Chapter 14:
Little Things
Kylie's.
Naalala kong Sabado nga pala ngayong araw kaya hindi muna agad ako bumangon at dinama pa ang sarap ng tulog ko sa kama hanggang may marinig akong malakas na katok sa pinto. Parang sisirain ang pinto ko dahil sa lakas ng katok ng kung sinuman 'yon.
Hindi ko iyon pinansin dahil inaantok pa ako at masarap pang matulog. I half opened my eyes and glance at my alarm clock in my bedside table.
6:30AM.
Ang aga pa pala. Hinigpitan ko ang yakap sa unan at babalik na dapat ulit sa mahimbing na pagkakatulog nang narinig ko naman ngayon ang malakas na pagbukas ng pinto sa kwarto, kasunod noon ay ang malalakas na hakbang ng pumasok sa loob dahil sa suot nitong sapatos.
Iritable akong dumilat para malaman kung sino iyong nang-istorbo sa tulog ko. Pero hindi ko na kailangan ng malamig na tubig para tuluyang magising dahil agad akong napabangon habang nanlalaki ang mata.
"Ate!" bulalas ko pero nakapameywang lamang siya sa harap ko habang naka-arko ang dalawang kilay.
Hindi nakakapagtaka na nandito siya sa kwarto ko ng ganito kaaga dahil nakalimutan ko nga pala sagutan ang assignment niya kagabi!
I was too tired last night, nakatulugan ko na iyon.
"Anong Ate? Nasaan ang assignment ko? At bakit naka-uniform ka pa rin habang natutulog?"
Kahit ang pagpapalit ng damit kagabi, hindi ko na nagawa. Mabilis akong nakatulog nang mahiga agad sa kama kagabi.
"No need to answer that, maiirita lang ako sa 'yo! We had a deal! Sagutan mo na ang assignment ko at kailangan tapos na 'yan kapag naka-akyat ulit ako or else, Dad will find out what time you went home last night!"
Tumalikod na siya at padabog na isinara ang pinto sa kwarto ko. Doon lang ata ako nakahinga ng maayos. Ganoon na talaga ang ugali niya sa simula pa lang, lalo nga lang lumala iyon nang malamang anak ako sa labas ni Papa.
I sighed heavily and searched for her notebook that was still on my bed. Kahit gusto ko pang matulog, bumangon na lang ako para ayusin ang kama at pumasok sa study area ng kwarto ko.
Kung dito siguro ako dumiretso kagabi, hindi ko makakatulugan iyon. I sighed heavily and opened the lampshade in my study desk.
I scanned her notes and studied her assignment.
To appease my annoyance, I weirdly talked to her notebook dahil hindi ko naman siya masasagot ng ganito. "Kasalanan mo 'to e. Nakatulugan nga kita pero ikaw rin naman ang dahilan kung bakit naistorbo ang tulog ko."
Ang dali lang naman pala nito. Ahead siya ng isang taon sa'kin pero sa akin pa pinapasagot ang assignment niya, shame on her!
I scoffed at kinausap ulit ang notebook niya nang matapos ko ng sagutan ito.
"Sa susunod, ikaw na ang gumawa ng sarili mong assignment. Nasa iyo naman ang sagot at notes."
Kung hindi ako umuwi ng ganoong oras kagabi, wala siguro siyang pang-blackmail sa 'kin! But I donʼt regret going home that late. I felt the freedom without the worry of being scolded. Masiyado ko kasing na-enjoy ang kwentuhan namin kay Tita Mirdette kagabi, totoong nawaglit sa isipan ko ang oras hanggang sa ginabi na kami.
BINABASA MO ANG
That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)
Ficção AdolescenteCAMBRIDGE ACADEMY SERIES #1 - Kylie Gomez With a broken family and with her mom missing, Kylie Gomez believes that love doesn't exist in her life. She was deprived to feel the thing called "love" ever since she was born. She never felt loved in thei...