong pumunta sa bahay nila dahil wala si Tito Bernard, ang Daddy ni Mitchie, agad akong nag-ayos at umalis. Nagdala na rin ako ng maliit na cake na kinuha ko pa sa coffee shop ni Kuya Jake at bumili ng white roses malapit sa flower shop na nadaanan ko.

Medyo close na din kami ni Kuya Charlie pero kilala niya lang ako bilang kaibigan ni Mitchie. He met me during Tita Michaella's funeral. Palagi kasi akong nakabisita doon. Okay naman siya sa'kin at mabait siya kaya medyo nagkasundo na kami.

Nag-drive na agad ako papunta sa bahay nila at buti na lang kilala na ko ng mga bodyguards nila dito kaya pinapasok ako sa gate at hinayaan mag-park sa garahe nila. Nakita ko namang nakaparada na rin ang black Honda Civic na kotseng ginamit nila Mitchie ngayon papunta ng sementeryo kaya alam ko na agad na nakauwi na siya.

Sayang at naunahan niya ko, susupresahin ko sana siya paguwi. 

"Good morning, manang." bati ko kay Manang Fe na nagdidilig ng halaman sa labas.

Nag-mano pa ko sa kaniya para magpakita ng galang. Binigyan naman niya ko ng matamis na ngiti. "Pagpalain ka nawa ng Diyos, hijo." 

"Salamat po. Pasok lang po ako," paalam ko at naglakad na papasok.

Pero napatigil ako nang makita ko siya. She's holding a wine glass while leaning on the side of the door. 

Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang glass ng wine sa kamay niya. I stared at the wine. Hindi ako eksperto sa wine at hindi rin ako mahilig uminom kaya hindi ko alam kung ano ang brand ng iniinom ni Mitchie ngayon. 

"Umiinom ka?" I asked her.

She just stared at me and later on sighed. "I just tried it."

Inamoy ko ang wine na nasa baso at medyo matapang ang amoy. Color red ang kulay niya na may pagka-violet. Inilayo ko na ito sa ilong ko.

"May dala akong cake. Ito na lang ang kainin mo. Nakakapag-boost ng energy kapag kumain ka ng sweets," I smiled at her at iginiya siya papasok sa bahay at naglakad kami papunta sa kusina.

Nilapag ko ang box ng cake sa island counter at binuksan na ang box nito. Umupo si Mitchie sa tapat ko at nagpangalumbaba. Inalis ko naman ang kamay niya na nakapatong ang baba niya doon. 

"Hindi pwede gawin 'yan sa harap ng pagkain." 

She sigh again. Napakunot tuloy ang noo ko. She looks bothered. Not sad but bothered. These past few days, I know how sorrowful she is. Maraming pagkakataon na matutulala siya sa isang gilid at iiyak na lang bigla at lalapitan ko naman siya para aluin. But now, iba ang pakiramdam niya ngayon. Nararamdaman ko na hindi iyon kalungkutan. Something is bothering her.

"What's the matter? You look bothered," I asked her, trying to catch her gaze.

Napatitig naman siya sa malayo. "I don't know but… I think…" she cocked her head in the side. "I think…" napailing na siya ngayon at napahawak na sa dalawang sentido niya. "I don't know if my mind is playing tricks on me but I think… I think I saw Kylie." she stated it, staring at me, as if asking me to believe her.

"O-kay?" 

She frustratingly held the both side of her head. "Sabi ko na nga ba at hindi ka maniniwala. Pero parang nakita ko talaga siya." 

That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon