Chapter 10
Club Opening
Kylie's.
Nang makarating ako sa room nang 7:56am, wala man lang mga tao sa loob kahit 8am ang klase.
Wala bang pasok at hindi ako na-inform?
Dudukutin ko na dapat ang phone sa bulsa ng palda ko para i-chat si Mitchie pero may narinig akong tumatakbo palapit sa ‘kin.
Ito na naman ang runner kong friend na si Mitchie.
"Nandito ka na pala!" bulalas niya, hinihingal pa.
"Bakit walang tao? Wala bang pasok?" Lumingon ako sa pinanggalingan niya, baka kasi sumunod sa kanya ang mga kaklase namin at nag-running marathon pala sila.
Lumapit siya sa kaniyang bag na hindi ko napansin na nasa upuan niya pala at uminom ng tubig sa bottled water.
"Opening ng clubs ngayon. Nasa quadrangle ang lahat ng estudyante para sumali sa iba't-ibang clubs."
Napakurap ako. "Talaga? Bakit hindi ko alam? Parang wala namang in-announce?"
Sakop ng SSG ang club opening at kasama ko si Ace kahapon and hindi man lang niya nabanggit sa'kin ang tungkol dito?
"In-announce kanina sa assembly at nakadikit din iyon sa bulletin board. Kaya walang klase dahil lahat ng estudyante nasa quadrangle para sa club opening."
Napatango-tango ako. Iba talaga ang epekto kapag late.
"And, paano mo naman nalaman na nandito ako?"
Binaba ko na rin ang bag ko at nilagay sa upuan. Sa sobrang lutang ko ngayong umaga, kakapansin ko lang na nandito pala lahat ng bags nila.
"I didn't know! Umakyat ako saglit para uminom ng tubig saka kita naabutan. At, dahil nandito ka na rin naman, sabay na tayong bumaba."
Agad niyang inangkla ang braso niya sa 'kin at hinila ako palabas.
Lutang ata ako kanina. Hindi rin kasi nagawi ang tingin ko sa bulletin board kaya hindi ko siguro napansin ang mga nagkukumpulang estudyante doon.
Nang makarating kami sa quadrangle, nagsisimula na agad ang ceremony. Siguro kaya ganito ako ngayon at walang gana sa mga bagay-bagay na nangyayari sa school dahil hindi ako sanay sa ganitong set-up.
I was usually the one who always prepare these kinds of activities but I turned out to be an ordinary student as well.
Naghanap kami ng pwesto ni Mitchie, buti na lang may nasave pala siyang seat sa 'kin malapit sa unahan katabi niya. Nakatayo na si Ace sa stage at nakaharap sa 'ming lahat.
"Good morning, Bridgers! I'm Ace Garcia, the SSG president and I bet you're all excited for today's activity! To get this quick so we can start the event, we added new clubs that will showcase your talents in writing, singing, acting and we also have our new club which is personally my fave, the photography club!"
Naghiyawan ang mga estudyante at nagsimula ng mag-ingay sa quadrangle dahil nag-bahagi na kaagad ng kanilang mga sasalihan na club.
"For those students who don't find their interests from any of the clubs I mentioned, you can join the sports club which includes basketball, badminton, volleyball and table tennis. Any genders are allowed to join."
Naghiyawan ulit ang mga estudyante, sumama si Mitchie doon.
"Hindi ako sumali sa mga clubs last year but I might try today! Para masulit ang last year sa senior high. What do you think?"
BINABASA MO ANG
That Thing Called Love (Cambridge Academy Series 1)
Roman pour AdolescentsCAMBRIDGE ACADEMY SERIES #1 - Kylie Gomez With a broken family and with her mom missing, Kylie Gomez believes that love doesn't exist in her life. She was deprived to feel the thing called "love" ever since she was born. She never felt loved in thei...